Love 10

579 13 6
                                    

LOVE 10♡

Para sa new fan ko. Salamat Kath3niel.♥ :) Love yah!

~~~

Malayo pa lang, kitang-kita ko na yung mapang-insultong tingin nila Ivy at Agnes. Nagbubulungan sila tapos tumitingin sa akin. Naglalakad ako sa corridor at pabalik na sa classroom. Sila naman, nakaupo sa may upuan doon. 

Si Ivy yung ex-girlfriend ni Kyle. Mas maganda siya sa personal. Makinis ito at maputi. Mamula-mula ang pisngi at mga labi. Una ko siyang nakita nung nasa rest room kami ni Andrea. Binati ito ni Andrea. Nang mapatingin ito sa akin ay sumimangot at itinanong kung ako ba daw yung bagong girlfriend ni Kyle. Tumango lang ako. Siya nama'y umiling-iling.

Taas noo ako nang naglalakad na ako sa harapan nila. Bigla na lang akong bumagsak sa sahig. Tsk! Narinig ko na lang yung tawanan nila. 

May tumulong sa akin para tumayo. Pagtingin ko, si Austin. 

"Salamat." sabi ko nang makatayo na ako. 

"No problem." sabi niya. Tumingin naman siya kina Ivy. "Kayo, nakita ko yung ginawa niyo. Para kayong mga bata. Huwag niyo na ulit gagawin kay Anica yun kundi lagot kayo sa akin." sabi niya.

Mukha namang napahiya yung dalawa lalo na't nagtinginan yung ibang estudyante sa kanila. 

"Tara na sa classroom Anica." Sumunod naman ako sa kanya. 

Okay na nga pala kami ni Austin. Nung pumunta ako ng Mall para magpa-personalize ng couple shirt namin ni Kyle, hindi ko inaasahang magkikita kami. Nagpagawa din pala siya ng couple shirt para sa kanila ng girlfriend niya. Nung una medyo naiilang pa akong kausapin siya, pero nung nagsorry siya naging okay na kami.

Ang tagal din naming hindi nagpansinan kahit pa magkaklase lang kami. Kahit nga magka-grupo kami, parang wala lang. Sa totoo lang, namiss ko siya eh pero hanggang dun lang yun. 

Niyaya niya pa akong magmeryenda, pumayag naman ako. Natutuwa ako kasi pareho pala yung Monthsarry nila at namin ni Kyle. Friends na kami ulit.

***

♫Going back to the corner where I first saw you 

Gonna camp in my sleeping bag 

I'm not gonna move.. 

Napahinto ako sa paglalakad sa field nang may marinig akong kumakanta habang tumutugtog ng gitara. Luminga-linga pa ako sa paligid para makita kung sinong nagpapaulan ngayon. Haha. 

Got some words on cardboard, 

got your picture in my hand 

Saying if you see this girl 

Can you tell her where I am..

Actually, maganda ang boses niya.

Some try to hand me money, 

They don't understand 

I'm not broke, 

I'm just a broken hearted man 

I know it makes no sense, but what else can I do 

How I can I move on 

when I've been in love with you..

Si Josh pala yung kumakanta. Nakaupo siya sa may bermuda grass tapos nakasandal sa may puno. Parang sa mga pelikula yung scene ah. Hehe. Ang cute niyang tingnan. Nilapitan ko siya mula sa likod ng puno. 

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon