Love 36

138 3 0
                                    

“The moment I first saw you, you warmed my heart. The second time, you made little flames and now, you make my heart burn like hell.”

_____________________________________________________________________________

(Continuation)

LOVE 36♡

"Sayang! Absent yata si cr--" Di ko na naituloy yung sasabihin ko.

*DUGDUGDUGDUGDUG

Nagulat ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko siya. Si crush.. Akala ko absent siya. Nakaupo siya sa upuan kung saan ako nakaupo. Meant to be? Hehe. Nag-aayos pa siya ng gamit niya.

"Bilisan mo Anica! Andyan na yung mga pang-hapon. Nakakahiya." sabi nung babae na nakatayo sa harapan niya.

Anica pala ang pangalan niya. Kasingganda niya.

"Ano namang nakakahiya dun? Hahaha! Wala naman ah!" Ito ang unang beses na narinig ko siyang magsalita. Ang ganda... ng boses niya. Ang sarap pakinggan.

Tumingin siya sa akin.

"Diba Kuya?" nakangiti niyang tanong sa akin. Mas lalo pa 'atang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinausap niya ako! Ang saya-saya.

"Ahh.. O-Oo. W-Wala." nauutal kong sabi. Ba't parang pinagpapawisan ako?

"Sabi sa'yo Sis eh. Hehe."

"Naghanap ka pa ng kakampi. Haha!" sabi naman nung babae.

"Haha. Tara na nga!" Tumayo na si crush at nag-cling sa braso nung babae. Sinundan ko siya ng tingin. Mas maganda talaga siya sa malapitan. *O* Nakalugay ang mahaba niyang buhok ngayon. Ang ganda, puwedeng model ng shampoo.

"Ba-bye!" nakangiting sabi niya nang mapatingin siya sa akin. Hindi ako nakasagot. Natulala lang ako hanggang sa namalayan kong nakalabas na pala siya.

"Aray!" Pinitik ba naman ako ni Sandy sa noo.

"Ang sakit Sandy!" sabi ko habang hinihimas ang noo ko.

"Sorry! Hehehe. Look, you're drolling!" Napahawak ako sa bibig ko.

"Hindi naman ah." sabi ko sabay punas sa noo ko. Pinagpawisan ako dun ah. Iba ang epekto niya sa akin.

"Joke lang! Hehe. Kung makatitig ka naman kasi diyan sa BAGO mong crush!"

"Ang ganda niya kasi."

"Lahat naman maganda para sa'yo Josh eh. Hahaha!"

END OF FLASHBACK.

"Uy Josh! Joshen. Moreno." - Anica

"A-Ano yun? Bakit?" tanong ko nang maramdaman ang mainit at malambot niyang kamay sa pisngi ko.

"Natulala ka na diyan eh."

"Ahh.. Hehehe. May naisip lang ako."

"Ano namang naisip mo? Or should I say, SINO? Hahaha!"

"Sino pa nga ba? Eh di, ikaw."

Ngumiti siya sa akin. Napangiti lalo ako at nagngitian kami ng nagngitian ng nagngitian ng nagngitian hanggang maghapon. Di, joke lang. Haha.

Dumating sina Philip at tinukso-tukso na naman kami. Kung lagi ba namang ganito, 'e di laging kumpleto at masaya ang araw ko. Basta't kasama ko Anica.

PATRICK'S POV:

Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko nang makita ko si Anica kasama ang lalaking yun. Kanina lang, kami yung magkasama. Oo, sabay ulit kaming naglunch kaso kasama na yung mga kaibigan niya. Pinakilala niya ako sa kanila. Ang kukulit nila lalo na si Andrea. Sobrang daldal pero may sense of humor. Kahit corny na siya, nakakatawa pa din. Ewan ko ba. Pakiramdam ko nga, ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganun. Sumakit talaga ang tiyan ko kakatawa.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon