•3•

147 3 2
                                    

KIM NAMJOON

Dumiretso kami ni Yoongi sa isang arcade na malapit dito saamin. Syempre nagpalit muna kami ng damit bago pumunta doon.

We tried many games here at arcade. After so many hours, nagpahinga muna ako dahil si Yoongi hindi tumitigil sa paglalaro ng basketball.


Pumunta muna ako sa stall ng foods para bumili ng chips at drinks dahil matagal pa yata kami dito. Mukhang nag eenjoy si Yoongi maglaro ng basketball. Dinalian ko nalang sa pagbili at bumalik narin agad.

Hawak-hawak ko ang pagkain ko na malapit ng maubos nang makapunta ako sa puwesto ni Yoongi. At biglang...

"Oh fuck-" there's a ball that goes exactly to my direction and hit my head.

Napaupo nalang ako sa sahig dahil nahilo ako. Natapon din ang natitirang pagkain ko sa sahig. Yung juice naman nabuhos sa damit ko.

"Shit, ang malas naman." Bago pa 'ko tumayo, may lalaking pumunta saakin at hawak-hawak n'ya yung bola.

"Hala! Sorry po kuya." Nag-aalalang ani nya at tinulungan akong tumayo. Nag bow pa ito saakin at paulit-ulit na nagsorry.

"Aish! Tignan mo ginawa mo sa bagong shirt ko!" I shout to him. May lumapit naman na isang lalaki at tinanong kung anong nangyari. Siguro kasama n'ya yun. "Panira ng araw." I whispered but still, he heard it.

"Nagsorry na nga yung tao tapos kung ano-ano pang sinasabi mo." He rolled his eyes.

"Hey! Hindi ka nga nagsosorry ng maayos tapos may gana kapang tumaray saakin!" Sigaw ko ulit sa kanya. Pinahawak n'ya naman sa kasama n'ya yung bola at nagkrus s'ya ng braso.

"Hoy! Ikaw din lalaking tanga-tanga ka! Kung umilag ka sana nung lumipad yung bola, 'e di sana 'di ka natamaan!" Nainis naman ako sa salitang ginamit n'ya kaya aambahan ko sana s'yang suntukin nang biglang sumulpot si Yoongi sa likod ko at pinigilan ako. Hinawakan din s'ya ng kasama n'ya at pinapakalma.

"Jin-hyung tara na kaya, wag kang gumawa ng eksena dito sa arcade." Pakiusap ng kasama n'ya.

"Ano ba Jungkook! Bitawan mo nga ko!" Pagpupumiglas n'ya pero masyadong malakas yung kasama n'ya. "Kukutusan ko lang yang lalaki na 'yan, sumusobra eh!" May binulong pa yung kasama n'ya kaya kumalma na siya.

"Eh ikaw nga 'tong nagsabi na tatanga-tanga ako!"

"Namjoon tama na 'yan, para kayong bata." Hinawakan ako ni Yoongi sa balikat kaya tinignan ko nalang ng masama yung lalaki. Umalis na kami doon sa arcade bago ko pa masuntok yung lalaking 'yon.

Ganito na ba mga tao ngayon? Sana naman hindi ko na yun makita. Panira ng araw eh! Malas talaga.

Buti nalang may baon pang isang t-shirt si Yoongi kaya ayun muna ang sinuot ko.

Buti nalang may baon pang isang t-shirt si Yoongi kaya ayun muna ang sinuot ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JEON JUNGKOOK

Kumain muna kami ni Jin hyung sa isang restaurant bago umuwi. Nakakahiya talaga yung eksena kanina. Bakit ba kase may ganoong tao sa mundo. Nagsorry naman na si hyung eh.

"Teka lang hyung, dahan-dahan naman sa pagkain. Mabibilaukan ka!" Binigay ko nalang sakanya yung inumin ko dahil grabe s'ya sa pagkain ng fries, burger at carbonara.

"Kashe nam-an yung laloki-" naubo naman s'ya kaya natampal ko nalang yung noo ko!

"Ano ba 'yan hyung!! Umayos ka naman. Aish!" Nakatingin na saamin yung ibang kumakain dahil parang dragon 'tong si hyung kumain.

"Alam mo talaga Jungkook?!! Kapag nagagalit talaga ko, kumakain ako ng marami!" Umuusok na yata yung ilong n'ya sa inis. Pero tuloy parin s'ya sa paglamon.

"Oo nga hyung, halata. Dapat pala sa bahay nalang tayo kumain noh?" Ani ko sakanya. "Kase nahihiya na talaga ko sa ginagawa mo ngayon, lord save me." Bulong ko.

"Ano?!"

"Wala wala, bilisan mo na nga diyan— I mean dahan-dahan ka lang!"

"Nako talaga Jungkook! Kapag nakita ko talaga yun ulit, siguradong matutuloy ang world war 3. Ang poging lalaki tapos ganoon yung ugali. Aish!" Nakita ko naman yung dalawang lalaki kanina na umoorder sa counter kaya nanlaki yung mata ko.

Malapit lapit pa naman yung puwesto namin.

"Ay h-hyung tapos ka na b-ba?!" Tanong ko sa kanya.

"Oh bakit namumutla ka?! Nakakita ka ba ng multo?" Tumingin pa s'ya sa likuran n'ya.

"Teka hyung!" Ano bang pwedeng dahilan? Ahhh! " Hyung sumakit yata yung tiyan ko. Pwedeng umalis na tayo?"

"Ahh ganun ba? Nagpunas na s'ya ng tissue at nagmadali na kaming lumabas.

Phew. Nakaligtas ako dun ahh! Dali-dali kaming sumakay sa kotse ni Hyung at hinatid n'ya ko sa bahay.

Sana talaga hindi na namin makita yung mga taong yun.

__________________

LISTEN TO DYNAMITE EDM AND ACOUSTIC REMIX <3

STAY HEALTHY AND GODBLESS

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now