•34•

43 3 1
                                    


KIM SEOKJIN

Nakita namin ni Jungkook sila Yoongi at Namjoon sa hallway pero nag-iba naman sila ng direksyon napupuntahan. Tatanungin ko sana kung pwede namin makasama si Nabi kase ilang araw na rin kaming hindi nun nakakapagbonding. Makikita mo naman na overprotective si Namjoon kaya mas mainam na ipaalam namin yung kapatid n'ya.

"Ngek. Ba't nag-iba ng direksyon yung dalawa? Diba dito yung mas malapit na way papunta sa class 12-A?" Ani ni Jk habang nakaturo sa hagdan. Napasimangot nalang ako kase hindi ko rin alam ang dahilan kung ba't sila lumiko. Nag-antay pa naman kami hays.

Umakyat nalang kaming dalawa sa room at napag-isipan na mamaya nalang namin silang lunch kakausapin.

-

Lunch time at dumiretso na kami agad ni Jk sa cafeteria. Pumunta kami sa vacant seats at doon muna umupo. Sakto naman na kadadating lang ni Namjoon at Yoongi kaya tinawag naman sila agad ni Jungkook.

"Hyung!" Aniya sa kanila at tinuro ang kinauupuan namin. Ngumiti naman saamin si Yoongi. Tumingin naman ako kay Namjoon at nagsalubong ang aming tingin.

Bakit gan'yan ang tingin n'ya? Para s'yang nakakita ng multo...

Lumapit na sila Yoongi sa'min at umupo sa bakanteng upuan. Bale ang katapat n'ya ay si Jungkook at katapat ko naman ay si Namjoon.

"Hay, Kapagod maglakad. Ang init pa sa labas." Iritableng reklamo ni Yoongi at pinapaypayan pa ang sarili gamit ang kamay nito na kala mo may malakas s'yang hangin na magagawa.

"Alam mo hyung, para kang matandang pagod." Natawa naman ako sa sinabi ni Namjoon at napatingin s'ya saakin at namutla ang kanyang mukha.

"Ikaw nga–" tinakpan ni Namjoon ang bibig nito kaya 'di na natuloy ng isa ang pagsasalita.

"Hyung, don't talk too much. Wala naman sense 'yang sasabihin mo eh." Sunod-sunod and pagtango ni Yoongi na sinasabing suko na ito kaya binitawan na s'ya ni Namjoon. Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Jk at nagbigay ng confused look sa isa't-isa.

"All right. Tara na Jk at umorder na tayo ng pagkain." Yoongi gave Namjoon a tease look. Bigla namang hinila ni Yoongi si Jk at napatayo ito sa kinauupuan. Sinabi naman namin sakanila ang gusto naming pagkain at dumiretso na sila para pumila.

Kaming dalawa nalang ni Namjoon ang natira ngayon dito sa table.

"Oh Namjoon, kamusta ka naman? You alright lang naman bro diba?" Pangangamusta ko sakanya kase parang namumutla s'ya na ewan. Sinubukan ko namang hawakan ang braso n'ya pero nilayo n'ya ito.

"I'm fine. Don't worry." Ngumiti s'ya saakin at umiwas din agad ng tingin.

Kahit ang ingay ng nasa paligid namin, ang awkward ng sitwasyon naming dalawa. Parang 'di kami nagkasama at nag-asaran kahapon ah. Ano kayang problema nito?

Napanguso nalang ako at inabangan na dumating ang dalawa. Mukhang wala ata sa mood tong nasa harap ko para kausapin. Mamaya ko nalang ipapaalam si Nabi kapag dumating na sila Jk at Yoongi.

"Oh hyung, eto na food mo." Sabi ng kakarating na si Jk at binigay ang pagkain ko. Gano'n din naman ang ginawa ni Yoongi at ibinaba sa table ang pagkain ni Namjoon. Sinimulan na namin ang pagkain.

"So... Namjoon at Yoongi, gusto sana naming ipaalam si Nabi kase gagala kami nitong weekend. Kung pwede lang naman." Pag-uumpisa ko. Nagkatinginan naman ang dalawa bago sila sumagot.

"Ok lang naman sa'kin." Yoongi approved. Napatingin naman ako kay Namjoon para antayin ang sagot n'ya. Humalukipkip s'ya at tumango.

"Okay! Thank you hyungs!" Masayang pasasalamat ni Jungkook.

"If you have nothing to say, I got to go." Tumayo si Namjoon sa kinauupuan n'ya at lumabas na ng cafeteria. Natigilan naman kaming tatlo at napatingin sa isa't-isa.

"Uhm, sorry guys. Susundan ko lang si Namjoon."

_____

Patakbong sinundan ni Yoongi si Namjoon at napadpad silang dalawa sa hardin ng paaralan. Buti na lamang ay wala masyadong mga estudyante doon dahil mainit ang panahon at paniguradong ang lahat ay pumasok sa cafeteria.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Namjoon? Wala ka na ba sa sarili?" Nagtatakang tanong nito sa kaibigan.

"Oo hyung, parang gano'n na nga!" Napahawak nalang ito sa ulo at napasabunot sa buhok.

"Ewan ko ba hyung. Parang may sumasakal saakin kapag nakikita ko si Seokjin. Tsaka kapag lumalapit s'ya, 'di ko alam ang nararamdaman ko sa kinalolooban ko. Parang ayaw ko na s'ya mawala sa paningin ko. Okay lang naman ako no'ng mga nakaraang araw na kasama ko s'ya pero kahapon tsaka ngayon ugh– hindi ko na maintindihan ang sarili ko!" Naiiyak na sagot ni Namjoon sa kaibigan. Inalalayan naman muna s'ya ni Yoongi na umupo at inalo ang likod ng kaibigan.

"Delikado ka na, Namjoon." Nakangising sagot ni Yoongi. Napatingin naman ang kaibigan dito na pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.

"B-bakit mo ba ako nginingitian, h-hyung? I need your help oh!" Reklamo pa nito.

"Yes, I'll help you naman, Joon. But will you accept my answer if I said it to you?" Dire-diretso namang tumango ang binatang naguguluhan. Napabuntong-hininga nalang si Yoongi at nagsalita.

"You are in love, Namjoon." Nanlaki ang mata ni Namjoon sa sinabi ng kaibigan at napaawang nalang ang bibig. Matagal din itong nagproseso sa utak n'ya at umiling.

"Hell no, hyung. I can't be. Lalaki s'ya at lalaki ako. Hindi 'yon pwede." Sunod-sunod nitong ani at napailing nalang ang kaibigan sa kan'yang mga sinasabi.

"Come on, bro. Para namang hindi mo nasaksikan iyong mga ginawa kong love letters kay Jimin."

Napakagat nalang sa labi si Namjoon at napatingin sa kawalan. Tama nga naman. Kitang-kita n'ya ang aksiyon ng kaibigan habang ito ay naiinlove kay Jimin. Pero kung iisipin n'yang ginagawa n'ya rin ito ay para bang mandidiri s'ya sa sarili n'ya kaya mas mabuting tigilan n'ya nalang ang kahibangan na ito. Kaya ngayon ay magpaplano nalang s'yang umisip ng paraan para matigil ang nararamdaman kay Seokjin.

"Hyung, maaga pa naman diba? Pwede pa naman mawala tong nararamdaman ko." Tanong nito kay Yoongi habang nag-aantay ng sagot sa binata na, "oo, mayroon pang paraan para matigil 'yang nararamdaman mo."  para mabigyan s'ya ng pag-asa.

"I don't know, Namjoon. Being in love is the scariest thing in this world. Katulad nga ng sinabi mo kanina na para kang sinasakal. Pero mas masarap sa pakiramdam ang magmahal kapag tanggap mo ang feelings na mayroon ka at gano'n din ang sarili mo." Payo ng kaibigan dito. Dahil sa una rin ay hindi tanggap ni Yoongi ang nangyayari sa sarili. Lalaki s'ya at lalaki rin si Jimin. Paano magkakaroon ng pagmamahalan sa kanila? Pero ang lahat ng iyon ay dahil lang sa mga sinasabi ng tao sa paligid at 'di s'ya nagpaapekto dito.

"Alam kong kakayanin ko 'to, hyung." Huminga ng malalim si Namjoon at napapikit. "Kaya ko naman s'yang iwasan at alam kong mawawala rin tong nararamdaman ko." Napatingin nalang si Yoongi at napabulong sa sinasabi ng kaibigan.

"Matalino ka Namjoon pero minsan sa maliliit na bagay 'di ka marunong magdesisyon."

______
STAY SAFE, BE HEALTHY AND GOD BLESS

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now