Love 16

570 10 1
                                    

LOVE 16

Hi Ellicia! Nawa'y kiligin ka sa chapter na 'to! :D xo

~~~

ANICA'S POV:

Biglang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, si Austin. Wow! Ang gwapo niya.

"Hi Anica! Sayaw tayo!" He said smiling.

"Sure!" Magaling din 'tong sumayaw si Austin.

Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.

"Nasaan yung boyfriend mo?!" tanong niya. Nakiliti ako nang magsalita siya sa tenga ko. "Ay! Sorry. May kiliti ka nga pala sa tenga. HAHA!" Syempre, alam yun ni Austin. Mahilig kaming magbulungan dati. Minsan nga, sinasadya na niyang magsalita malapit sa tenga ko para lang makiliti ako. Haha. Ang landi! :D

"Okay lang! HAHA! Wala pa si Kyle eh! Eh ikaw nasaan yung girlfriend mo huh?! Baka magselos tayo pag nakita niya tayo. HAHA!"

"Nandun, kasama mga kaibigan niya. Hindi yun magseselos, hindi ko na naman hahayaang makita niya tayo. HAHAHA! Just kidding." Napapataas yung balikat ko kasi nga nakikiliti ako. Haha!

"HAHA! Loko-loko!"

JOSHEN'S POV:

Mabuti at enjoy namang kasayaw 'tong mga babaeng 'to pero mas mag-e-enjoy ako kung si Nics yung kasayaw ko. Grabe talaga yung babae kanina, nagulat ako sa ginawa niya. Buti na lang dumating yung tagapagligtas kong si Anica. Natatawa talaga ako dun sa sinabi niya. HAHAHA! Pati talaga mga lalaki, nababastos na ngayon.

Natutuwa din ako kasi concern siya sa akin. Kitang-kita ko siya mula dito, mukhang binabantayan ako! HAHA! Sumusulyap-sulyap lang ako sa kanya. Ang kukulit kasi nitong mga babaeng 'to, pa-picture ng pa-picture. Gusto ko na ngang umalis para lumapit kay Anica baka mamaya siya naman ang mabastos.

Halos manlaki yung mga mata ko nang tumingin ako kay Anica. Sinasabi ko na nga ba!! Tsk! Lumapit agad ako sa kanya.

"Wait Josh!" sigaw pa nung mga babae.

Paglapit ko sa kanila, napahinto ako. Salamat naman at hindi iyon tulad ng iniisip ko. Akala ko kasi hinahalikan siya nung lalaking yun! Ang matindi ko pang naisip eh, naghahalikan sila. Pero di naman magagawa ni Anica yun eh dahil may boyfriend siya. Nagtatawanan lang sila pero kailangan talaga ganun kalapit?

Napatingin sila sa akin.

"Oh Josh!" sabi ni Anica. Napatingin ako dun sa lalaki, nginitian niya ako. Ngumiti lang ako.

"Sige Anica, balik na ako dun huh? Baka hinahanap na ako nung girlfriend ko."

"Sige!"

"Joshhhhh! Picture pa tayo!" narinig kong sigaw nung mga babae. Aissts. Walang kasawaan sa picture.

"Mamaya na lang!" sabi ko pero makukulit talaga. Hinatak na naman ako palayo kay Anica. Nginitian niya lang ako.

ANICA'S POV:

Nasaan na kaya sina Yana? Wala na akong kasama dito. Mag-isang sumasayaw. Hehe. Inagaw na naman nila si Josh. Wow! Inagaw talaga eh noh? Haha.

Maya-maya naging sweet na yung kanta. Uupo na lang ulit ako, wala naman akong makakasayaw. Wala pa din kasi si Kyle. Di pa nga nagtetext eh.

Pagkatalikod ko, may humawak sa braso ko. Paglingon ko, si Josh.

"Anica, let's dance."

"Sige."

He puts his hands on my waist and suddenly I felt some electricity running through my body. Bakit ganito yung nararamdaman ko dahil lang sa simpleng paghawak niya sa akin?

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon