Love 25

459 9 3
                                    

LOVE 25

ANICA'S POV:

Goodmorning! Ang ganda ng gising ko kahit puyat ako. Si Josh kasi eh, pinuyat ako. Hehe. Pagkatapos nung yakap scene namin kagabi, kumain pa kami sa Minute Burger na malapit lang sa amin. At dahil nga malapit lang, hindi na ako nagpalit ng damit. Pinasuot niya na lang sa akin yung jacket niya. Ayun, nagkuwentuhan at nagkulitan kami. Mga 30 minutes lang kami dun. Alam niya naman kasing may pasok pa ako kinabukasan. Pero halos mag-a-alas-tres na ako ng madaling araw nakatulog. Bakit? Ano pa bang dahilan? Eh di kakaisip sa kanya. :">

"Goodmorning 'Ma!" bati ko kay Mama pagkababa ko. Si Papa, nakaalis na. Maaga kasi ang pasok niya sa opisina kaya hindi ko na siya naaabutan sa umaga.

"Goodmorning din anak."

"Mukhang puyat ka ah pero kakaiba ang ngiti mo. Siguradong dahil kay Josh yan." sabi niya pa. Napangiti lang lalo ako.

"Kumain na tayo." sabi niya.

Sabay kaming kumain ni Mama at pagkatapos ng lahat ng ginagawa tuwing umaga, dumiretso na agad ako sa School. Hindi ko kasabay si Philip, sinundo niya kasi si Jane para sabay sila. Alam niyo na, nanliligaw eh. Natutuwa naman ako kasi in love na naman ang bestfriend ko.

SA SCHOOL.

Pagbukas ko ng locker ko, may sulat at bulaklak na naman galing kay Mr. Simple. Birthday ko na sa susunod na Biyernes, makikilala ko na din siya. I'm so excited to meet him. Nalulungkot din ako kasi nga diba magkaibigan sila ni Josh. Si Josh na talaga ang tunay na nakapagpapasaya sa akin eh. Siya na talaga.

Ngayong araw, may gagawin ako para sa kanya. Lagi na lang kasi siya ang nag-e-effort eh, ako naman ngayon. Gagawin ko yun dahil gusto kong ipakita sa kaniya.. sa kanila.. kung gaano ko siya kamahal at hindi lang para suklian yung mga ginagawa niya para sa akin.

"Hi Anica!" Napalingon ako sa isang lalaking hindi ko kilala. Nakasandal siya sa locker. Gwapo siya, maputi, may makakapal na kilay at maganda ang pangangatawan niya, kitang-kita yung muscles eh. Kapansin-pansin din ang pouty lips niya na napaka-pula. Ngiting-ngiti siya. Cute ng dimple niya.

Sinarado ko yung locker ko at humarap sa kanya.

"Hi." sabi ko at matipid akong ngumiti sa kanya. Simula nung Varsity Party, madami ng lalaking kapag nasasalubong ko, eh nag-ha-hi sa akin. Nag-ha-hi na lang din ako sa kanila. Yung iba, hinihingi pa ang number ko pero hindi ko ibinibigay.

"I'm Patrick. Nice to meet you." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nakipagkamay naman ako.

"Nice to meet you too. Sige, mauna na ako sa'yo." Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa baywang.

"Wait! Dito ka muna Babes." Babes? Ang kapal naman ng lalaking 'to para tawagin akong Babes! Inalis ko yung kamay niya sa baywang ko. Tiningnan ko siya ng masama at tumalikod na ulit ako. Ayokong mag-aksaya ng oras sa kanya. Nagulat naman ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

Nagtinginan tuloy sa amin yung mga tao doon.

"I like you. Be my girlfriend." bulong niya sa akin. Inalis ko kaagad yung mga kamay niyang nakapulupot sa akin at pagkaharap ko sa kanya, sinampal ko siya. Tumakbo na ako paalis doon. Ang bastos naman ng lalaking yun! Bigla na lang nangyayakap. I don't even know him.

"I like you. Be my girlfriend." Anong tingin niya sa akin? Easy to get?

___

BREAK TIME.

Kasabay na naming kumain si Austin. Binibiro nga siya ni Yana. Dapat daw kasi, ako na lang ang niligawan niya dati. Ngingiti-ngiti lang si Austin.

Si Philip, nasa kabilang lamesa lang. Nag-mo-moment sila ni Jane. Hehe.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon