•50•

60 5 3
                                    


KIM SEOKJIN

It's been 3 weeks since that incident happened. Yung mga sumunod naman na araw ay mabilis lang na lumipas at wala namang masyadong problema.

And we are here right now, waiting our names to be called to go on stage and get our diploma. Katabi ko si Jungkook na pinipiga ang aking palad. Siguro kinakabahan to na umakyat sa stage.

"Bro, excited na ako na makuha yung brand new car na ibibigay saakin ni mommy." Nakangising sambit n'ya saakin. Akala ko pa naman parehas kaming kinakabahan na umakyat sa stage. "Kapag tapos ng school year, mag-road trip tayo saka punta kung saan-saan. Basta hatian mo 'ko sa pagpapa-gas." Tumango nalang ako. Tinigilan naman na n'ya ang pagpiga sa aking kamay at umayos ng upo.

Hindi ko pa pala nabanggit kay Jungkook yung tungkol sa sinabi saakin ni dad na sa Switzerland daw ako mag-aral. I haven't made up my mind yet, but I believe it is much better for me to heal there by myself. Hays, kailangan ko talaga ng timing sa lahat ng bagay.

"Let's give a big round of applause to Jeon Jungkook from Class 12-C. He will receive special recognition for being a talented athlete in all of the Intramurals we've had." Tawag ng MC at tumayo na si Jungkook papuntang stage nang may malaking ngiti sa mukha. He received his diploma and bowed to the principal and his staff. As he walks in front of the stage, the flash of the cameras flickers, and he smiles brightly.

Hinanda ko naman na ang aking sarili dahil ako na ang susunod na tatawagin.

"Let's give a special mention to our school's persistent musical competition representative, Kim Seokjin from Class 12-C," The MC said as I rise from my seat and walk onto the platform. The clapping from the audience in this graduation venue makes my heart happy. They also provide me with a special recognition award. I moved to the front to bowed as they captured a pictures of me.

After the event, all of the students leave the venue. Yung iba saamin ay pumunta sa kanilang mga kasintahan, kasama at pamilya para kumuha ng litrato nang magkasama. Nawala na rin si Jungkook sa paningin ko dahil pumunta na ito sa kaniyang magulang. Nakita ko rin si Yoongi na kasama si Jimin habang magkayakap. While me here, standing by myself in this crowded people. Nasaan na ba kase yung pamilya ko?

Naglakad-lakad ako para hanapin ang parents ko at si kuya Seokjung. Bigla naman akong nakarinig ng tumatawag saakin kaya napatingin ako sa aking likuran.

It was Nabi and her family. Kasama na dito si Namjoon na nabigyan din ng special recognition kanina at sa pagkakaalala ko may mga awards pa sakanya na binigay. He was the valedictorian after all.

Ngumiti lang ako sa direksyon nila at nagsimulang umalis pero tinawag ulit ako ni Nabi at inaayang pumunta ako sakanila. Nahihiya tuloy akong lumapit at ngumiti.

"Mom and dad, si Seokjin nga pala friend ko." Nabi introduced me in her parents. Nakatingin lang saakin si Namjoon habang hawak-hawak ang bouquet ng bulaklak na bigay ata sakanya ng magulang n'ya.

I bowed to her parents and smile at them. Tumingin ulit ako kay Namjoon at binati s'ya.

"Congratulations to you." I said plainly. "Thank you nga pala ulit no'ng nakaraan." He just nodded and smiles.

"Mn. No need to mentioned that. Congrats din pala." Hinawakan naman ni Nabi ang braso ko at kinausap ang kan'yang magulang.

"Mom and dad, let's take a picture with kuya Seokjin please." Ani n'ya at nakiusap sa iba na kuhaan kami ng litrato. "Come on, kuya. Don't be shy to camera." Tumabi naman saakin si Namjoon at naghandang magpose sa camera. We took three pictures and I bid myself to leave. Kailangan ko pa kasing hanapin ang magulang ko.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now