Love 26

457 7 2
                                    

LOVE 26

PATRICK'S POV:

I'm Patrick Santos. Fourth year college taking BS in Business Administration. Cool ang personality pero hot ang dating. I'm single and ready to mingle! ;) Well, it's been a year since I and my ex-girlfriend broke up. Ipinagpalit niya ako sa ibang lalaki. I was so devastated that time. She was my girlfriend for more than three years. I loved her so much. Simula nun, wala na akong naging seryosong relasyon. Puro fling na lang. I'm still afraid to get hurt.

And yeah, I'm the guy who hugged Anica. I LIKE her. The first time I saw her was at the Varsity Party. God, she's so gorgeous that time. No, not just that time but she is really gorgeous even without make-up! Nung marinig ko yung pagkanta niya, napanganga ako. Hindi lang ang mukha niya ang mala-anghel kundi pati ang boses niya. Simula nun, I can't take my eyes off of her. She's always on my mind but I'm sure I'm not in love with her. I'm just attracted to her.

Last week, I saw her crying. Hindi ko alam kung bakit pero bumigat yung pakiramdam ko nang makita ko siyang ganun. Her ex-boyfriend cheated on her. How did I know? Of coarse, I have source kaya nga nalaman kong paborito niya ang waffle. Inalam ko talaga lahat ng mga gusto niya.

Nagpakilala na ako sa kanya kahapon. Ang kaso, hindi 'ata tumalab sa kanya ang charm ko. May pagka-hard-to-get pero di bale, bibigay din siya. Wala pang tumatanggi sa akin. AKO PA! By the end of this semester, I'll make sure that she's mine.

Heto ako nasa harap ng classroom nila, hinihintay siya. Handang-handa na akong mangharana. Harana talaga? Kakantahin ko lang naman ang isa mga paborito niyang kanta. Kantang siguradong kapag narinig niya, ikatutuwa niya. 101 percent lalo pa't sabi ng kaibigan ko, ka-boses ko daw yung kumanta nun.

"Pat, what are you doing here?" tanong ng kaibigan at classmate kong si Eunice nang makita niya ako.

"Just waiting for someone. Ikaw?"

"May dinaanan lang ako. Sino bang hinihintay mo? At may dala ka pang gitara huh. Mukhang manghaharana ka ah?"

"Absolutely." I smiled.

"May nanghaharana na pala ng ganito kaaga? Haha!"

"Oo. Ako!"

"Ikaw na Pat! Haha. Geh una na ako sa'yo sa classroom. Goodluck sa panghaharana." Kumindat pa siya. Ang cute niya talaga.

"Thanks." At diretso na siyang naglakad. Matapos kong maghintay ng ilang minuto, dumating na din ang hinihintay ko. Nang magkatinginan kami, nginitian ko siya pero inirapan lang niya ako. Bago pa siya makapasok sa classroom nila, nagsimula na akong tumugtog at kumanta.

♫Gaseume segyojin byori

Gaseume bitnadon byori

Ama noin-got gata

Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Sabi na nga ba eh! Mahilig kasi siya sa KPop at ayon pa sa aking source, paborito ni Anica ang kantang 'to na kanta ng crush niyang si Kang Min Hyuk. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pagbigkas at pagsaulo ng kanta. May kaibigan kasi akong Koreana at tinulungan niya ako. Easy as ABC. *Hairflip* Ay. Di pala mahaba ang buhok ko. Hehe.

Ttollineun soriga deullini

O star

Tteugoun simjangeul neukkini

Yo my star ~

Aju oren mon yetnalbuto na

Kkumkkwowatdon sarangi

Noin-gol ara

Onjena hamkke hejwo

Aju oren siganeul-lodo

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon