•35•

50 2 1
                                    

Tumakbo si Seokjin palabas para hanapin kung saan man pumunta sila Namjoon at Yoongi. Dahil masyadong mainit ang panahon, inisip n'ya na pumunta muna sa library at dali-daling umakyat sa 2nd floor. Pero ni isa sa anino nila ay wala s'yang nakita kaya bumaba nalang s'ya ulit.

Sa ilang minutong paglalakad, natagpuan n'ya ang magkaibigan na nag-uusap sa hardin ng paaralan. Inaalo pa ni Yoongi ang likod ni Namjoon at halatang namomoblema nga ito. Hindi na nagdalawang-isip si Seokjin na bumalik nalang sa cafeteria para bigyan ng privacy ang dalawa.

"I have an idea, kung bigyan ko kaya ng regalo si Namjoon para naman gumaan ang pakiramdam n'ya kahit papaano." Suhestyon ni Seokjin kay JK matapos nitong ikwento ang nakita n'ya sa labas.

"That's cool, hyung. Ano naman pwede mong ibigay sakanya?" Tanong ng kaibigan at ininom ang tubig na nasa harap nito.

"Uhm... Wala pa kong naiisip eh. Pero samahan mo ako mamaya. Isama rin natin si Nabi kase napaalam narin naman natin s'ya na pwede s'yang sumama sa gala." Tumango naman si Jungkook at nagbigay ng thumbs up sa kaibigan.

-

Kinahapunan ay dumiretso na ang tatlo sa pinakamalapit na mall sa kanilang lugar. Tuwang-tuwa naman si Nabi kase ngayon lang nito nakasama ang dalawa makalipas ng ilang araw.

"Oh my Gosh! I'm really happy today. Thanks sainyo Seokjin and JK oppa!" Habang napapagitnaan si Nabi ay kumapit ito sa braso ni Seokjin at Jungkook.

"So, paglalaro lang ba sa arcade ang aatupagin natin dito or mayroon pang iba?" Napatanong nalang ang dalaga at saglitang tumingin sa dalawa.

"Bibilhan ko sana ng regalo si Namjoon kase I feel na may problema s'ya. Tsaka late gift ko na rin kase tinulungan n'ya ako nung nagkasakit ako." Pag-uumpisa ni Seokjin at nabigla naman si Nabi na kapatid ng pagreregaluhan.

"Talaga para kay kuya?" Nanlaki ang mata nito habang nagtatanong. Tumango lang si Seokjin bilang sagot. Napatakip naman si Nabi sa kan'yang bibig at lumapit kay Jungkook para bumulong.

"Oh my God, oppa. Kinikilig ako. Sila na ba?" Ani nito at siniko  s'ya ni Jungkook.

"Umayos ka nga." Balik na bulong ni Jungkook at tumingin kay Seokjin na nakataas na ang kilay ngayon.

"Wow ha! Harap-harapan talaga pinaplastic ako. F.O talaga tayo ngayon dito sa mall." Biro nito sa dalawa.

"Wala 'yon hyung!"

"Opo wala yun, oppa. Oo nga pala may naisip na akong pwedeng iregalo kay kuya. I suggest lang naman." Pagbabago nito sa usapan para matuloy na ang lakad nila.

Pumunta muna sila sa arcade para maglaro at makalipas ng isang oras ay dumiretso sila sa food court para kumain.

"Kuya likes books." Salita ni Nabi habang kumakain sila.

"I know, Nabi. Pero paano kung bumili tayo tas mayroon na rin pala s'ya no'n?" Nag-aalalang tanong ni Seokjin kase sayang naman yung pagbili n'ya kung gano'n din lang ang mangyayari.

"Uh... hyung." Tinapik naman ni Jungkook si Seokjin at lumapit sa tenga nito. "Siguro pwede naman na yung c*ndom." Humagalpak naman si Jungkook pagtapos n'yang sabihin ang mga salitang iyon.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now