Love 2

809 14 7
                                    

LOVE 2

March na ngayon, matatapos na ang school year. Bakasyon na sa susunod na linggo.

Third year na ako sa susunod na pasukan. Ang bilis talaga ng panahon. Hanggang ngayon nga ay di pa din nagpapakilala sa akin si Mr. Simple. Gusto ko na talaga siyang makilala. Paano kaya? Nag-isip ako ng paraan.

Alam ko na!

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Mga alas singko y medya ay nasa school na ako pero alas siyete pa ang simula ng klase ko. Nagtaka nga si Mama kung bakit ako maagang papasok, nagdahilan na lang ako. Bukas na ang school ng ganung oras.

Nandito ako ngayon sa room na malapit sa may locker namin. Aabangan ko si Mr. Simple. Wala siyang kawala sa akin. Wahaha. Kailangang makilala ko na siya bago magbakasyon. Bakit di ko ba naisip 'to dati? Siguradong maglalagay na naman siya ng bulaklak sa locker ko.

Kahit bukas na ang mga ilaw, medyo natatakot ako. May mumu pa naman dito sa school. Huhu.

"Ang tagal naman niya." Sabi ko sabay kagat sa sandwich na hawak ko. Hindi kasi ako nakapag-almusal ng maayos. Hehe.

Tumingin ako sa wrist watch ko, malapit ng mag-alas-sais. Sumilip ako sa may bintana, may lalaki akong nakita sa harap ng locker ko!

Siya na nga si Mr. Simple!

Makikilala na din kita sa wakas! Agad akong lumabas ng room.

"Huli ka! Mr. Simple!" sigaw ko.

Napalingon siya sa akin tapos nalaglag yung hawak niyang bulaklak at sulat. Halata ang gulat sa kanyang mukha.

"Ikaw?! Ikaw si Mr. Simple?!" Gulat kong sabi. Si Mr. Moreno, yung nag-abot ng bulaklak at sulat nung Valentines Day.

"Sabi ko na nga ba, ikaw si Mr. Simple!"

Pinulot niya muna yung nalaglag na bulaklak at sulat pagkatapos ay iniabot niya sa akin. Kinuha ko naman.

"Hindi." Nakangiti niyang sabi. Kanina, gulat na gulat siya tapos ngayon biglang naging cool. Pero infairness, ang cute niyang ngumiti.

"Hindi ako si Mr. Simple."

"Weh? Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Oo naman. Inutusan niya lang ako."

"Dakilang utusan? Haha."

"Huwag kang mag-alala, balang araw magpapakilala din siya sa'yo."

"Ba't di pa ngayon?"

"Atat ka naman masyado. Hehe. Sige, mauna na ako sayo."

Bago pa man siya tumalikod, hinawakan ko na siya sa braso niya.

"Saglit lang, ano bang tunay niyang pangalan?"

"Secret."

"Pangalan na nga lang, ayaw pang sabihin." Napanguso ako. Binitawan ko na ang braso niya. "Ang aga ko pa namang pumasok ngayon para lang abangan siya. I really want to know who he is."

"Englishera ka pala? Haha.Okay lang yan. Alis na ako." Tumalikod na siya.

"Teka! Ikaw? Anong pangalan mo?"

Humarap siya ulit at nginitian lang ako. Eh? Pati pangalan niya ayaw niyang sabihin!

~~~

"Haay naku Sis! Pati ako na-cu-curious na sa Mr. Simple na yan ah." Sabi ng bestfriend kong si Yana.

Nasa cafeteria kami ng oras na yun. Kumakain ng spaghetti. Last day na namin ngayon at bakasyon na! Excited na ako kasi pupunta kami nina Mama sa Boracay this summer!

Ginawan ko nga ng sulat si Mr. Simple eh. Ipapaabot ko na lang kay Mr. Moreno. Kanina ko pa nga siya hinahanap.

"Baka naman may pagkamahiyain siya kaya ayaw magpakita sayo." Dagdag pa ni Yana.

"Siguro nga. Pero hanggang kailan siya magtatago sa mga bulaklak at sulat na pinapadala niya?"

"Dunno. Malay mo, nag-iipon pa ng lakas o baka naman sa graduation niya pa balak magpakilala sayo. Haha!"

"Ngek. Sa graduation pa talaga?"

"Exciting nga eh!"

Napanguso lang ako sa sinabi niya.

"Pansin ko lang, napunta na lahat ng atensyon mo sa Mr. Simple na yan. Parang nalimutan mo na si Austin ah? Eh nung nakaraan lang halos bumaha ang luha mo nang malaman mong may girlfriend na siya."

"Ayoko na siyang isipin. Wala na rin naman siyang pakialam sa akin. Tanggap ko ng pinag-trip-an niya lang ako." Malungkot kong sabi.

"Ikaw naman kasi ang bilis mong ma-fall. Konting kurot lang sa pisngi mo, feeling mo in-love na sayo. Nag-assume ka kaagad." Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Prangka talaga siya pero sanay na ako.

"Paanong hindi ako mag-a-assume? Eh, sinabi niyang mahal niya ako!"

"Kung ikaw ang mahal niya, eh di sana ikaw ang girlfriend niya ngayon. Diba?"

"Oo na! Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Nakakabadtrip lang! Masaya na din naman ako ngayon." Nakangiti kong sabi.

"Salamat kay Mr. Simple!"

"Salamat talaga sa kanya!"

Napapasaya talaga ako ni Mr. Simple. Masarap sa pakiramdam na laging may nagbibigay ng bulaklak at sulat sa'yo. Masarap sa pakiramdam na malamang may humahanga at lihim na nagmamahal sa'yo.

Bago pa man kasi dumating si Mr. Simple sa buhay ko, napakalungkot ng lovelife ko. Hindi naman kasi ako tulad ng ibang babae na pinipilahan ng mga manliligaw. Lahat na lang ng nagugustuhan at minamahal ko, hindi ako ang gusto, hindi ako ang mahal. Hindi ko alam kung bakit pero lapitin talaga ako ng mga lalaking mahilig lang makipag-flirt. O di kaya yung sasabihin nilang mahal ka nila pero hanggang dun na lang yun. Lagi naman ako ang talo. Sanay naman na ako.

Pero hindi naman ako sumuko eh. I'm still young and I know, makikilala ko rin yung taong para sa akin. Yung destiny ko. Every night, ipinagdadasal ko kay God na sana okay lang ang taong iyon, na sana nag-aaral siyang mabuti para sa future namin at sana healthy siya. Hahaha.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon