•29•

88 6 0
                                    

Park Jimin

Nandito na kami sa parking lot at dahil ako ang unang nagising, pinagayak ko na ang lahat. Masyado palang malaki 'tong school kaya dito ginanap ang contest. There's a tent everywhere where they sell foods for the audiences and it's too crowded. Siguradong maraming manonood saamin mamaya.

"Okay class, ayusin nyo na ang mga sarili nyo. Pakibaba na rin yung mga bag, damit at make up kits." Ani ni ma'am na kakalabas lang sa driver seat. Pumasok kami sa isang room kung saan dito kami mag-aayos ng sarili bago magsimula ang contest. Sa kabilang rooms naman, nandoon din yung mga students ng ibang schools.

I worn my white clothing quickly at pumunta sa iba para icheck sila. Nakita ko naman si Hera na inaayos na ang kanyang make-up kaya pagtapos nya ay nagpaayos na din ako.

"Cute naman ng Jiminie naten jan." She said while applying lip balm to me. "Asan na ba yung iba?" She asked.

"Nag-aayos pa yata ng sarili." I answered. Inayos n'ya naman sunod ang buhok ko. Division contest lang naman 'tong sinalihan namin kaya no need for professional make-up artist para magpapogi't magpaganda saamin. Tsaka I know naman na magagaling 'tong mga kasama ko.

"Teka ayan na pala si Mr. Min ohh!" Napatingin naman ako sa direksyon ng pintuan.

I saw Mr. Min wearing an ivory-colored blazer with polo long sleeves underneath. Of course his slacks are also white and he looks like an angel. Nagkasya sakanya yung dapat na damit ni Seokjin-hyung kahit medyo maliit s'ya haha.  He goes to the seat beside me.

"Wow naman ang pogi ng pianist namen oh!" Ani ni Hera at tinapos na ang pag-ayos sa buhok ko then pumunta sa katabi ko.

Tinulungan ko na rin si Minari mag-ayos ng sarili nya. Pagtapos naman ng lahat ay hinanap na namin si ma'am. Mga ilang minuto nalang pala ay magsisimula na ang contest kaya magpasukan na ang lahat ng tao dito sa auditorium. Nasa back stage naman kami at nagpprepare ng sarili.

"Good luck saatin guys." Umakbay si Hera saamin ni Mr. Min. "Ipanalo natin 'to para sa school."

"Fighting saatin guys!" Mina yelled.

"Yes let's do it!" Sabay naming sagot ni Mr. Min.

~•~

Kim Seokjin

Dahil bumaba na yung lagnat ko, umalis na kami ni Namjoon sa clinic. Hindi naman ako makapunta sa classroom kase wala naman akong dalang notebook tsk.

"Oh, Namjoon anong balak mong gawin?" Tanong ko sakanya kase nabobored na rin ako dito kakaupo sa bench.

"Bili tayo ng ice cream. Ang init ngayon." Ani n'ya at nagpunas pa ng panyo sa noo.

"Aba tanga ka ba? Kagagaling ko lang sa sakit tapos papakainin mo ko ng malamig. Gusto mo ba ko mamatay?!!" Sigaw ko sakanya. Sinisipon na nga ko dito tsaka gusto n'ya pa palalain.

"Bakit naman kase pabago-bago 'tong panahon? Kahapon umuulan tapos ngayon napakainit?" Tanong pa n'ya. "Ugh, I want to go somewhere. Saan ba pwede?" Sumandal naman ako sa upuan at pinagkrus ang braso.

"Ba't mo naman saakin itatanong? Ako ba weather forecaster tsaka google map mo?" Pananaray ko sakanya. Kung ano nalang kase maisipang gawin eh.

Ayoko rin naman umuwi sa bahay kase walang tao doon. Si dad tsaka hyung nasa company while si mom may pinuntahang meeting.

Nag-antay kami ng 30 minutes hanggang matapos ang klase. Yung ibang estudyante nag-uwian na. 2:30 pm palang naman kaya pwede pa gumala. Wala naman na akong nararamdamang sakit maliban nalang sa sipon ko.

"Oh apple juice." Abot saakin ni Namjoon na kakagaling lang sa cafeteria. Lumabas naman na kami ng gate ng school at naghintay ng masasakyan.


"So where are we going?" I asked. Di naman s'ya sumagot at nakatitig lang sa bintana nitong bus.

Buti nalang marami akong nadalang pera ngayon kaya makakabili ako pero pwede ring magpalibre sakanya kung gusto ko. Tumingin nalang din ako sa bintana at alam ko na kung saan kami papunta.

"Ba't naman tayo nandito sa palengke?" Tanong ko sakanya.

"May bibilhin lang akong meat, pork and veggies tsaka sabi nila may masarap daw ditong kainan." Tumango nalang ako at sumunod sakanya.

Nakasunod lang ako sa likod n'ya habang naghahanap s'ya ng meat at pork dito sa wet market. Lakas rin ng tama neto eh. Pwede naman sa mall nalang bumili hmp.

"Dito ako bumili para mas fresh tsaka makakamura din ako." Sagot n'ya na para bang narinig n'ya yung tanong sa utak ko.

"Sige lang. Gusto mo ba tulungan kita?"

"Hmmm kahit wag na, kaya ko naman." Kunwari pa amp.

***

Natapos na nila Namjoon at Seokjin ang pamimili kaya dumiretso sila sa nga tindahan ng street foods. May mga nagtitinda ng Tteokbokki (Spicy rice cake), Hotteok (Stuffed pancake), Odeng (Fish cake), Corndogs at iba pa dito sa kalye. Maamoy mo rin ang sarap nito kaya nakakawiling bumili at tikman ang lahat ng mga paninda.

"Broooo!" Sigaw ni Seokjin dahil ngayon lang nila nadiskubre ang lugar na 'to.

"So dahil sinamahan mo ko mamalengke," tinaas ni Namjoon ang pitaka nya, "...lilibre kita ngayon." Napangiti naman si Seokjin sa sinabi ng isa kaya hinatak na n'ya ito papunta sa isang stall para bumili ng pagkain.

"Geh kuha kalang." Ani ni Namjoon pero di naman ganoon kagutom si Seokjin ng mga oras na yun kaya unti lang ang kinuha n'ya.

"Ba't naman ang unti ng kinuha mo?" Tanong ni Namjoon at kinausap ang tindero na dadagdagan ang kukuhain nila. Pinigilan naman s'ya ng isa.

"Namjoon okay na 'to. Hindi pa naman ako gutom." Tinignan lang s'ya ng isa.

"Sure ka?"

"Yeah. Tsaka may iba pang stall ng pagkain doon oh!" Umalis si Seokjin habang kain-kain ang dala n'yang Hotteok. Binayaran naman na ni Namjoon ang binili nila at sinundan si Seokjin.

Sa stall naman na ng Tteokbokki ang pinuntahan ni Seokjin.

"3 sticks nga po neto." Ani n'ya sa tindero.

"Same order din po." Napatingin naman si Seokjin sa likod n'ya dahil familiar ang narinig n'yang boses.

"Kuya Seok—"

"Jin ang bilis mo naman." Napatingin si Namjoon sa kaharap ni Seokjin at narealize n'ya na kamukha ito ng isa.

"Kala ko ba may contest ka ngayon, bakit nandito ka?" Tanong ni Seokjung sa kapatid at napatingin din kay Namjoon. "At sino naman 'tong kasama mo?"


____________

OMG I'M BACK AGAIN! SORRY FOR SUPER DUPER LATE UPDATE

STAY HEALTHY AND GOD BLESS <3

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now