Love 24

468 10 0
                                    

LOVE 24

LUNES.

Pagkakita ko kay Yana, kinuwento ko kaagad sa kanya lahat ng nangyari simula nung Biyernes. Kilig na kilig siya habang nag-ku-kuwento ako. Napapatili pa nga. Hehe.

"Yieeee! In love na in love talaga siya sa'yo Sis!" sabi niya. I know right! Haha.

Kasalukuyan kaming nasa corridor, fifteen minutes pa naman bago magsimula ang unang subject namin.

"Alam mo, mali ako. Hindi dapat si Mr. Simple ang maging susunod mong boyfriend kundi si Josh!" sabi niya pa. Ngumiti lang ako.

"Wag mo na siyang pakawalan Sis huh? Baka agawin pa siya ng iba."

"Hindi naman siya magpapaagaw eh! Hehe." sabi ko.

"Confident ah! Haha!"

"Syempre naman! Hehe."

"Matanong nga kita, ano na ba talagang lagay niya diyan sa puso mo huh?"

"Dito na siya nakatira eh." Tinuro ko pa yung dibdib ko kung nasaan banda ang puso ko.

"Yieee! Gumaganun ka na Sis ah!"

"Hehe. Ewan ko ba.. Lahat ng sakit na naramdaman ko dahil kay Kyle, nawala na."

"Kasi nga mahal mo na si Josh." Tama siya.

"Napakasuwerte mo sa kanya. Hindi mo pa nga siya pinapayagang ligawan ka pero kung alagaan at ituring ka naman niya, parang kayo na talaga. Full of effort pa."

"Kaya ko nga siya nagustuhan eh. Alam mo, parang malulunod na ako sa sobrang saya at kilig dahil sa mga ginagawa niya pero natatakot pa din ako."

"Natatakot kang masaktan ulit.. Hindi naman malayong mangyari ulit yun eh! Nagmamahal ka kaya maaari kang masaktan. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Diba?"

"Alam ko naman yun. Yana, ano bang sekreto niyo ni Prince huh? Ang tatag niyo eh."

"Tiwala. Yun ang pinakamahalaga sa lahat."

"Tiwala.. Nagtiwala naman ako-- ahh. Nevermind. Tara pasok na tayo sa loob." Ti-nap niya ako sa likod at nginitian niya ako.

___

"Phil! Pahiram muna ng camera mo." sabi ko sa kanya. Ang ganda kasi ng langit ngayon. Ang sarap picture-an.

"Sige."

"Salamat! Saglit lang ako!" Tapos dumiretso ako sa rooftop. Kumuha na agad ako ng mga litrato. P-in-icture-an ko rin ang sarili ko mula sa baba para kita yung langit.

Maya-maya may narinig akong umiiyak. Lalaki. Nilibot ko yung rooftop at sa bandang gilid may nakita akong lalaking nakaupo at nakayuko.

"Austin?" Nag-angat ng tingin yung lalaki at si Austin nga iyon. Nandito lang pala siya. Nung pangatlong subject kasi namin, bigla siyang nawala pero yung bag niya nasa classroom lang.

Magang-magang na ang mga mata niya. Agad niyang pinunasan ang luha niya at matipid na ngumiti. Iba talaga yung dating kapag lalaki ang umiiyak. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking umiiyak. Si Philip kasi nakita ko ng umiyak.

"I-Ikaw pala Anica.." Umupo ako sa tabi niya at inabutan siya ng panyo.

"Salamat."

"Anong problema?"

"W-Wala." Ayaw pang sabihin oh.

"Wag ka ng mahiya. Alam kong meron. Sabihin mo na."

"Hmm.. Break na kami." Pumiyok pa siya.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon