Love 23

489 11 3
                                    

LOVE 23

Dedicated to you Sissy! Lagi mo kasi akong pinapakilig sa mga comment mo. :"> ♥ Maraming salamat sa pagsuporta! :*

~~~

ANICA'S POV

Pagkaupo niya, inilagay niya yung kamay niya sa ibabaw ng sofa. Parang nakaakbay na tuloy siya sa akin.

"Josh, baka inaantok ka na huh! Sabihin mo lang." sabi ko sa kanya pero sa TV ako nakatingin.

"Hindi pa. Tingnan mo 'tong mata ko, dilat na dilat pa." Tumingin ako sa kanya. Pinalaki niya pa ang mata niya.

"Haha! Ang cute mo talaga!" Kinurot ko siya sa pisngi pero bago ko pa man maialis ang kamay ko dun ay hinawakan niya ito. Nagtama ang mga mata namin. Maya-maya, bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

*DUGDUGDUGDUG

Kinakabahan ako. Alam ko na ang mga scene na 'to. Is he going to kiss me?

Agad din niyang ibinalik ang tingin niya sa mga mata ko. Nagkamali lang pala ako. Umasa? Haha.

"Salamat Anica." sabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at marahang hinalikan iyon. Ginawa naman akong lola nito. Hehe. Pero sa totoo lang, sweet ang dating nun sa akin.

"Para saan?"

"Sa lahat. Lagi ka kasing nandiyan para sa'kin.. Inalagaan mo pa ako kahapon kaya gumaling agad ako. Ikaw ang pampalakas ko!"

"Wala yun Josh. Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo. Maraming salamat huh! Lagi mo akong pinapasaya at dinadamayan sa kalungkutan ko. Isa kang napakabuting kaibigan." I saw hurt flashed in his eyes. Dahil siguro sa sinabi kong 'kaibigan.' If only he knew how much I like him more than friends. It's just that, this isn't the right time to tell him about my feelings. All I can do now is to show him.

"Masaya ako kasi napapasaya kita. Ginagawa ko yun dahil mahal kita Anica pero hanggang kaibigan lang ba talaga ako para sa'yo?" tanong niya.

JOSHEN'S POV:

Nang madala ko na si Jannah sa kwarto niya, bumalik agad ako sa sala. Yes! Kaming dalawa na lang ni Anica.

"Josh, baka inaantok ka na huh! Sabihin mo lang." narinig kong sabi niya pero nakatuon pa din yung tingin niya sa TV.

"Hindi pa. Tingnan mo 'tong mata ko, dilat na dilat pa." Tumingin siya sa akin. Pinalaki ko yung mga mata ko.

"Haha! Ang cute mo talaga!" Kinurot niya ako pisngi. Bago pa man niya alisin ang kamay niya sa pisngi ko ay ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya. Our eyes met. She has the most beautiful eyes I've ever seen. Parang laging nangungusap ang mga iyon. Napunta ang tingin ko pababa sa kanyang mapupulang labi. I want to kiss her but I can't. Bago pa man siya mailang, sa mata niya ulit ako tumingin.

"Salamat Anica." sabi ko. Kinuha ko yung kamay niya at hinalikan.

"Para saan?"

"Sa lahat. Lagi ka kasing nandiyan para sa'kin.. Inalagaan mo pa ako kahapon kaya gumaling agad ako. Ikaw ang pampalakas ko!"

"Wala yun Josh. Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo. Maraming salamat huh. Lagi mo akong pinapasaya at dinadamayan sa kalungkutan ko. Isa kang napakabuting kaibigan." KAIBIGAN? Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Masaya ako kasi napapasaya kita. Ginagawa ko yun dahil mahal kita Anica pero hanggang kaibigan lang ba talaga ako para sa'yo?" Hindi siya makasagot. Nararamdaman ko namang gusto niya din ako pero ayaw niya lang sabihin.

"Josh.." Binitawan ko ang kamay niya at niyakap siya.

"Okay lang. Wag mo munang sagutin. Gaya nga ng sabi ko, maghihintay ako Anica. No pressure."

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon