Love 18

435 8 0
                                    

LOVE 18

YANA'S POV:

Salamat naman at nailabas ko na din 'to! Ang hirap talaga pag pinipigilan ang ihi. Grabe naman kasi yung professor namin, ayaw magpalabas. Nagtiis pa tuloy ako hanggang matapos yung klase niya.

Buti na lang uwian na! Mag-re-research pa kami nila Prince at Philip sa library para sa group project namin. Di nga sumama si Anica, may lakad daw kasi sila ni Kyle. Bukas na lang daw siya sasama. Kaka-date lang kahapon eh. Hayaan na nga! In love eh. Sana lang okay na talaga sila, baka naman kasi bigla na naman siyang balewalain nun.

"Oh, kumusta naman kayo ni Kyle?" narinig kong sabi ng babae. Palabas na sana ako sa cubicle pero nang marinig kong banggitin nila yung pangalang Kyle, pinili kong wag munang lumabas doon.

Madami ngang may pangalang Kyle pero malay ko ba kung ang pinag-uusupan nila ay ang boyfriend ni Anica.

Hindi naman sa chismosa ako pero parang may nagtutulak sa akin na manatili doon at pakinggan ang usapan nila.

"Okay na okay kaming dalawa. Alam mo na lagi niya akong pinapaligaya. Hihi." sagot ng isang babae.

"Ang naughty mo talaga girl! Haha! Baka ikaw ang nagpaligaya sa kanya. Hehe." Grabe 'tong mga babaeng 'to. Mukhang di sila aware na hindi lang sila ang tao dito. Kunsabagay, nasa pinakadulo akong cubicle. Pero sa lakas ng pag-uusap nila, parang wala silang pakialam kung may makarinig sa kanila.

"Parehas naming napapaligaya ang isa't-isa! Hihi."

"Hehe, teka kailan ba siya makikipagbreak sa girlfriend niya?" Girlfriend daw? Kabit pala siya.

"Pag tinatanong ko yan sa kanya, iniiba niya yung usapan eh." nasa boses niya ang kalungkutan. Ang landi naman kasi niya, alam naman pala niyang may girlfriend na yung tao tapos pumatol pa siya dun. Smh.

"Girl, hindi kaya ginagamit ka lang niya kasi ikaw lang ang nakakapagbigay sa kanya ng di maibigay ng girlfriend niya?!" Tama ka dyan ate!

"Hindi. Sinabi niyang mahal niya ako."

"Ivy.." Ivy?!! Sa pagkakaalam ko yun yung ex ni Kyle. Naikwento sa'kin ni Anica. OMG! Si Kyle nga ang pinag-uusapan nila.

"..Huwag kang makuntento na ganyan lang kayo ni Kyle. Bawiin mo siya sa Anica na yun." Gusto kong mapamura dito!!! Walanghiyang Kyle yan! How could he do that to his girlfriend?! Manloloko!!!

"Of coarse, I will. Kung hindi siya makikipag-break sa babaeng yun, eh di ako gagawa ng paraan para magbreak sila."

"Yan! Ganyan nga! Hahaha!" Mala-kontrabida ang tawa.

"Hindi ko na ulit hahayaang mawala siya sa akin. Hindi ko na ulit siya iiwan."

"Kaw naman kasi nakipagbreak ka pa sa kanya dati. Eh di sana hanggang ngayon, kayo pa din."

"Eh kasi naman, nasakal talaga ako sa kanya dati. Alam mo naman diba? NAPAKA-seloso nun! Pero ngayon, kapag naging kami na ulit iiwas ako sa lahat ng pwedeng maging dahilan para magselos siya." Ikaw na 'te! Ikaw na! Very touching huh?!

"Goodluck! Tara na! Punta tayong Mall."

"Sige. Ahm, thank you huh? Lagi mo kong sinusuportahan!" Sinusuportahan sa kalandian. Psssh.

"Kaw pa! Bestfriends tayo eh!"

Nang masigurado kong nakalabas na sila, lumabas na din ako. Kailangang malaman agad ito ni Anica. Sana di pa siya nakaalis.

Lakad.. Lakad..

Nakita ko si Josh.

"Hi Yana!" bati niya nang makita ako.

"Uy Josh. Nakita mo si Anica?"

"Hindi. Kanina ko pa nga hinahanap eh."

"Mukhang nakaalis na. May lakad daw sila ni Kyle. Alam mo na.."

"Ahh.." tapos nawala yung ngiti sa labi niya.

Naikwento na pala sa akin ni Anica na nagtapat nga daw sa kanya si Josh. Naguguluhan nga daw siya pero sabi ko sa kanya, malamang na siya yung tinutukoy ni Josh na matagal na niyang mahal. Sabi ko pa, ang haba ng hair niya. Imagine, si Mr. Simple at yung kaibigan niya parehong na-inlove sa kanya.

