Love 33

344 8 2
                                    

LOVE 33♡

JOSHEN'S POV:

(NP: Thunder - Boys Like Girls)

♫Your voice was the soundtrack of my summer

Do you know you're unlike any other?

You'll always be my thunder, and I said

Your eyes are the brightest of all the colors

I don't wanna ever love another

You'll always be my thunder

So bring on the rain

And bring on the thunder.. ♫

Pagkapasok ko sa gate ng campus namin ay napahinto ako sa paglalakad nang biglang may humawak sa kamay ko. Nakipag-holding hands talaga, 'yung pang boyfriend-girlfriend. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang makulit kong kaibigan na si Sandy. Madalas niya talagang hawakan ang kamay ko, malambot daw kasi.

"Our hands really fit together." Iyan ang madalas niyang biro sa akin sa tuwing hino-holding hands niya ako. XD

Tinanggal ko 'yung earphone mula sa tenga ko.

"Annyeonghaseyo!" bati niya sa akin. Mahilig din kasi siya sa mga Korean thingy, gaya ni Anica. Tinuturuan nga ako ni Sandy ng mga basic korean words.

"Annyeong din! Hehe." Sagot ko naman. Di bagay sa'kin magsalita sa Korean language. Hehe.

"Tara! Maglakad na tayo para HHWW tayo. Yieee. Kinikilig ako!" Pabirong sabi niya. Lakas trip talaga 'tong si Sandy kahit kailan.

"Haha! Oo nga, kinikilig ka. Ang pula-pula ng pisngi mo oh." Naka-blush on kasi siya. Hehe.

"Eh?! Namumula ba talaga ako?! Nakakahiya naman." Napahawak pa siya sa kaliwang pisngi niya.

"Oo. Haha!"

"Hehehe! Para kay Vi 'yan noh?" sabay turo niya sa hawak kong paper bag.

"Nae." sagot ko. Ne means yes in Korean. Natutunan ko lang din 'yan sa kanya.

"Naks! Kumi-korean na din. Haha!"

"Di naman. Hehe."

"Ano pala 'yang regalo mo kay Vi?"

"Secret. Walang clue."

"Eh?! Secret pa. Malalaman ko din naman."

"Kaya nga, malalaman mo din naman mamaya pag binuksan niya na. Hehe."

"Hmp. Parang sasabihin lang, ayaw--"

Napahinto siya sa pagsasalita at napatingin sa ibang direksyon. Napatingin din ako doon at nakita ko si Sherwin, 'yung ultimate crush niya. Nakatingin din ito sa amin. Napabitaw si Sandy sa pagkakahawak sa kamay ko. Ilang segundo ding nagkatitigan 'yung dalawa bago nagbawi ng tingin si Sherwin. Dumiretso na ito sa paglalakad. I smell something fishy.

Pagtingin ko kay Sandy, mukhang alalang-alala siya.

"Hala Josh! Nakita niya tayong magka-holding hands. Baka isipin niyang boyfriend kita at dahil dun hindi na niya ako ligawan. Huhuhu."

Natawa ako sa sinabi niya. Parang siguradong-sigurado kasi siya na may gusto din sa kanya 'yung crush niya. Haha! Pero siguro nga? Kasi 'yung tingin niya din kanina sa amin ni Sandy eh. Torpe siguro?

"Malamang! Makahawak ka naman kasi diyan! HHWS. Haha!"

"HHWS?"

"Holding hands while standing."

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon