•20•

82 3 0
                                    


7:30 pm. Nakauwi na si Seokjin sa kanila bahay at nasalubong nya naman ang kuya nya sa sala na nagtitipa sa laptop nito at halatang abala sa ginagawa. Nilagpasan lang ito ni Seokjin pero napansin naman s'ya ni Seokjung at tinanggal ang earphones nito sa tenga.

"Hoy Seokjin, anong oras na at ngayon ka palang umuwi." Napahinto naman ang binata at binigay ang susi ng kotse sa kanyang kuya.

"Ahh... Natraffic kase ako eh tsaka malayo yung pinuntahan namin ni Jungkook." Napakamot nalang s'ya sa ulo nya habang iniisip nya kung anong pagpapaliwanang ang gagawin nya. "Tsaka wag nyo na akong hintayin na magdinner kase I'm done na."

Ang totoo nyan ay hindi alam ng kuya nya at magulang nya na mababa ang grades ni Seokjin sa math kaya patago s'yang nagpaturo kay Namjoon. Kung sasabihin naman ni Seokjin sa magulang nya ay baka pagalitan sya nito, hindi naman sa strikto yung magulang nya pero nakakahiya rin kase 'yon para sakanya dahil pinapaaral s'ya ng maayos tapos ganoon lang ang mangyayari.

"Ahh ok. Sana wag mo nang uulitin yun. Tinatanong kase ni mom and dad kung nasaan kana." Tumango nalang si Seokjin at umakyat sa kwarto. Nilabas nito ang notebook nya na galing sa maliit na bag para alalahanin ang mga pinag-aralan nya kanina.

Sa bawat pagbuklat nya ng pahina ay napapangiti s'ya dahil puro tama ang mga sagot nya sa pagsusulit na binigay ni Namjoon. Meron din naman syang mga mali pero isa o dalawa lang.

"Wow. That means I improved." Ani nya sa sarili at tinignan pa ang iba nyang ginawa.

Napahinto nalang s'ya sa huling pahina na may sagot at binasa ang maliit na sulat kamay ni Namjoon.

'Reminder Seokjin, you need to understand every given to the test. Also, don't forget the formula, hanggang maaga pa ay kabisaduhin mo na. Goodluck and see you tomorrow :) '

"Pupunta pa ba ko bukas eh mukhang may topak nanaman 'to." Pagdadalawang isip nya at inayos na ang sarili para matulog.

Habang nakahiga naman s'ya ay tumunog ang telepono nito.

From: Jungkook

Bro. Kamusta na pag-aaral mo?
Mukhang nag-enjoy ka yata ha.

To: Jungkook

Anong nag-enjoy?
Puro nga kami away kanina eh
Gusto ko na rin s'yang sapakin kaso
s'ya ang tutulong saakin sa math ko.

From: Jungkook

Talaga ba hyung?
Baka kabaliktaran yang sinasabi mo

To: Jungkook

Kung ano-anong pinagsasabi mo?
'kay ka Lang?

From: Jungkook

Ay wrong send sorry
Sige hyung, aral ka lang diyan Haha.

"Baliw talaga 'to. Kung ano-anong sinasabi." Tingin nya sa nakapatay na telepono at nilagay sa gid ng kama nya. Humiga na si Seokjin habang kinakabisado ang formula na sinabi ni Namjoon.

~*~

KIM NAMJOON

Nagpaalam na sila Nabi, mom and dad na uuwi kaya hinatid ko sila hanggang sa parking lot. Nang makauwi ako sa bahay, sinara ko na ang pinto. And it all suddenly hits me. Lahat ng pinaggagawa ko kay Seokjin kanina.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now