Love 9

596 12 7
                                    

LOVE 9♡

ANICA'S POV:

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at ngumiti. Nakakulot ang buhok ko ngayon, nag-lipgloss ako at naglagay ng kaunting blush on sa aking pisngi.

First monthsarry namin ni Kyle ngayong araw. Nag-bake ako ng blueberry cheesecake kahapon para sa kanya na may nakalagay na Happy Monthsarry. Nakita ni Mama yun at ang sabi ko sa kanya'y pinagawa lang iyon ng classmate ko. Siguraduhin ko daw, wag na wag daw akong maglilihim sa kanya. Syempre kinumbinsi ko siyang wala naman akong boyfriend. Asawa lang meron, si Lee Min Ho. Tawa naman siya ng tawa.

♫Because you naughty, naughty. Hey! I'm Mr. Simple.♫ Ringtone ko yan. Paborito ko lang talaga kaya di ko pinapalitan. Hehe.

Si Kyle ang tumatawag. Sinagot ko naman agad iyon.

"Hello Babe." Sagot ko.

"Goodmorning Babe! Happy Monthsarry. I love you." Sabi niya.

"Happy Monthsarry din Babe! I love you too."

"See you later!"

"See you!"

Pagdating ko sa school ay tinawagan ko si Kyle kaso di siya sumasagot. Gusto ko pa namang makita muna siya. Dumiretso na lang ako sa classroom. Nag-e-expect nga ako na baka may surprise siya. Haha! Kaso wala eh. Pinalagay ko muna yung cake sa ref. dun sa cafeteria, close ko kasi yung nagtitinda dun. Nagsimula na ang klase at hindi man lang sumagot sa mga text ko si Kyle.

"May bisita ka Anica." Sabi ng professor namin. Ilang minuto na lang ay matatapos na ang kanyang oras para sa subject na iyon.

Maya-maya'y may pumasok na gwapong nilalang mula sa pinto. Si Kyle! May hawak siyang isang bouquet ng bulaklak. Nag-iritan naman yung mga kaklase ko.

Lumapit siya sa akin at inabot ang kanyang dala. Kinuha ko naman iyon. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Thank you." Sabi ko. Naiilang ako dahil lahat sila ay nakatingin sa amin.

"Happy monthsary babe!"

"Happy monthsary din." Nakangiti kong sabi.

"Ikaw na talaga Sis! Ang haba talaga ng hair eh!" Tukso ni Yana pagkalabas ni Kyle ng classroom.

"Baka naman sa una lang siya sweet." Sabi ni Philip. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw niya talaga kay Kyle.

"Epal ka talaga Philip!" Sabi ni Yana.

"Joke lang naman."

"Hindi eh, mukhang nagseselos ka. Baka naman, inlove ka na kay Anica. Haha."

"Hindi."

"Asus! Di nga?! Sa tagal niyong magkaibigang dalawa, di ka man lang nagkagusto sa kanya?! Ang ganda kaya ng Sis ko."

"Huwag mong lagyan ng malisya yung pagkakaibigan naming dalawa. Oo, maganda siya pero little sister lang ang turing ko dyan at kung gusto ko siya, eh di sana dati pa lang niligawan ko na yan. Hehe." Ang kulit nitong dalawang 'to. Kami ni Philip, talagang magkapatid lang ang turingan namin.

"Todo paliwanag? Haha." Asar pa ni Yana. "Maghanap ka na kasi ng girlfriend." Sabi niya pa.

"Hindi yan hinahanap, kusa yang darating." Tama nga naman siya.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon