•1•

472 8 0
                                    

Kim Seokjin

"Hoy lalaki, gumising ka na diyan!" Sigaw ni kuya habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Bumangon ako agad at tinignan yung phone ko.

"Uh...Alas-siyete na pala." Tinabi ko ulit yung phone ko at bumalik sa pagkakahiga.

Bigla namang bumukas yung pinto at tumambad yung mukha ni kuya na nanlilisik na ang mata. Well he's always like that.

"Anak nga naman ng tokwa oh!! Alas otso pasok nating dalawa tapos nakahilata ka parin diyan!" Sigaw n'ya saakin at hinatak ang paa ko. I suddenly annoyed to his voice.

"Kuya naman eh..." Hinatak n'ya ako hanggang sa maglaglag ako sa kama. "Oo na, tatayo na."

"Baka gusto mong hatakin pa kita papunta sa banyo?!" Ani n'ya at inaayos ang collar ng kaniyang damit.

Eto talagang si kuya kahit kailan. Napakasipag kase sa trabaho n'ya. By the way, s'ya kase ang Chief Operating Officer (COO) ng kumpanya namin, samantalang ako estudyante palang. Kaya siguro he doesn't have a girlfriend kase puro trabaho nalang nasa utak n'ya. Tss.

Pagkatapos kong mag-ayos sa banyo, lumabas na ako sa kwarto at kumain na ng breakfast.

Ako nga pala si Kim Seokjin, 19, gwapo, pogi, at handsome

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ako nga pala si Kim Seokjin, 19, gwapo, pogi, at handsome. Mabait—basta lahat ng magandang katangian nasa akin na. Hindi ko na iisahin dahil hindi naman 'to bio sa social media account.

"Sa susunod Seokjin kapag anong oras kanang nagising, hindi talaga kita ihahatid sa school mo." Nasa harap ko s'ya ngayon at kasabay na kumakain ng almusal. Nasa gilid nya si daddy na nagkakape, si mama naman ay nagluluto pa.

"Oo na, hyung." Tinapos ko nalang ang pagkain ko at pumunta na sa labas.

"Bye ma, pa!" Inantay ko naman si kuya sa loob ng sasakyan. Makalipas ng ilang minuto ay umalis na kami at hinatid na nya ko sa school.

"Pakabait ka palagi ah." Anong akala n'ya saakin, gumagawa lagi nang gulo dito.

"Para naman 'tong ewan. Bye na nga." Lumabas na ako ng kotse at nagsimula nang maglakad.

"Wag mong kakalimutang ipakilala yung girlfriend mo ah!" Habol n'ya na sigaw at narinig ko naman.

ANONG GIRLFRIEND NA PINAGSASABI NUN?!! DI KO PA NGA NAKIKITA YUNG PERFECT NA TAONG MASASABI KONG GIRLFRIEND.

Ang gusto ko kase sa isang girl, yung mabait, magaling magluto, maasahan, talented at higit sa lahat yung magan—

"Aray putangina!" Napahawak nalang ako sa batok ko nang hampasin iyon ni Jeon Jungkook alyas Jk.

"May saltik kaba?!" Sigaw ko sa kaniya at tumawa lang s'ya. This stupid brat.

"HAHAHAHAHA! yung mukha mo kanina, para kang naglalakad na titan! Kaya ayun binatukan kita." Hagalpak n'ya at hinampas ko din s'ya.

"Napakasama ng ugali mo, alam mong may iniisip yung tao eh." Tumigil na s'ya sa kakatawa at tumingin saakin.

"Tungkol nanaman bayan sa gerlpren-gerlpren?" Tanong n'ya at tumango nalang ako.

"Alam mo buddy," umakbay s'ya saakin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Maraming babae diyan oh! Tulad n'yan." Tinuro nya pa 'yong estudyante na dumadaan kaya sinamaan kami ng tingin, meron pang isang estudyante na pinakyu siya.

