Love Between Us (This Love is Ours)
Written by meimeilleure
~~~
LOVE 1♡
Napangiti ako nang makita ang isang piraso ng pulang rosas na nakaipit sa locker ko. Sa tangkay nun ay may ribbon na kulay pula. Agad kong binuksan at binasa ang nakasulat sa maliit na card na kasama nun.
Dear Anica,
I do not know how much I love you but I do know how much more I wish to. I love you so much. Thank you for always making me smile.
Have a great day!ت
Love,
Mr. Simple
Ang cute ng codename niyang Mr. Simple! Isa ata siya sa mga Super Junior.
♫Bwara Mr. Simple, Simple Keuttae-neun keuttae-neun keuttae-ro meotchyeo
Bwara Ms. Simple, Simple keuttae-neun keuttae-ro yeppeo (SJ call)♫
Tama na. Napapasayaw na ako! Haha. Mahilig akong makinig ng KPop songs at manood ng Korean Dramas. I love SuJu, BigBang, GG, CNBlue at marami pang iba!
Simula noong unang sem para sa ikalawang taon sa kolehiyo ay lagi na akong may nadadatnang rosas at sulat na nakaipit sa locker ko. Naging kapana-panabik ng bawat araw para sa akin. Ikaw ba naman ang laging makatanggap ng bulaklak at sulat, hindi ka ba kikiligin? For me, handwritten love letters never go out of style. Mas nakakakilig pa ding makatanggap ng love letter unlike ngayon na puro sa text na lang dinadaan ang pagpapahayag ng pag-ibig.
Parang laging Valentines Day para sa akin. Speaking of Valentines Day, noong araw na iyon ay may lalaking lumapit sa akin. Simple lang siya pero ang lakas ng dating. Gwapo, moreno at matangkad.
Binigyan niya ako ng isang bungkos ng puti at pulang bulaklak at chocolates, pinapabigay daw ni Mr. Simple. Ang sweet niya talaga pero mas sweet kung siya talaga ang magbibigay sa personal. Ang weird nung guy na kaharap ko nung oras na yun, halata kasi sa mukha niya na nahihiya siya at nanginginig pa.
"Pakisabi kay Mr. Simple, salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya nun.
"Si-Sige."
Kabadong-kabado naman siya. Hindi niya pa maituwid ang pagsasalita niya nun. Hindi din siya makatingin ng diretso sa akin. Kita ko pa yung pawis sa noo niya pero sadyang gwapo pa rin. Naisip ko ngang baka siya talaga si Mr. Simple at nahihiya lang umamin.
"Classmate mo ba si Mr. Simple o ikaw talaga si Mr. Simple?" Tanong ko sa kanya nun.
"Hindi ako sa Mr. Simple. Oo, classmate ko siya." Diretso na niyang sabi.
"Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."
"Busy siya. Sige huh, alis na ako. May klase pa kasi ako." Agad siyang tumalikod sa akin at dire-diretsong naglakad.
"Uy! Wait lang!" Tawag ko sa kanya pero hindi na niya ako pinansin. Hindi ko na rin siya sinundan kasi mukhang ayaw naman talaga niyang makipag-usap.
Ako nga pala si Anica Fornales. One and only child. Simple lang ako, morena at may mahabang buhok. My motto is, "Live life to the fullest." Mahilig akong kumanta. Actually, isa akong frustrated singer. Wag niyo lang talaga akong pasasayawin.
I'm taking Bachelor of Science in Business Administration. Never pa akong nagka-boyfriend. Never been kissed, never been touched. At kahit hindi pa ako nagkaka-boyfriend, ilang beses na akong na-broken heart! Grabe diba?
Tingin niyo, kapag na-bo-broken heart ang isang single, sinong may kasalanan? Yung umasa o yung paasa? Syempre yung paasa! Lalo na kung sinabi niyang mahal ka niya. Diba? Diba? Yung tipong akala mo may mutual understanding na kayo. Hindi naman kasi mag-a-assume ang isang tao kung di mo siya binigyan ng dahilan para umasa.
![](https://img.wattpad.com/cover/1100886-288-k289121.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Fiksi RemajaSimple lang naman ang gusto ni Anica, ang makilala kung sino ang secret admirer niya na nagtatago sa pangalang Mr. Simple. Ngunit ang "dakilang utusan" nito ang nakilala niya. Hindi niya nga akalaing magiging malapit sila sa isa't-isa. Isang simplen...