•31•

61 2 0
                                    


Park Jimin

"And the winner for the division competition..." The mc announced at napapikit na ako sa kaba.

Kami kase ang natira dito sa stage kasama ang isang school at i-aannounce na ang grand winner na lalaban sa regional contest.

Nanlalamig na rin ako dahil may pa drum rolls sound effects pa silang nilagay. Bigla naman akong nagulat nang tumabi si Mr. Min saakin at inakbayan ako.

"Hey Mr. Park, just calm down." Bulong niya pa. I sigh nalang at tumingin sa judges.

"Congratulations, SBT Senior High!"

Nanlaki naman ang mata ko dahil tinawag ang school namin. Napatalon nalang sa tuwa si Mina at Hera. They gave us a big shiny trophy and certificate dahil kami na ang lalaban sa regional competition. Nagbow kami nang sabay-sabay at nagpalakpakan naman ang mga students, teachers, judges and staffs na nandito.


Pagkababa namin sa stage, we congratulate each other. Di parin matanggal ang kaba ko kahit they already announced na kami ang panalo. Totoo ba to Lord??!

Dimiretso na kami sa sasakyan at talagang abot tenga ang ngiti naming lahat.

"Para sa'yo 'to, Seokjin-hyung."

~*~

KIM SEOKJIN

"'Di ka ba nabibigatan diyan sa dala mo?" Tanong ko kay Namjoon dahil marami s'yang biniling grocery ngayon.

"Ok lang naman. Ako rin naman kakain neto." Tama nga naman s'ya.

5:30 na ang oras ngayon at need na naming umuwi. 'Di ko parin alam ang sasabihin ko kay eomma at appa sa nangyari kanina. What if pagalitan nila ko kase hindi ako nakinig sakanila at nag stay nalang sana ko sa bahay. Edi hindi na sana lumala yung sakit ko. Parang gago naman kasing immune system 'to halatang 'di favorite ni Lord huhu.

"Seokjin." Gulat akong napatingin sa katabi ko.

"Bakit?" Tanong ko kay Namjoon at nasa harap na kami ng pedestrian lane.

"Ano wala kang balak tumawid. Traffic enforcer yarn?" Pang aasar n'ya sakin.

Sinamaan ko naman s'ya ng tingin at nauna na akong tumawid sa kalsada. Lakas talaga ng trip neto sa buhay. Wala siguro tong kausap kaya lagi akong ginagambala.

"Hoy saglit nga! Ba't ka ba nagmamadali?" Inayos n'ya ang paghawak sa mga pinamili n'ya dahil maglalaglagan na ito.

"Sabi mo kase tatawid, kaya tumawid ako. " Diretso kong sagot. Gulo talaga neto.

"K fine. Mukhang pagod na ang prinsipe Seokjin namin." Lakas talaga mang-asar. Di ba s'ya napapagod. Ito na nga ang 24/7 bickering session with Namjoon hays.

Sakto naman na dumating ang bus na papunta sa lugar namin kaya agad-agad kaming sumakay. Napahikab na ako dahil sa sobrang antok at pagod.

"Look oh yung sun—" turo ni Namjoon sa bintana at biglang napatingin sakin. Maggagabi na kasi at kitang-kita dito sa bintana ng bus ang paglubog magandang araw.  "Antok kana bro?" He asked and I just hummed to answer.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now