LOVE 30♡
JOSHEN’S POV:
SOBRANG SARAP ng sinigang na luto ni Anica! Muntik ko na ngang makalimutan ang pangalan ko. Haha. Nandito siya ngayon sa bahay kasama ang mga magulang niya. Pagkatapos kasi naming magsimba kanina, nagyaya si Mama na dito na lang sila kumain ng tanghalian. Gusto na rin daw niya kasing matikman ang luto ni Anica. Ang saya nga kasi pumayag sila. Para kaming isang buong pamilya. ^_____^
“Napakasarap ng luto mo Anica!” puri ni Mama sa luto niya nang matikman ito.
“Talaga po Tita?” tanong pa ng aking mahal na anghel. :”>
“Oo. Tamang-tama lang ang asim. Swak na swak ang lasa!”
“Sobrang sarap.” sabi naman ni Papa sabay thumbs-up.
“Salamat po! ^_____^”
“Ang galing mong magluto ate, katulad ko! Hehe.” sabi naman ni Jannah.
“Salamat bhe. Dapat matikman ko din ang luto mo huh?”
“Sure Ate! Pag nagluto kami sa school, dadalhan kita.”
“Aasahan ko ’yan. Hehe.”
Napatingin naman siya sa akin na tila nagtatanong kung nasarapan ba ako sa niluto niya. Magsasalita na sana ako nang bigla namang magsalita si Jannah.
“’E ikaw Kuya Josh, anong masasabi mo sa niluto ni Ate Anica?”tanong niya.
“Lalo ko lang siyang minahal. *u*” sabay tingin ko kay Anica. Agad namang namula ang pisngi niya. Ang cute-cute niya talaga. :”>
“Ang layo ng sagot mo sa tanong ko Kuya. Haha!” Nagtawanan naman kami.
“Haha. Mukhang mapapadami ang pagkain ko. Sobrang sarap kasi talaga ng luto ni Anica.” sabi ko sabay subo ulit.
“Mabuti ’yan Kuya! Baka sakaling tumaba ka pa. Ang payat mo kasi ehhh. Haha! Diba Ate?” Aba’t naghanap pa ng kakampi. Sanay na ako kay Jannah, palaasar talaga eh. Pero di naman ako naaasar. ^_____^ Saka paraan niya din iyon ng paglalambing. Niloloko nga din niya si Mama. Sinasabihan niyang, “I love you Mama kong mataba na sexy.” Oh diba? Ang kulit lang. Hehe.
“Haha!” Tumawa lang si Anica sa sinabi ni Jannah.
“Haha. Inaasar mo na naman ang Kuya mong bata ka.” sabi ni Mama.
“Hindi naman po Ma. Totoo naman po kasi. Payatot siya. Haha!”
“Jaja.” saway ni Papa.
“Hehe. Hindi na po.”
“Hindi naman kasi ako payat. Tingnan mo nga ’tong muscles ko!” Itinaas ko pa ang manggas ng damit ko at pinakita ang napakalaki kong muscles. HAHA! Nagtawanan naman sila.
“Hindi ka naman talaga payat Josh. Ang macho mo nga ehh! HAHA!" sabi ni Anica. Okay na sana kaso may kasama pang tawa. Hehe.
“Salamat Nics! Kaya kita mahal eh.” Nagblush na naman siya. Napangiti naman silang lahat.
“Yieeee!” tukso ni Jannah.
“Josh, hindi ka pa ba talaga nanliligaw sa anak ko?” tanong ni Papa este ng Papa ni Anica.
Nagkatinginan naman kami ni Anica. Ngumiti siya. Alam niyo naman na matagal na akong nanliligaw sa kanya, mula pa ng padalhan ko siya ng loveletter pero syempre liligawan ko pa din siya ng pormal. Gusto ko sa bahay nila, ’yung alam ng mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Anica, ang makilala kung sino ang secret admirer niya na nagtatago sa pangalang Mr. Simple. Ngunit ang "dakilang utusan" nito ang nakilala niya. Hindi niya nga akalaing magiging malapit sila sa isa't-isa. Isang simplen...