"Gagi wag kang magturo!" Binaba ko yung daliri niya at dumiretso na kami sa klase namin.

"Wait lang pala Seokjin, mauna kana sa room."

"Bakit naman?" Tanong ko sakanya at tinuro n'ya yung daan papunta sa banyo.

"Naiihi na kase ako eh, sige una kana. Kapag nalate ako sabihin mo nalang kay ma'am na tumatae HAHAHAHAHA."

"Oo na, oo na. Bilisan mo na nga." Naghiwalay na kami ng landas at dumiretso na ako sa room.

Habang naglalakad naman ako, di parin maalis sa isip ko. Bakit ba kase nila ko tinatanong ng ganoon? Kailangan ko na ba talagang mag girl—

"Aray!" Nagulat naman ako sa babaeng sumulpot sa harap ko. Natulak yata s'ya nung mga estudyanteng nagmamadali.

"Are you alright, miss?" Tanong ko sa kaniya kase nakaluhod s'ya sa sahig at nalaglag ang ibang gamit n'ya.

"Uh— yes. " Tinulungan ko syang tumayo at pinagpag n'ya naman ang damit n'yang nadumihan. "Thank you." Pinulot ko na rin yung books at binigay sakaniya.

Nagtama naman ang paningin namin at nakita ko ang magaganda nyang mata. Mahaba din ang pilik mata nya at makapal ng kaunti ang kilay. Maputi rin sya kaya masasabi kong mukha s'yang prinsesa.

"Uh– kuya, ba't po kayo nakatulala?" Winawagayway nya yung kamay nya sa harap ko.

"Ay sorry. Nagandahan lang ako sa'yo." Ngumiti naman s'ya saakin at nag bow.

"Thank you for that kuya." She smiled again.

"Btw. What's your name?" Tanong lang naman, malay mo magkita kami ulet.

"I'm Kim Geong Min but you can call me Nabi po, kuya. First year. " Ang ganda naman ng pangalan niya. Parang s'ya.

"I'm Seokjin. Kim Seokjin." Nag shakehands naman kami at nagpaalam na s'ya na aalis. Kaya tumuloy narin ako sa first class.

Putcha ang tagal naman ni Jungkook. Wala namang planong mag-cutting yun diba?

~•~

JEON JUNGKOOK


Nandito ako ngayon papasok sa cr. Kaso ngalang, marami ding mga estudyante na nag-aantay.

Nag-aantay nga ba o mag-cucutting mamaya?

Pero ako talaga hindi ko pa naranasang mag-cutting. Mabait kase ako masyado. Sabi ni mommy, kapag nakapasa ako ngayong year, bibilhan nya daw ako ng kotse kaya iwas ako diyan sa mga gan'yan.

"Pre, matagal ka pa ba diyan sa loob?" Rinig kong tanong ng lalaking maghuhugas ng kamay sa sink.

"Kumalma ka muna diyan Jimin!" May sumigaw naman sa dulong cubicle. Ganito na ba mag-usap ang mga tao ngayon?!

"Nako Taehyung, malalate tayo nyan. Kailangan ko i-maintain ang pagiging top ko sa class."

"Oo na, eto na lalabas na." Napatingin nalang ako sa bumukas na pinto at lumabas ang isang lalaki na dumiretso sa sink para maghugas ng kamay.

Dahil tapos na ko sa ginagawa ko, dumiretso din ako doon para maghugas ng kamay. Nagkatinginan naman kami sa salamin at ngumisi ito saakin. Umiwas nalang ako ng tingin.

"Tara na Taehyung, ang tagal mo." Ani nung Jimin at tinapik sya sa balikat.

"Oo na, Mr. President." Malalim na boses na ani nya.

Patakbo na din akong pumunta sa classroom dahil magsisimula na ang klase. At may news din ako kay Jin.


________________

Dynamite Teaser is now out!!!
Emegeeeed ilang seconds lang yon pero ang ganda na!!! Aaaccccckk!

STAY HEALTHY AND GODBLESS

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now