"Eto nga pala 'yung coat mo. Nalimutan mo daw kunin kagabi eh." sabi ko sabay abot niyon sa kanya.

"Salamat."

"Bakit mo hinahanap si Anica? Namiss mo siya noh? Hehe." Bahagya naman siyang namula.

"Hehe. Gusto ko lang siyang makausap at may ipapakita ako sa kanya." Bigla namang sumeryoso yung mukha niya.

"Ako din, may kailangan akong sabihin sa kanya. May nalaman ako tungkol kay Kyle.." Napakunot-noo siya.

"Alam mo na pala.." sabi niya.

"H-Huh?!" Bakit? Alam ba niyang niloloko ni Kyle si Anica?!

"Huwag tayo dito mag-usap."

Pumunta kami sa field. Walang masyadong tao dun. May kinuha siya sa bag niya at ipinakita sa akin. Nagulat ako sa nakita ko. Puro pictures ni Kyle at Ivy na naghahalikan. Sa ayos ng lugar, mukhang sa bar yun tapos may picture ding ibang babae ang kasama ni Kyle na di ko kilala. Ibig sabihin, hindi lang pala 2 timer si Kyle.. kundi 3 timer. Nanggigigil na talaga ako sa Kyle na yun! Humanda talaga siya sa akin.

"Matagal ko ng alam pero ngayon lang ako nakakuha ng ebidensya. Tinulungan ako ni Philip." sabi ni Josh.

"Alam din ni Philip? Kailan pa Josh?! Kailan niya pa niloloko si Anica?!" Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Siguradong kapag nalaman niya, di na naman niya kakayanin. Pag nasasaktan pa naman yun, akala mo katapusan na ng mundo.

"Mag-ta-tatlong linggo na.."

"Grabe Josh! Akala ko ba mahal mo siya?! Bakit hinayaan mong lokohin siya ng lalaking yun ng ganun katagal?! Paano mo nagawang ilihim yun sa kanya?!" OA na 'ata ako pero bestfriend ko ang pinag-uusapan dito. Ayokong may nananakit sa kanya.

"Sa palagay mo ba, kung sinabi ko kaagad sa kanya yung nakita ko maniniwala siya?" Tama nga naman siya. Hindi pa naman sila ganun katagal magkakilala ni Anica nang mga panahong yun pero kahit na!

"Ito, may ebidensya na tayo at siguradong maniniwala na siya."

"Hindi matatapos ang araw na 'to na di nalalaman ni Anica ang tungkol dito."

Pinuntahan ko na sa library sina Prince at Philip. Sabi ko, uwi na kami. Wala na din ako sa mood gumawa ng project. Kinuwento ko na din sa kanila yung narinig kong usapan nila Ivy at nung kaibigan niya.

Nagulat si Prince sa mga nalaman niya, siya na lang pala ang walang alam sa mga nangyayari. Halata sa mukha niyang galit siya, malapit din kasi siya kay Anica at ayaw niyang nasasaktan ang mga kaibigan niya. Kahit naman sino, ayaw masaktan ang mga kaibigan niya.

Dumiretso kami sa bahay. Kanina pa namin tinext si Anica na pumunta dun pero di nagrereply. Isipin ko pa lang na kasama niya yung lalaking yun, nanginginig na ako sa galit.

Maya-maya dumating na si Josh, isang subject lang naman kasi ang pinasukan niya dahil may quiz sila doon. Hindi rin naman daw siya makakapag-focus kung papasok pa siya. Um-absent na rin nga siya sa trabaho niya. Mahal niya talaga si Anica.

Tahimik lang kami sa bahay. Lahat talaga affected. Yung tatlong lalaki naka-close fist pa. Parang gusto ng manuntok.

"Paki-text naman si Anica, sabihin mo isama niya si Kyle dito." sabi ni Josh. Nasa boses ang galit.

Tinext ko naman agad si Anica na isama si Kyle dito. Hindi niya nga alam na nandito sina Josh. Mas mabuti na 'to, harapin ni Kyle si Anica.

"Brod, pag nakita ko yang Kyle na yan.. Sorry na lang, di ko na talaga mapipigilan ang sarili ko!" sabi naman ni Philip.

"Easy lang kayo. Baka lalong mas masaktan si Anica sa gagawin niyo." mahinahong sabi ni Prince. Yan naman ang gusto ko sa Prince ko! Pero baka di ko din mapigilan ang sarili ko kapag nakita ko ang Kyle na yun. Gusto ko siyang sampal-sampalin hanggang sa maging kakulay na ng mansanas yung mukha niya.

_____________________________________________________________________________

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon