•38•

57 1 2
                                    

KIM SEOKJIN

I woke up early to prepare for our hangout for today. Tinext ko na rin si Jungkook kung saan kami magkikita. Ang sabi n'ya naman ay dadaanan n'ya daw ako rito sa bahay. While Nabi and Yin will be waiting at the near coffee shop. Aabangan daw nila yung sasakyan naming bus tsaka sabay-sabay na kaming lalarga.

"Good morning, hyung." Bungad saakin ni Jungkook pagkababa ko palang sa hagdan. Nakaupo s'ya sa sofa at kala mo nasa bahay nila. Inaayos naman n'ya ang dalang camera dahil mahilig itong kumuha ng litrato kapag mayroon kaming mga gala na malayuan.

"Ano nakapag-almusal ka na ba? Arat sa kitchen." Alok ko sakaniya. Tumango naman ito at sumunod sa likuran ko. Kung pagkain lang pag-uusapan, syempre hindi na 'yan tatanggi.

Sabado ngayon pero maagang umalis sila mom, dad at kuya Seokjung para pumunta sa office. Walang taong matitira ngayon dito sa bahay kaya kailangan kong ayusin ang mga bagay-bagay.

Gumawa ako ng iced coffee at kinain namin ni Jungkook ang nakahandang pagkain na niluto ni eomma. Si Jungkook naman ay uminom lang ng juice na kinuha n'ya sa refrigerator.

"Ayoko magkape. Baka mamaya habang nasa biyahe magta–"

"Kumakain tayo, Jungkook. 'Wag kang dugyot bwisit ka!" Pagpigil ko sakanya. Walang filter bunganga nitong tao na 'to.

Nilunok ko nalang lahat ng nasa bibig ko at uminom. Nilagay ko na rin ang pinagkainan sa sink. Gano'n din naman ang ginawa ni Jungkook pagkatapos n'ya.

"Tinext ko nga pala si Nabi, nandoon na daw sila sa coffee shop." Jungkook uttered while fixing his things.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko. I bring my sunglasses, sunblock, perfume, some tissue, phone, power bank incase my phone will die and money.

"Let's go, Kook. Baka 'di natin maabutan yung bus." I locked the door of our house. We walked to the bus stop and wait for the 7:00 o'clock ride. Luckily, the bus was exactly arrived in that time.

As 7:12, we already in the front of coffee shop. May katabi iyong bus stop at nandoon nga sila Nabi. Umakyat naman na sila dito sa bus at binati kami.

"Good morning sainyo!" Sabay nilang bati at umupo sa harapan naming upuan.

Tumayo naman si Jungkook na nasa tabi ko at sinilip sila. Buti nalang at hindi masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan kundi tataob 'tong katabi ko. Hinawakan ko nalang ang dulo ng t-shirt n'ya para sigurado.

"Nag-antay ba kayo ng matagal, Nabicakes at Yin?" Tanong ni Jungkook at sumagot naman si Yin.

"Hindi naman masyado. Buti nalang nung hapon sinabi saakin ni couz Nabi na want n'yo gumala. Then, I checked my schedule but it's empty so I immediately packed my things and sleep over to their house. Para naman kapag kinaumagahan, mabilis kaming makakaalis. Right, Nabi?" I heard Nabi hummed to her answer.

"Haha. Grabe ang ikli lang ng tanong ko pero ang haba ng sagot mo." Prangkang pagkakasabi ni Jungkook kaya hinampas ko s'ya nang mahina at nilakihan ng mata. Sumagot lang naman ng tawa si Yin at bumalik na sa pagkakaupo si Jungkook.

Pagkatapos ng isang oras na biyahe ay narating din namin ang una naming pupuntahan. It's a farm filled with many types of flowers and fruits. Si Jungkook ang nagrekomenda nito kase raw puntahan ng mga turista dahil sa ganda ng lugar.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now