•23•

80 3 0
                                    


KIM SEOKJIN

Nang matapos ang una kong subject, lumabas agad ako at nagpasama kay Jungkook papunta sa faculty ng math prof ko para gawin yung activity. Wala daw kase yung next teacher namin dahil may pinuntahang meeting kaya ngayon ko nalang binalak na mag-take baka kase makalimutan ko yung mga nireview ko.

"Oh sige hyung, iwan na kita dito, bye! Goodluck." Tumakbo agad si Jungkook paalis at alam kong sa cafeteria nanaman ang punta no'n.

I sighed and relax myself before I knock to the faculty room. Nakita ko naman agad ang table ni Sir at binigyan n'ya ko ng magandang ngiti.

"Good morning, Mr. Kim. So ready ka na para sa activity?" I give him a nod. May kinuha naman s'yang printed papers na saan nakalagay ang mga activities na sasagutan ko.

"I only put simple questions here. Maiintindihan mo yan lahat kung nagreview ka." He told me and I get the papers from him. Nagbow ako sakanya at naghanap ng lugar kung saan ko masasagutan ng maayos itong mga activities. Sinabi kase ni sir kung saan daw akong komportableng lugar, doon ako magsagot. Hindi naman sa sipsip ako o ano, pero mabait talaga si sir sa lahat ng estudyante n'ya kase alam n'yang math yung subject nya at hirap na hirap na kami kaya siguro gano'n.

Napadpad na 'ko kung saan-saan at napunta ako dito sa computer room. Wala tao dito at malamig pa kaya makakapag-isip ako ng maayos. Nagpaalam din naman ako sa teacher baka mamaya pagalitan ako. Bago ko tinignan yung papel ay kinabisado ko ulit yung formula. Ayun kase ang pinaka kailangan ko ngayon tsaka yung mga terms.

"Go Seokjin! kaya mo yan." Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko at sinagutan na ang mga tanong.

"Teka wait?" Tinignan ko lahat ng tanong mula sa harap hanggang sa likod na page nung papel.

"I-ito yung mga pinasagutan ni Namjoon ah!" Tinignan ko ba kung magkakaparehas yung number pati given at magkaparehas talaga!

Di kaya ninakaw ni Namjoon yung mga papel kay sir? Kase sabi ng prof iba daw yung ipapasagot nya saakin. Oww fck.

"Shit naman nakokonsensya tuloy 'tong itama lahat." Napakagat nalang ako sa labi ko at inumpisahan na ang pagsasagot.

~•~

Nasa cafeteria si Jungkook at nakapila nang biglang magsipasukan ang kumpol ng estudyante. Ngayon kase ang break time ng mga grade 11 na estudyante.


"Tagal naman ng pila." Bulong ni Gguk sa sarili na naiinip na lalo pa't dumadami na ang mga estudyante pumapasok sa loob. Bigla naman may kumalabit sa likod n'ya at nairita s'yang tumingin dito.

"Oh ano y-" Napahinto s'ya at nakita si Taehyung na nakapila rin para hintayin ang naorder na pagkain.

"Hi kuya!" Kaway nito at binigyan s'ya ng nakakahawang ngiti.

Imbis na sumagot si Jungkook ay napatulala lang ito sa binata.

"Uhhh... Kuya are you okay?" Winasiwas naman ni Taehyung ang kamay sa harap ng mukha nito hanggang sa mabalik sa katinuan si Gguk. "Are you okay?" Tanong pa nito ulit.

"Uhh... Sorry... Oo, okay na ko hehe..." Humarap na si Gguk at natawa naman ang binata sa likod nya.

"You stared at me for over 1 minute is that the definition of 'okay' for you?" Tanong pa nito na nakangisi. Napangiwi naman si Jungkook at 'di alam ang sasabihin sa isa.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now