•22•

83 3 0
                                    

KIM NAMJOON

We already finished walking and chitchatting at the park. Bumalik narin kami agad sa apartment ko para ituloy ang pagtuturo ko sakanya. Unti nalang naman at matatapos na ang lahat ng ipapagawa ko sakanya.

"20 items problem-solving quiz? Easy naman ng papagawa mo." Ani nya habang nakatingin sa papel. Nakita ko lang kase yun sa cabinet ko dahil sobra pala yung naprint ko dati. Halatang matuwa s'ya kase madali lang yung mga binigay kong given.

"I'm gonna give you 40 minutes to answer that. Kaya ba?" I looked at him and he just nodded, sinisimulan na nyang sagutan ang papel na binigay ko sakanya. Tumingin naman ako sa wall clock and it's 5:35.

I watched him as he say unheard words whilst reading the quiz. Kinuha ko nalang ang phone ko at naglaro saglit.

After 40 minutes...

"Time's up!" Bago ko pa kuhain ang papel nya ay s'ya na mismo ang nag-abot saakin.

"Napaka-easy naman nyan Namjoon... Wala ka nabang ibang idadagdag? Baka gusto mo ako na rin ang magcheck nyan para madali." Kinindatan nya ko at inubukan nyang hablutin yung papel pero nalayo ko agad.

"Heh! Manahimik ka muna jan. " Tumawa lang s'ya at tumayo. "Hey! Saan ka pupunta?" I called him and he caress his tummy.

"Gutom kase ako eh, baka may foods ka diyan." Dumiretso s'ya sa refrigerator at kumuha ng pagkain. Hindi ko na rin nakita dahil umupo s'ya sa dinner table.

"Wow, just wow. Ilang araw ka palang s'ya dito pero feel at home na." Bulong ko sa sarili ko. Ang takaw pa naman nyang kumain.

Tinignan ko na ang papel nya at sinimulang checkan. Maayos naman ang sulat nya at mukhang hindi napressure sa pinagawa ko.

He got perfect score to my quiz. Paano kaya kapag yung teacher na yung nagpasagot...

"Jin." Tawag ko sakanya at lumabas s'ya muna sa kitchen habang may kagat-kagat pa na bread at may hawak na juice.

"Mhh?" Binigay ko sakanya yung papel nya at nanlaki ang mata nya. Tinapos nya munang kainin yung tinapay at uminom ng juice bago magsalita.

"Ohh thank you so much!" Nakipag-handshake s'ya saakin at tinignan ulit ang papel nya.

"Make sure na ganyan din ang makukuha mong score sa quiz." He nodded at iniba ko naman ang topic. "By the way, saan mo kinuha 'yang food at juice na yan?" Tanong ko sakanya at tinignan nya ang maliit na lalagyan.

"Sa ref mo bakit? "

"Ahhhh... Kala ko kase natapon na lahat ng mga expired kong pagkain. May natira pa pala." Kumunot naman ang noo nya at tinignan ang expiry date ng hawak nya.

"Hoy! Di magandang biro yan ah!" Nakasimagot s'ya at napahalakhak naman ako.

"HAHAHAHAHHAHA! yung mukha mo." Turo ko sa mukha nya at mukhang galit nya s'ya kaya huminto na ko.

"Hay nako ang galing mong mang-asar." He said and pick up his things. " Sige bro, see you tomorrow." Tinapik nya ko sa balikat at lumabas ng pinto. Sinundan ko naman sya. He crouched at the door and wear his shoes.

Inantay ko naman s'yang matapos at hinatid hanggang sa parking lot.

"Thank you sa lahat Joon. May +30 ka sa langit." Natawa s'ya sa jokes nya at napangiwi naman ako.

"Hoy yung bayad mo wag mong kalimutan ha!" Sigaw ko sakanya at tumango naman s'ya. Pumasok na si Seokjin sa kotse at kumaway saakin bago paandarin ang sasakyan.

Hindi akoo bumalik sa apartment at dumiretso muna sa isang convenience store para bumili ng candies. Ibat-ibang klase yung binili ko at niramihan ko na. Ayoko kaseng makita sa bahay yung lalagyanan kong punong-puno dati pero wala na sa kalahati ngayon. At parang mas madami pa yata kong magastos kaysa sa ibabayad nung Seokjin na yon!

~*~

Kinabukasan at Lunes nanaman. Maagang pumasok si Jungkook na nakaupo sa paboritong pwesto nila sa garden. Nakatulala s'ya sa kabilang building na tanaw sa kinauupuan nya.

"Oy pre, parang may iba ka diyang iniisip ah." Akbay sakanya ni Jackson at umupo sa tabi nya.

"May inaantay kase ako eh." Nakatingin parin s'ya sa taas.

"Chickababes ba pre? Baka matulungan kita diyan." Malawak na ngiti ni Jackson at nakatanggap naman s'ya ng batok kay Gguk na nakatjngin na sakanya.

"Ang aga-aga puro babae nasa isip mo. Nagawa mo na ba yung assignment sa Literature ha?!" Ani sa kanya ni Jungkook at natawa nalang ang isa.

"Oo naman. Di ba sabi mo papakopyahin mo ko?" Saad ni Jackson at nagulat naman ang binata.

"Ha? Saan? Kailan ko sinabi?" Kunot na noong tanong nito.

"Jok lang HAHAHAHAHAAH nagawa ko na kagabi. Sige Gguk see you sa classroom, mag-enjoy ka muna sa pag-sight ng mga chickababes." Patakbong umalis si Jackson dahil nakita nito ang mga tropa nya.

Pagtingin nya sa kabilang building ay wala nang mga estudyante sa taas at nagsimula na ata ang klase doon.

"Aish di ko naabutan. Antayin ko na ngalang si Hyung sa gate." Ani ni Jungkook at sinukbit ang bag nya sa isang balikat.

Nasalubong naman nya si Jin nakakalabas lang ng kotse ng kuya nito.

"Oyy brother kamusta kana?" Tanong ni Jungkook sa kuya ni Seokjin.

"Kuya, wag mong pansinin yan. Hihingi lang yan ng baon." Sabat ni Jin at natawa naman si Seokjung na nagpaalam na kase malalate na ito sa trabaho.

"Jin kamusta naman yung last session kahapon." Tanong ni Gguk at kinuha ni Seokjin ang papel na pinasagutan sakanya kahapon.

"Oh wow congrats... Ang galing mo naman." Masayang bati dito ni Jungkook pero nagduda padin sya. "Baka mamaya nag cheat ka ha. Nako Seokjin, -50 ka sa langit." Asar nya dito.

"Pabo, madali lang kase yan. Tsaka naka bantay saakin si Namjoon kaya di ko yun magagawa at wala din akong balak." Sagot ni Seokjin at kinuha ang papel kay Gguk.

"Basta ako, cheer lang kita Hyung kahit mandaya kapa."

"Hindi nga ako magccheat, baliw ka nanaman."

Habang naglalakad sa hagdanan ang dalawa. Nasalubong naman nila si Namjoon na kasama ang kaibigan nito na si Yoongi.

Nakatingin lang dito si Seokjin at nagulat naman s'ya nang bigyan s'ya ng matamis na ngiti ni Namjoon. Nagsabi rin ito ng 'goodluck' sakanya kahit pabulong lang.

"Ay sana all may taga goodluck." Parinig naman ni Jungkook.

____________________

STAY HEALTHY AND GODBLESS!

AN: Sorry sa matagal na update dahil busy sa klase. Sana maintindihan nyo. Thank you for supporting this story.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now