Love 35

236 4 0
                                    

Dedicated to this pretty girl! :) Nag-comment siya sa Chapter 21 na nawala daw ang ngiti niya nang malamang matatapos na 'to. Extend pa daw. :D Ayan e, syempre mahaba-mahaba pa talaga 'to! :D Salamat ulit at nagustuhan mo ang story na 'to. ♥

~~~

"The first time I've met you, it feels like it was only yesterday.." 

_____________________________________________________________________________

LOVE 35♡

JOSHEN'S POV: 

"Wahahahahaha!" 

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang napakalakas na tawang iyon. Alam ko na agad na si Anica iyon. Tumingin ako sa kinaroroonan niya. Nakaupo siya sa isang bench sa ilalim ng puno na nasa harap lang ng building namin. Kasalukuyan siyang nakikipagtawanan kina Yana. Yung tipong kita na ang ngala-ngala at gilagid niya. Parang mapupunit na rin ang bibig niya sa kakatawa niya. HAHAHA! 

Ganun na ganun yung pagtawa niya nung una ko siyang makita. Dun ako tinamaan eh. I was mesmerized by her laugh. Oo, sa tawa niya. Kung yung iba sa ngiti, ako naman sa tawa. Hahaha! 

ANICA'S POV: 

"Wahahahahaha!" Laughtrip! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Hahaha! Pinunasan ko yung mata ko kasi naluluha na talaga ako sa sobrang tawa. 

Nandito nga pala kami nina Andrea at Yana sa ilalim ng puno. Hinihintay namin sina Prince, di pa kasi sila tapos mag-exam. 

Clown talaga namin 'tong si Andrea. Wala lang talaga sa mukha. Mukha kasing mataray. Hehehe. 

Maya-maya'y kinalabit niya ako. 

"Si Josh oh, tulala sa'yo." sabi niya sabay nginuso si Josh. 

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Tulala nga si Josh! Hahaha! Priceless ang mukha! Nakanganga pa. Ganun ba talaga ako kaganda para mapanganga siya? Chos! Haha. 

"Ayieeee!" Tukso nila. 

Napansin naman 'ata ni Josh na nakatingin na kami sa kanya kaya napasara na siya ng bibig at ngumiti sa amin na parang nahihiya. Napakamot pa siya sa batok niya. 

JOSHEN'S POV: 

Napasara agad ako ng bibig nang mapansing nakatingin na pala sa akin sina Anica. Nakakahiya, nakanganga pa talaga ako. Baka isipin niya gandang-ganda ako sa kanya kahit totoo naman. Nginitian ko na lang sila sabay lapit sa kanila. 

"Hi girls!" Teka? Ba't parang chickboy ang dating ko dun? Haha. 

"Hi Josh!" bati nilang tatlo sa akin. 

"Makanganga lang kanina ah? Hahaha!" sabi ni Yana sa akin. 

"Muntik na ngang pasukan ng langaw ang bunganga eh. Hahaha. Gandang-ganda kasi kay Anica!" - Andrea 

"Oo nga eh. Natulala tuloy ako." Nginitian ko si Anica. 

"Ayieeeee!" Tukso nila. 

"Upo ka muna Josh!" sabi ni Andrea sabay tayo. 

"Oo nga! Upo ka muna." sabi naman ni Yana na tumayo rin. Hinawakan pa nila ako sa magkabilang-braso at pinaupo sa tabi ng magandang si Anica. 

ANICA'S POV: 

Pagkaupo ni Josh sa tabi ko, nagkatinginan kaming dalawa. 

*DUGDUGDUGDUG 

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon