•42•

36 2 3
                                    

Nang sumapit ang hapon, nasasabik na nag-aantay si Seokjin sa paaralan ni Yin para makasama nito pag-uwi. May dala rin itong regalo sa dalaga dahil ngayon ang pinakaunang araw n'ya sa panliligaw dito. Hindi mapigilan ni Seokjin ang kasiyahan at napangiti nalang ito nang lumabas si Yin ng gate ng kanilang paaralan. 'Di naman maiwasan na biruin si Yin ng mga kaibigan n'yang kasama nitong lumabas sa eskwelahan. Nagpaalam na ito sa kasama at pumunta sa dako ni Seokjin.

"Good evening, Jin. Naghintay ka ba nang matagal?" Nag-aalalang tanong nito at umiling lang ang binata.

"No, I did not naman. Eto nga pala, gift for you." Ibinigay n'ya rito ang isang pirasong pulang rosas at isang box na tsokolate ang laman.

"Thanks for this, Seokjin, pero 'wag mo sana araw-arawin ang pagbibigay ng chocolate kase 'di ako mahilig sa matatamis." Ani nito at natawa nalang ang isa.

"Sure. Makakaasa ka, lodicakes." Napailing nalang si Yin sa sinabi ng binata at nagsimula na silang maglakad. "May gusto ka bang puntahan ngayon? I can accompany you."

-

Sumakay sila ng bus dahil simula ngayon ay gano'n na ang napag-usapan nila. Mas natipuhan nila 'yon dahil mas masaya at mura kahit kaya naman nilang bayaran ang pangsakay ng taxi. Napadpad sila sa isang Library Cafe dahil mayroong importanteng aralin si Yin na dapat gawin. Si Seokjin naman ay humanap ng upuan nila at nag-order na ng makakain.

"Welcome to our cafe, sir. What a good-looking man." Ani ng cashier habang nagniningning ang matang bati nito kay Seokjin. Di naman mapagkakaila ang kagwapuhang taglay nito dahil kahit sinong madaanan n'ya ay mapapatingin talaga sakanya.

"2 Iced Americano and 2 Dacquiose cake, please." Sambit ni Seokjin sa cashier. Nanlaki ang mata n'ya nang nginitian s'ya nito nang malapad at kinindatan bago kuhain ang inorder n'ya.

Bumalik na si Seokjin sa kanilang upuan dala ang pagkain. Nakaupo naman na si Yin habang tahimik at abalang nagbabasa ng kinuha n'yang libro. Nakailang tawag din dito si Seokjin at bago n'ya ito pansinin.

"Alam mo ba, Yin. 'Yung cashier doon sa counter nagwagwapuhan saakin tapos grabe makatingin." Nakangusong sumbong nito at binaba ang dala sa harap ng dalagang nagbabasa. Sumipsip muna si Yin sa inumin nito bago sumagot sa kaharap.

"Ah gano'n ba? Eh anong gagawin ko?" Inosente nitong tanong at napahampas nalang sa noo si Seokjin at umupo sa harap nito.

"'Di ka manlang magseselos?" Tumingin ito sa mata ng isa na nangungusap.

"Why should I? Loko ka talaga kahit kailan." Tumawa ito at bumalik ulit sa binabasa.

Naiwan namang nakatulala si Seokjin at hindi maproseso ang nangyari. Sa inaakto kase ni Yin sakanya ay parang wala lang ang lahat ng bagay, 'di rin n'ya dama ang atensyon ng isa. Tama lang ba ang mga plano n'ya o baka naman wala itong interes sa panliligaw na ginagawa n'ya?

"Patapusin mo lang ako saglit para makauwi na tayo agad. We can have conversation later, hmm?" Dagdag pa nito. Ngumiti nalang si Jin kay Yin at inalis nalang sa isipan n'ya ang mga tanong na bumabagabag sakanya.

Naghanap nalang ng librong babasahin si Jin habang inaantay ang kasamang abala sa aralin nito. Naghahanap s'ya ng aklat sa isang istante nang mapunta ang atensyon n'ya sa kasama at naisipang kuhain ito ng litrato mula sa kan'yang pwesto. Napansin naman ni Yin ang kan'yang ginagawa kaya siningkitan s'ya nito ng mata.

"Did you take some stolen pictures of me?" Nakangisi naman si Seokjin at tinago ang phone n'ya sa kan'yang bulsa.

"Sayang naman 'yung araw ngayon kung hindi ko manlang makuhaan ng litrato 'yang kagandahan mo." Namula naman ang dalaga sa sinabi n'ya at pinipigilan nito ang pag-ngiti.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now