•39•

48 2 2
                                    

JEON JUNGKOOK

It's been 3 weeks since I went hangout with my friends. At ngayon, balik nanaman sa boring life—kase nga walang gala. I'm here at the garden habang inaantay si Jin hyung na pumunta sa comfort room. The reason why we here is to discuss the topic earlier. Naguguluhan din kase ako at gano'n din si Jin hyung kaya aaralin namin ulit.

"Light reaction reduces NADP to NADPH. This reaction also generates ATP through the process of chemiosmosis." Dahan-dahan kong basa para maintindihan ko.

"Huh? Anong chemiosmosis? Parang 'di ko naman narinig 'to sa diniscuss kanina ah." Napalakas na sambit ko. Narinig ko naman na may hakbang na papalapit sa aking pwesto.

"Chemiosmosis, refers to the transfer of ions to the other side of the membrane creating an electrochemical gradient that will drive the synthesis of ATP." Napalingon nalang ako sa likod ko at nanlaki ang mata nang makita si...

"Oh– Kim T-taehyung. Hi?" Nauutal na bati ko sakanya. Paano 'yan napadpad dito? Doon s'ya sa kabilang building 'di ba?

"Hello." He waved his hand and I froze as he sit beside me. "Biology huh?" Lord, ano po bang ginawa ko at bakit n'yo ako binigyan ng regalo ngayong araw?! Nabigla po ako, Panginoon.

Tinuro n'ya naman ang librong binabasa ko.

"Ah! Binabasa ko lang ulit yung pinag-aralan kanina." Dahan-dahan ko naman sinara ang libro at tumingin sakanya. "Why are you here?"

"Wala kase akong kasama. Si Jimin pinuntahan yung jowa n'ya." Ani nito at kinuha ang hawak kong libro.

"Dito sa building namin? Sino?"

"Min Yoongi, class 12-A."

"Hah?! Min Yoongi 'yung mukhang pusa??!" Napatayo nalang ako sa kinauupuan ko. Talaga ba si Yoongi hyung may shota?!

"Yeah, he is. Ba't parang gulat ka?" Nagtataka nitong tingin saakin at umiwas naman ako.

"Wala lang. Nabigla lang naman ako." Umupo ako ulit at kinuha ang librong hawak n'ya. "Anong plano mo ngayon? Aantayin mo lang sila?" I asked him and he pouted.

"No, hindi na. It's just– I didn't have my lunch break pa so..." Tumingin naman ako sa hallway at wala pa si hyung. Kala ko ba sa cr lang s'ya pupunta, ba't ang tagal n'ya? Itext ko nalang s'ya na pupunta ako sa cafeteria saglit.

"Tara, samahan kita sa cafeteria." Alok ko sakanya at nginitian n'ya naman ako. Sh*t! Nadagdagan ata astig points ko.

"Thanks, Kookie." Kumapit ito sa braso ko at naramdaman ko namang bumilis ang tibok ng aking puso.

Naglakad na kami papuntang cafeteria at umorder ng pagkain. Bumalik din kami agad sa garden at naabutan si hyung na nakaupo habang nagbabasa ng libro.

"Oh Jungkook, andiyan ka na pala. Pasensya na ang tagal ko, yung teacher naten sa Literature inutusan nanaman ako." Pagrarason nito saakin at tumingin sa dako ni Taehyung. "Hi, Taehyung!" Maikli nitong sabi at bumalik ulit sa pagbabasa.

Hinampas ko naman ang mesa at tumingin ito saakin. Si Taehyung naman ay umupo sa tabi ko at inilapag ang pagkain n'ya.

"Alam mo ba, hyung? Si Yoongi hyung may shota pala!" I said to him but his reaction didn't change. "Bakit hindi ka manlang nagulat?" Nagtatakang tingin ko sakanya at gano'n din si Taehyung.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now