Love 22

513 9 0
                                    

LOVE 22

"It is an art and a science of acquiring, motivating and developing people in their jobs." basa ko sa nakasulat sa notebook ko.

"Human resource management." sagot ni Philip.

"Tama." sabi ko. Araw ng sabado ngayon at kasalukuyan kaming nag-re-review sa bahay nila. May quiz kasi sa Monday at para na rin iyon sa darating naming exam.

"Ito naman.. Is a process of defining the way work will be performed the task that will be required in a given job."

"Job design."

"Tama ulit."

"Enumeration naman Ann." Inilipat ko naman sa kabilang page yung notebook ko.

"Sige. Oh ito, enumerate the factors needed in formulation an HR programs."

"Support of top management. Meet the needs of the.." Habang inisa-isa ni Philip yun, lumabas naman si Tita mula sa kusina at inilagay sa lamesa na nasa harap namin yung dala niyang juice at bananaque.

"..and last is efficient administration."

"Baka ma-perfect mo na ang quiz at exam niyan Phil!" Kanina pa kasi kami nag-re-review at halos lahat ng pinapasagutan ko sa kanya ay tama. Mas nauna niya lang akong ni-review.

"Di naman. Hehe."

"Magmeryenda muna kayo."

"Salamat po Tita." Ngumiti naman siya. Sumubo agad si Philip.

Because you naughty naughty, Hey! I'm Mr. Simple.. Pangalan ni Jannah ang nag-appear sa screen.

"Hello." sagot ko.

"Hello Ate Anica!"

"Uy Jannah. Napatawag ka? Kamusta?"

"Ako ba talaga ang kinakamusta mo ate? O si Kuya Josh? Uyyyy!" Nakakatuwa talaga ang batang 'to.

"Haha! Syempre pareho kayo."

"Yieee! Kunwari pa si Ate."

"Ikaw talaga! Hehe. Oh kamusta ba ang Kuya mo? Okay na ba siya?"

"Mas okay pa sa okay Ate! Hehe."

"Mabuti naman kung ganun." Salamat naman. Balak ko na talaga siyang i-text kanina para itanong ang kalagayan ng Kuya niya.

"Alam mo ba Ate, sabi ni Kuya mas mabisa ka pa sa gamot kaya nga gumaling agad siya." Naks naman!

"Hehe. Talaga?"

"Opo!"

♫Adik sa'yo, awit sa akin

Nilang sawa na sa'king mga.. ♫dinig ko sa kabilang linya.

"Kumakanta si Josh?" tanong ko kay Jannah.

"Opo Ate! Nag-vi-videoke sila ni Papa. Punta ka dito Ate! Kanta tayo! Magaling ka daw kumanta eh. Gusto kong marinig! Please!" Hindi na ako nagdalawang isip. Gusto ko rin kasing makita si Josh. Hehe.

"Sige!"

"Yehey! Ipapasundo po kita kay Kuya!"

"Wag na Jannah. Ako na lang ang pupunta dyan. Kakagaling lang sa sakit ng Kuya mo eh."

"Sige po. Kitakits na lang po!"

"Sige. Bye!"

"Bye Ate." In-end na niya ang tawag.

"Pupunta ka kina Josh?" tanong ni Philip.

"Oo."

"Sabay na tayong umalis. Ihahatid muna kita sa kanila bago ako pumunta ng Mall." May lakad kasi sila ni Jane ngayon.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon