•12•

89 0 0
                                    

"Alam ko namang hindi mo sasabihin yung problema mo kaya sorry na Jin-hyung kase iniwan kita kanina." Hingi na tawad nito sa kaibigan at nginitian lang s'ya ni Jin.

"Ano kaba, sinabi kaseng okay lang ako kaya wag kanang mag-alala." Sagot sakanya ni Jin at binigyan nya ito ng mahinang tapik sa balikat. Umupo muna sila sa isang picnic table at nagmuni-muni.

Natapos na ang klase nila kaya ngayon lang nakagawa si Jungkook ng paraan para kausapin si Jin.

"Pero hyung kung handa mo nang sabihin yung problema mo, nandito lang ako." Sagot ni Jungkook at tumango si Jin.

Nakatingin ngayon si Jin sa malayo at natanaw nya naman si Nabi na palapit sakanila.

"Hello mga kuya!" Bati nito at nagbow sakanila.

"Hi Nabi, uwian nyo na ba?" Masayang tanong ni Jin. Inaya naman nila na umupo si Nabi. Umupo ito sa kabilang upuan na nakaharap sa dalawa at nilagay ang mga dala nito sa tabi nya.

"Haysss ang dami naming ginawa ngayon mga kuya." Inayos nito ang mga maliliit nyang hibla ng buhok dahil masyadong mahangin. "Yung essay sa English, activity sa Math basta ang dami." Sumbong nito kila Jin at Jungkook.

"Uhm... Baka gusto mo?" Nilabas ni Jin ang bagong bote ng juice sa bag nya at inabot kay Nabi.

"Thanks po kuya." Kinuha nya na ang inumin kay Jin at tinungga ito ng mabilis.

"Wow naman. Ang lakas uminom, pagod na pagod nga talaga ang bata." Ani ni Jungkook at nagtawanan sila.

"Phew. Nawala uhaw ko dun." Sinara na ni Nabi ang bote at inilagay ito sa mesa.

"May inaantay ka pa ba dito? Pwede namang ihatid kana namin." Suhestyon ni Jin.

"Ahh inaantay ko pa kase si kuya pati yung isa n'yang kaibigan." Ani nito habang nakatingin sa dalawa. "Ayy sakto po! Ipapakilala ko kayo kila kuya kase mga friends ko kayo." Napangiti nalang si Jin at Jungkook at napagdesisyunan munang magchikahan habang nag-aantay.


~*~

KIM SEOKJIN

10 minuto na kaming nag-aantay at ang marami narin kaming nalaman tungkol kay Nabi. She shares his favorite things at ganun din ang ginawa namin ni Jk.

She likes color pink at magkaparehas kami kaya tuwang-tuwa s'ya. Next time daw ay dadalhin nya kami sa apartment nya na puro pink ang designs. Ayun kase ang suggest nya sa mommy nya.

"Ikaw naman po kuya Jin, anong hobbies mo?" Tanong nya saakin.

"Uh mahilig akong magluto, I like experimenting foods." Napasabi naman s'ya ng wow, while me and Jk giggles. Ang cute nya talaga. "Tsaka gusto ko din kase yung kumakain eh kaya ganun."

"Ikaw naman po kuya Kookie?"

"I like playing computer games, pero kahapon napagdesisyunan kong mag-aral ng gitara." Ani nya habang inuubos ang isang balot ng chips galing sa bag nya.

"Yieeeee~ may nililigawan ka noh?!" Pangangasar sakanya ni Nabi. Napahalakhak nalang ako nang biglang mamula si Jungkook.

"Hala! W-wala ahh!" Deny pa nya.

"Suuuusss talaga ba?" Sabay naming tanong ni Nabi kaya umamin na s'ya.

"Tumigil nga kayong dalawa, balak ko palang s'yang ligawan kaya nag-aaral akong maggitara." Sagot saamin ni Jungkook.

"Hala teka lang guys! Labasan na nila kuya." Maraming estudyante naman ang nagsilabasan na kaya tumayo na kami sa picnic table.

"Dito lang pala kayo naghintay." Malalim na boses ang narinig ko galing sa likod ko. Ayun na yata yung kuya ni Nabi. Napatingin kami sa likod ko at tumambad ang mukha ni...

WHAT THE F*CK SI KIM NAMJOON TSAKA YUNG MUKHANG PUSA?!!

TEKA SINO YUNG KUYA NYA DYAN?!!!

Nanlaki naman ang mata namin ni Jungkook ganun din ang dalawa.

"Kuya Jin at Kookie, Kuya ko nga pala si Kim Namjoon tapos yung kaibigan nya si Min Yoongi." Pagpapakilala nya. Di ko naman alam ang gagawin ko at napalunok nalang ako.

"Kuya Namjoon and Yoongi, best friends ko nga pala sila kuya Jin at Kookie."

"U-hh n-ice to meet you." Napapikit nalang ako at nagbow. Nakipagshake hands naman si Jungkook at may pangiti-ngiti pa para di halatang nakaaway namin sila. Nakipagshake hands din ako kay Yoongi at Namjoon.

"Nice to meet you Kim Seokjin." Namjoon looked at my eyes and smirked. Kinalabutan naman ako sa ginawa nya.

We're not in good terms pa kaya lalo lang akong naiinis sakanya, pero magaling naman akong umacting kaya ko naman siyang plastikin.

Nginitian ko din s'ya.

Lumabas na kami ng campus at kasama ko ngayon si Jungkook. Yung tatlo naman nakasakay sa kotse ni Yoongi.

"What the heck man, hindi ko ineexpect na s'ya yung kapatid ni Nabi." Jungkook huffed.

"Same here, kakaiba talaga ang mundo, napakaliit." Tsk.



Buti dumating agad si kuya na sinundo kami. Syempre hinatid muna namin si Jungkook sa bahay nila.

"Kamusta studies, Seokjin." Tanong ni kuya Seokjung.

"Okay lang naman.." walang gana kong sagot.

Nakarating na kami sa bahay at dumiretso nako sa kwarto ko. Naisipan ko naman isearch yung pangalan ni Namjoon sa Instagram. Nacurious lang ako sa taong yun.

"Kim Namjoon, Kim Namjoon." Maraming naglabasan kaya tinignan ko ng maayos yung profile nya.

"Ayun nakita ko na!"

Wow sana all maraming followers

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wow sana all maraming followers. Tumingin pa ko ng iba pa nyang pictures. Meron syang post kasama yung family nya sa dinner, pictures nya kasama si Yoongi, tsaka magagandang tanawin.

Pinatay ko na ang phone ko at bumaba na dahil tinawag na ako para mag dinner.

_______________

STAY HEALTHY AND GODBLESS

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now