•15•

84 2 0
                                    

KIM NAMJOON

Pumayag na ako sa pangungulit ni Nabi. Aish! Ano pa nga bang magagawa ko? Pupunta pa naman sila mommy dito next week baka magsumbong yung batang 'yon. Tsaka kaibigan nya yun na binagsak ang subject na Math.

Kaibigan nga lang ba? Nakakapanghinala...

I sense something about that guy. Di ko alam kung may gusto ba s'ya kay Nabi. As a protective brother, I need to know some things about him. Mamaya ligawan nya nalang yung kapatid ko ng di ko alam, No way! He can't do that!

Tinapos ko na yung pagkopya ng notes at natulog. I'm so tired these days.

~•~

KIM SEOKJIN

"Talaga! Pumayag s'ya!" I said to Nabi. She called me after convincing her brother. Buti nalang kanina binigay ko yung phone number ko at ganoon din s'ya.

"Ye, oppa. Ang galing ko magconvince diba?" Ang kulit nya talagang bata at the same time she's cute.

"Haha, oo nalang. Thank you so much Nabi. I'm gonna pay your brother after he tutor me. " I heard she giggled.

"Anything for my friend. Bye muna oppa, I'm gonna do my homeworks pa eh." Binaba na nya yung tawag at napabuntong-hininga nalang ako.

Bakit kay Namjoon pa? Baka pagpunta ko doon magka World War 3 pa.

Napailing nalang ako sa naiisip ko.

"Basta Seokjin pagtapos ng tutor mo doon wag mo na siyang pansinin. Tama, wag mo na s'yang kausapin, tignan at kapag lumapit s'ya, tumakbo kana agad. " I talk to myself. Nakakatulong din talaga minsan kapag kinakausap mo ang sarili mo.

Nagluto muna ko ng makakain ko sa kitchen dahil nagugutom na din ako. Pagkatapos ko magluto, dinala ko ang pagkain sa kwarto ko at kinuha ko yung book ko sa Math.

"Putcha. Ba't ang dami naman..." Nasabunot ko nalang ang buhok ko. "Ilang topics lang naman yung nasa quiz nung nakaraan ahhh! Ba't parang isang Quarter tong binabasa ko?!!" Hinagis ko yung Math book ko kung saan man at kinain lahat ng hinain ko sa small table.

Pangpatanggal stress din talaga ang pagkain.

Pakatapos ko kumain, nilinis ko ang kwarto ko. Baka sabihin nang makakakita ng kwarto ko nakatira ako sa pugad ng ibon. Nakakahiya naman. Pinulot ko din yung libro na hinagis ko kanina.

"Ay shet napunit..." ang tanga talaga kahit kailan. Mukha ng basahan na 'tong libro ko (OA lang talaga ko) ayun ang tingin ko. I go to my bed, resting my back.

Tinawagan ko ulit si Nabi dahil may nakalimutan akong itanong.

"Nabi... Patanong nga sa kuya mo kung anong oras s'ya pupunta dito." Ani ko sakanya.

"Wait oppa. Ibibigay ko nalang yung number nya sa'yo at kayo ang mag-usap." Mukhang busy si Nabi at ayaw magpaistorbo.

"Okay, okay, sorry na istorbo." She hummed and end the call.

Makalipas ng ilang segundo ay binigay na nya saakin yung number kaya sinubukan kong tawagan.

*Ringing...*

*Call ended*

-

*Ringing...*

*Call ended*

-

*Ringing...*

*Call ended*

Nakatatlo na akong tawag pero pinapatay nya. Tumawag pa ako ng isa pang beses.

"WHAT?!" Nagulat naman ako sa sigaw nya at napindot ang End Call. Aish! Kahit kailan talaga Seokjin. Tsk. tsk. tsk. Bakit mo pinindot yung end call?!!

"Grabe naman yung lalaking yun. Naistorbo ko yata."

Tumunog ang phone ko then I answer the call.

"Hello po?" hininaan ko lang ang boses ko baka magalit nanaman agad s'ya.

"Who is this? I'm in the middle of slumber. Why did you call me?!" He irritatly said. Naisip ko nanaman s'yang asarin. Tinakpan ko naman ang bibig ko kase natatawa ko sakanya.

"E di matulog ka nalang muna, mamaya nalang kita tatawagan kapag nagising ka." Pang-aasar ko. Pft. Ang bilis magalit.

"Are you serious?!" Napatawa nalang ako ng malakas. "Teka nga sino ka ba?!" He shout at the line.

"Musta Namjoon, si Seokjin lang 'to." I grinned.

"Where did you get my number?!!" He stopped. "Ayy sabagay... You're my stalker." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"What? kailan-"

"Bakit ka ba napatawag?" Pag-iiba nya sa topic. "Palli! I'm sleepy!" Pagmamadali nya. I also heard him yawn.

"Uh.. eh.. anong oras ka pupunta dito kapag tinuruan mo na ko?" I asked.

"What?! Bakit naman ako ang pupunta diyan? Ikaw ang pumunta dito kase ikaw ang tuturuan ko." He said at me and I rolled my eyes.

"I'm gonna pay you naman eh. Ikaw ang pumunta dito." Pamimilit ko. "And I don't know where's your house."

"No. I don't want to. If you want me to teach you, ikaw ang pumunta dito. That's final." He hang up the call. Napatingin nalang ako sa phone ko.

"Grabe namang tao yun..." I whispered.

~•~

Kinabukasan, gaya padin ng nakasanayan. Maagang pumasok si Seokjin at pumunta sa hardin ng kanilang paaralan para aralan ang nasa libro nya. Kaso wala talaga s'yang maintindihan.

"Ano ba namang buhay 'to?" Napahilot nalang s'ya sa sentido nya.

"Wag mo na kaseng aralin kung hindi mo pa alam..." Umupo si Jungkook sa tabi nya. "Buti nalang umabot yung scores ko kaya nakapasa ako. Siguro nagdudusa din ako kung ganyan ang nangyari saakin. " Tumahimik nalang si Jin sa sinabi ng kaibigan nya.

Hindi nya naman kasalan kung bakit s'ya nagdurusa ngayon. Hindi nya naman kasalan na nangyari sakanya yun. Pero mas gusto nyang manahimik at wag nang alalahanin ang lahat ng nangyari.

'Kung alam mo lang talaga Kook kung anong nangyari, pero ayoko talaga na mag-alala ka. Kayo.'

Inakbayan naman s'ya ni Jeongguk, "Oks lang yan hyung, malalagpasan mo din yan. Fighting!" Tumango-tango nalang si Jin. Kinuha naman ni Jungkook ang libro nito.

"Syempre hyung, itururo ko din yung mga naalala ko pang topics. Kahit ganun lang yung grades na nakuha ko, nakikinig naman ako sa teacher." Pangungumbinsi nya at hinayaan nalang s'ya ni Jin.

"Siguraduhin mo lang na tama 'yang ituturo mo."

"Of course hyung, anong akala mo saakin scammer." Nagtawanan pa silang dalawa bago sila bumalik sa pinag-aaralan.

_____________

Vote~

STAY HEALTHY AND GODBLESS

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now