•30•

122 2 3
                                    


KIM NAMJOON

"Jin ang bilis mo naman." Lumapit ako kay Seokjin at nakita ko naman sa harap n'ya ang isang lalaki na kahawig n'ya. Siguro bumili rin ito.

"Kala ko ba may contest ka ngayon, bakit nandito ka?" He asked and seems like he's angry. "At sino naman 'tong kasama mo?" My eyes widen when he glare at me.

"Uh Kim Namjoon po. Ka-schoolmate nya." I bowed in front of him while Seokjin is still frozen beside me. Kaya siniko ko s'ya para magsalita.

"Kase ganito yun kuya..." Tama nga ko kuya n'ya yan. Napatingin nalang ako sa paligid ko para kunwaring 'di nakikinig sa pag-uusap nila. Sinubukan naman ni Seokjin na magpaliwanag na 'di s'ya nakapagcontest dahil lumala yung sakit n'ya pero nakakatakot talaga yung kuya n'ya kase halata sa boses nito ang pagka-istrikto.

"Mga iho, ito na order n'yo." Ani ni manong. Kinuha naman nila yung pagkain at naghanap ng bench para umupo. Doon narin nila tinuloy ang pag-uusap nila at sumunod lang ako sakanila at tumayo sa gilid.

"Aish Seokjin, alam mo naman na may sakit ka pero ba't ka pumunta dito sa crowded at mausok na lugar? Are you still using your brain?" Natamaan rin ako sa sinabi ng kuya n'ya. So dahil nakikinig narin ako sa usapan nila, I did the right thing at nagsalita.

"Uhm Sir," tumingin naman ito saakin. Si Seokjin naman na nasa tabi n'ya ay nakasimangot na kaya tinuloy ko na ang sasabihin ko.

"Sorry po kung dinala ko dito si Seokjin. Ako po talaga may kasalanan kaya 'wag n'yo na po s'yang pagalitan." I bowed again to him. I waited a seconds and I heard him sighed.

"So anong pumasok sa isip mo para dalhin dito yung kapatid ko?"

"Kuya Seokjung naman." Pagpapakalma ni Seokjin. Napakagat nalang ako sa labi ko at nagsalita.

"Sorry po, sir. Gusto ko lang po sana pasayahin yung kapatid n'yo kase ganun nga po yung nangyari." Nagbow ako ulit at hiniling na sana wag na kaming pagalitan pa.

"Okay fine." Tumayo na si Sir Seokjung at ganun din ang ginawa namin ni Seokjin. "Papayagan ko kayong gumala pero dun lang dapat kayo sa mall."

"Tsk." Napatingin naman ako kay Seokjin. Kakaiba talaga 'tong magkapatid.

"Oh, ano pang hinihintay n'yo? Tumayo na kayo diyan at ihahatid ko kayo." Sumunod nalang kaming dalawa. Si Seokjin ay iritado parin ang mukha at nakakrus pa ang braso.

Pagkahatid samin sa mall ay nawala na rin si Sir Seokjung dahil bumalik na ito sa trabaho. Malapit lang pala ang business building nila Seokjin dito.

"Pagpasensyahan mo na 'yong kuya ko. Ewan ko ba masyadong istrikto tsaka ang daming kaartehan sa buhay." Ani ni Seokjin habang tumitingin kami ng mga damit dito sa boutique shop.

"Wow ha. Pero kanina nung makita mo s'ya para kang nakakita ng multo." I said sarcastically.

"Ulol. Shut up." Natawa nalang ako sakanya. "Wait! Try this clothes mukhang bagay sa'yo." Lumapit naman s'ya saakin at tinapat ang isang blue na hoodie.

"What do you think?"

"I like the colors and it has pocket. So yeah, buy it for me. " Bigla n'ya naman itong binalik sa lagyanan.

"Sabi ko lang naman tignan at i-try, hindi ko sinabing bibilhin natin." He laughed.

"Haha funny." I rolled my eyes.

"Pft just kidding. Pero kung gusto mo naman pwede mo bilhin."

"So, pwede kita bilhin?" I asked to him and his eyes widen. "Pft. Just kidding HAHAHAHAH!"

"WTF, NAMJOON?!"

~•~

Natapos na ang pangatlong kalahok sa kanilang sayaw at susunod na ang grupo nila Jimin. Hindi parin maalis sa mukha ng dalawa n'yang kasama ang kaba pero sa kabilang banda, si Yoongi na kanilang pianist ay kalmado lang habang papalakad sila papunta sa entablado.

'Hindi pa s'ya kinakabahan na kami na ang magpeperform?' tanong ni Jimin sa sarili.

Pumunta na sila sa kanilang pwesto at inayos ang kanilang posisyon. Si Yoongi ay umupo na sa tabi ng piano at pinag-aaralan ang piyesa na nasa kanyang harapan. Nagsimula naring magsalita ang MC at pinakilala ang kanilang paaralan.

Tahimik at talaga namang napakaganda ng mga kaganapan. Kitang-kita sa ekspresyon ng mga sumasayaw ang kanilang emosyon. Lalo pang nagpayumi dito ang pagtipa ni Yoongi sa piano dahil sa bawat nota ay saktong-sakto ang bawat indayog sa katawan ng tatlong mananayaw. Kahit ang mga hurado ay talaga namang hindi naalis ang tingin sakanila dahil manghang-mangha ang mga ito.

Dumating na ang pinaka gitnang parte ng sayaw kung saan aabante si Jimin. Ang hawak n'yang mahabang tela ay iwinasiwas n'ya at pinaikot bago n'ya pa ito ibato sa ere na para bang kinokontrol n'ya ang hangin. Dito nagsimulang maghiyawan ang mga taong manonood. Kung ikaw rin talaga ay nandoon para manood ay makikita mo silang parang mga paruparo na nakikisayaw sa hangin.

Nang matapos ang performance nila ay di mawawala ang kanilang guro na naiyak na pala sa kanilang ginawa. Kahit ang mga taga ibang eskwela ay binati sila sa ganda ng kanilang pinakita.

"Ang galing n'yo mga anak." Niyakap sila ng kanilang guro dahil sa sobrang proud nito. Napangiti nalang ang apat sa isa't-isa dahil sa natapos na nila ang kanilang paghihirap.

"Let's go guys. Habang hinihintay ang results lilibre ko muna kayo." Ani ng kanilang guro at sumunod naman si Hera at Mina habang nagchichikahan. Naiwan naman ang dalawa.

Dahil alam naman ni Jimin na tahimik na tao si Yoongi kaya s'ya na ang nag-aya dito at inakbayan sa balikad bago sila lumabas.

"Oo nga pala, ang galing mo kanina ah." Ani ni Jimin at kita sa mata nito ang kasiyahan.

"Hmm. Thanks." Nakangiting ani ni Yoongi. Nginitian nalang s'ya ni Jimin at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Naweweiduhan at naguguluhan tuloy ang isa sakanya. Napapaisip tuloy si Jimin kung ano bang nakain ni Yoongi at nakakayanan nitong tumahimik nang ganoon.

'siguro tahimik lang talaga s'yang tao.' pilit na kumbinsido n'ya sa sarili.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now