LOVE 29♡
JOSHEN'S POV:
"Uy 'Tol! 'Kala ko di ka na pupunta eh." Si Jimmy pagkabukas niya ng gate ng bahay nila.
7pm na kasi ngayon, 'e dapat kanina pa akong 4pm dito. Pinadaan pa kasi ako ni Mama kina Anica para ipadala yung niluto niyang carbonara. Napasarap na naman ang kuwentuhan namin kaya natagalan ako pero okay lang. Masaya naman. Masayang-masaya. ^_____^
"Pasensya na 'Tol, may dinaanan pa kasi ako. Hindi rin naman ako maka-text kasi wala akong load. Ito nga pala ang regalo ko sa'yo." sabay abot sa kanya ng paper bag.
"Salamat 'Tol! Halika. Pasok ka! Kakadating lang din ng iba. Filipino time 'e. Hehe. Hindi pa din naman nagsisimula. Alam mo naman, kailangan kumpleto ang tropa."
"Syempre naman."
Pumasok na kami sa loob. May mangilan-ngilan akong hindi kilala na nandoon. Halos lahat sila ay may kanya-kanyang partner. Ako lang 'ata ang wala. Gusto ko nga sanang isama si Anica kaso ayoko siyang papuntahin sa ganito lalo na't may inuman.
Ang lakas magpa-party nitong si Jimmy. Palibhasa mag-isa lang siya sa bahay nila. Sa malayo daw kasi nag-ta-trabaho ang Mama niya kaya minsan lang umuwi sa kanila samantalang ang Papa naman niya ay nasa Dubai. Pinapadalhan na lang sila ng pera. Yung mga kapatid naman niya ay may kanya-kanya ng pamilya.
Sanay na daw siyang mag-isa at gustong-gusto naman daw niya iyon dahil nagagawa niya ang lahat ng gusto niya pero nararamdaman kong nalulungkot din siya dahil sa sitwasyon niya. Sino ba namang hindi malulungkot na ikaw lang ang mag-isang nakatira sa isang malaking bahay? Walang magulang na magsasaway sa'yo at walang mga kapatid na mangungulit sa'yo. Napakalungkot. Teka.. Ba't ako ang nag-da-drama? -_____-
"Baby Josh! Kanina pa kita hinihintay!" salubong sa akin ni Cheska. Baby daw? Kailan ko pa 'to naging nanay?
Himala at hindi siya kumapit sa braso ko ngayon. Nakatayo lang siya sa harapan ko at ngiting-ngiti. Pa-cute.
Nagulat ako nang makita ang ayos niya. Napaka-revealing ng suot niya. Sobrang iksi ng shorts niya. Parang hindi na nga shorts ang tawag dun 'e. Sleveless na low cut naman ang pang-itaas niya kaya kitang-kita ang hindi dapat makita.
*Iwas-tingin*
"Kung makatingin ka naman diyan Josh. Hihi. Na-se-sexy-han ka sa'kin 'no?"
Hindi ako sumagot. Napansin ko yung tingin ng mga lalaki sa kanya. Halos lumuwa na ang mga mata nila. Hinubad ko ang jacket ko at ipinatong sa likod ni Cheska.
"Oh, ano 'to? Akin na lang?" Ngiting-ngit na sabi niya.
"Hindi. Isuot mo muna."
"Ayoko nga. Mainit kaya!" Mainit daw? Eh naka-aircon nga 'tong bahay nila Jimmy.
"Saka sayang ang outfit ko. Hindi mo na makikita. Hehehe. Salamat na lang!" sabi niya pa sabay balik ng jacket ko. Kinuha ko naman iyon at isinuot ulit. Wag pilitin kung ayaw.
Naupo ako sa tabi ni Rex na may kausap na babae. Tumabi sa akin si Cheska at bigla na namang kumapit sa braso ko. Isinandal niya pa yung ulo niya sa balikat ko. Napatingin si Rex pero agad ding nagbawi ng tingin.
Hindi pa din maialis nung mga lalaki yung tingin nila kay Cheska. 'To naman kasing babaeng 'to, parang ayaw magdamit. Kailangan ko pa 'ata siyang bantayan. Parang may mga binabalak 'e.
Maya-maya'y inilabas na ang two-layered chocolate cake na paborito ni Jimmy. Itong si Rex, pang-asar. Nilagyan pa ng 18 PINK candles tapos pinag-wish pa si Jimmy bago ihipan ang kandila.

BINABASA MO ANG
Love Between Us
Подростковая литератураSimple lang naman ang gusto ni Anica, ang makilala kung sino ang secret admirer niya na nagtatago sa pangalang Mr. Simple. Ngunit ang "dakilang utusan" nito ang nakilala niya. Hindi niya nga akalaing magiging malapit sila sa isa't-isa. Isang simplen...