Love 11

557 10 1
                                    

LOVE 11♡

Dedicated to my bhei. Salamat sa pag-abang sa story ko. Love you! Mwamwa. Huwag sanang mangyari to sa'yo. Hehe.♥

~~~

“Anica, pwede bang turuan mo akong mag-budget?”

“Bakit?”

“Napapamahal na kasi ako sa'yo eh.” Sabay kindat niya.

*CLICK

Hiyawan na naman sila. Naku! Lakas trip talaga sila. Natatawa na nga lang ako na nahihiya.

Panay kuha naman ng picture ni Philip.

“Sis, kunwari wala kang boyfriend ngayon tapos nanligaw sayo si Josh, may pag-asa ba?”

Hindi ko inaasahang itatanong yun ni Yana. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayokong sumagot ng oo at pati na din ng wala.

“Ahh.. Ehh..”

“Kaw naman Sis! Huwag mong seryosohin, kunwari lang naman!”

♫Because you naughty naughty.. Hey! I'm Mr. Simple..♫ Tumunog yung cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, pangalan ni Kyle ang nag-appear.

“Wait lang guys.” Sabi ko at lumayo muna sa kanila.

“Hello Babe!” Sagot ko.

“Hi. Kumusta na?”

“'Eto miss na miss ka na.”

“Mas miss kita. Tapos na pala yung practice namin. Pauwi na ako, kita na lang tayo sa bahay huh? Nasaan ka ba?”

“Nandito kina-”

“-Ann! Meryenda na tayo! Uubusin na ni Josh yung ice cream oh!” sigaw ni Philip. Inilayo ko muna yung cellphone sa tenga ko.

“Ssshhh! May kausap ako.” sabi ko kay Philip.

“Babe.” sabi ko ulit.

“Sino yung nagsalita?” tanong ni Kyle.

“Si Philip.”

“At sinong Josh yung sinasabi niya?!”

“Kaibigan namin..”

“So, puro lalaki ang kasama mo dyan?!”

“Nandito si Yana, nandito kami sa bahay nila.”

“Si Yana lang ang babae?!”

“O-Oo.”

“Pumunta ka na dito, ngayon din.”

“Kadarating ko lang kasi-”

“Kung ayaw mo, eh di wag!” Pagkasabi niya nun, naputol na ang linya. Tsk. Nagseselos na naman.

“Kain na Nics!” sabi ni Josh nang lumapit ako sa kanila.

“Huwag na. Tumawag kasi si Kyle, pinapapunta ako sa bahay nila.” Kinuha ko na yung body bag kong maliit.

“Kyle na naman.” Nakasimangot na sabi ni Philip.

“Di ka pa nga nakakapag-meryenda oh, aalis ka na agad.” nakasimangot ding sabi ni Yana.

“Pasensya na guys. Mukhang nagseselos na naman eh. 'Eto kasing si Philip ang lakas ng boses! Tsk.”

“Sinisi pa ako nito. Niyaya ka lang namang kumain eh. Masama ba yun?”

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon