LOVE 21♡
ANICA'S POV:
"Kuya Philip!" Tawag ng isang babae. Base sa uniform niya, HRM ang course niya. Palabas na kami ng building ni Philip nun, pauwi na. Galing pa kaming library, nagresearch ng assignment. Sina Prince at Yana, nauna ng umalis.
"Uy Jannah! Musta?" sagot ni Philip. Ang ganda nung babae. May kamukha siya..
"Okay naman po Kuya! Hi Ate Anica! Ako po si Jannah, kapatid ni Kuya Josh." nakangiting sabi niya sa akin. Siya pala yung tinutukoy ni Josh na kapatid niya. Nasabi din niya sa akin first year pa lang siya. Magkamukha silang dalawa lalo na yung mga mata nila. Maganda pala si Josh kung naging babae.
"Hi. Nice to meet you!" Nag-shakehands pa kaming dalawa.
"Kamukha mo ang Kuya mo ah."
"Sabi nga po nila eh. Hehe. Mas maganda ka po pala pag malapitan kaya na in love si Kuya sayo eh!" Wow. Alam niya ang tungkol dun.
"Salamat."
"Wala anuman po. Pauwi na po kayo?"
"Oo, ikaw?"
"Pauwi na din po."
"Teka, ba't parang di ko yata nakikita yung Kuya mo?" tanong ni Philip.
"May sakit po, kahapon pa. Hanggang ngayon nga po nilalagnat pa din."
"Tsktsk. Kaya naman pala. Punta kami sa inyo, okay lang?"
"Yun nga po ang gusto kong sabihin. Siguradong pag pumunta po kayo dun, gagaling agad siya. Hehe." Pagkasabi niya nun, tumingin siya sa akin. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Nginitian ko na lang siya.
"Ahh.. Oo, sigurado yan! Haha!"
Dumiretso na kami kina Josh. Nakakatuwa yung kapatid niya, ang daming kwento habang nasa biyahe kami. Sabi niya pa, hindi daw niya sinabi sa Kuya at Mama niya na isasama niya kami dun. Para ma-surprise daw. Matagal na din daw akong gustong makita ng Mama niya, sa picture lang niya daw kasi ako nakikita. Lagi daw akong bukambibig ni Josh noon pa. Sobrang nalungkot nga daw ang Kuya niya nang malamang may boyfriend na ako. Napapaisip tuloy ako. Ibig sabihin, ako talaga yung tinutukoy ni Josh na matagal na niyang mahal? Hindi kaya siya talaga si Mr. Simple?
PHILIP'S POV:
Walang preno sa pagsasalita 'tong si Jannah. Kulang na lang ibuko na niya ang Kuya niya na siya si Mr. Simple. Tsktsk. Malapit na rin namang magpakilala si Josh kay Anica at gusto niya maging espesyal ang araw na iyon. Hindi naman agad niya liligawan si Anica dahil kakahiwalay lang nito sa ex-boyfriend niya. Pasimple ko na lang pinanlikahan ng mata si Jannah at yun huminto na siya, iniba na lang niya ang usapan.
ANICA'S POV:
Pagdating namin sa bahay nila Josh, pinapasok at pinaupo agad kami ni Jannah. Tinawag niya yung Mama niya.
"Oh Philip, napadalaw ka." sabi ng isang babae na tanya ko ay hindi lalagpas sa sikwenta. Siya siguro ang Mama nina Josh.
"Magandang hapon po." Nagmano siya sa kanya.
"Kaawan ka ng Diyos." Napatingin naman siya sa akin.
"Magandang hapon po." sabi ko naman.
"Magandang hapon din naman sa'yo magandang dilag. Ikaw pala si Anica." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Matagal na kitang gustong makita. Mas maganda ka pala sa personal." Niyakap niya ako. Ang sweet naman niya, parang si Josh. :">
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Anica, ang makilala kung sino ang secret admirer niya na nagtatago sa pangalang Mr. Simple. Ngunit ang "dakilang utusan" nito ang nakilala niya. Hindi niya nga akalaing magiging malapit sila sa isa't-isa. Isang simplen...