Love 6

566 11 0
                                    

LOVE 6

ANICA'S POV:

Miyerkules, wash day kaya pwede kaming magcivilian ngayon. Skinny jeans, rubber shoes at simpleng T-Shirt ang isinuot ko.

Kasalukuyan akong nagsusuklay nang tumunog ang cellphone ko.

Babe Kyle calling...

"Hello babe." Sagot ko.

"Goodmorning babe. I'm on my way to school. See you!"

"Paalis na rin ako ng bahay babe. See you."

"I love you."

"I love you too."

Nang makarating ako sa school ay napangiti agad ko nang makita ko na si Kyle sa tapat ng gate. Ang gwapo niya talaga at napaka-porma. Hindi ako nagpapasundo sa bahay namin dahil hindi pa alam nila Mama na may boyfriend na ako. Bawal pa kasi! Saka na daw kapag graduate na ako ng college.

"Goodmorning Babe!" Bati ko nang makalapit na ako sa kanya.

"Goodmorning din Babe." Sabay halik sa pisngi ko.

Ramdam ko naman yung mga tingin ng mga estudyanteng papasok na rin. Sanay na rin naman ako na sa tuwing magkasama kami'y talagang napapatingin sa kanya ang mga babae at binabae. Yung iba nga'y napapatitig pa. Sorry kayo! He's mine.

Maya-maya ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman. Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Tanong niya.

"Hindi naman. Bakit?"

"Wala lang. Tara na." Sabay hawak niya sa aking kamay.

"Sige." Napaisip tuloy ako.

~~~

"I think he likes you to show more skin." Sabi ni Yana. Nasa classroom na kami ng oras na iyon at hinihintay ang aming prof.

Ikinuwento ko kasi sa kanya yung sinabi ni Kyle. Ramdam ko kasi na talagang may ibig siyang sabihin doon.

"Nakita mo na ba yung ex ni Kyle?" Tanong ni Andrea na katabi ko. Napatingin naman ako sa kanya. Kilala niya si Kyle kasi dancer ito ng school namin. At kagrupo ni Kyle yung crush niya.

"Hindi pa." Actually, hindi naman namin napag-uusapan ni Kyle ang tungkol sa ex niya. I mean, kailangan ba? Hindi ko rin alam ang dahilan ng break up na. Hindi ko rin alam kung kailan ba sila nagbreak. Kay Andrea ko lang nga nalamang two years ang itinagal ng relasyon nila Kyle at ng ex niya.

"Laging kita ang cleavage nun at laging nakashort shorts!" Sabi pa ni Andrea. "Baka nanibago lang kasi nagkaroon siya ng girlfriend na conservative. Hehe!"

"Anong pangalan ng ex niya?" Tanong naman ni Yana.

"Ivy. Gusto niyong makita?"

"Sige nga. Patingin." Sabi ni Yana.

Inilabas ni Andrea yung cellphone niya. Maya-maya'y may pinakita siya sa aming picture mula sa facebook. Whole body picture ng isang matangakad at maputing babae. Naka-tack in ang off shoulder nito sa short shorts na suot nito. Ang sexy niya nga, para siyang model.

"Oh eto, close up picture!" Sabi pa ni Andrea. Maamo ang mukha nito, mukhang anghel at talaga namang napakaganda.

"Ang ganda niya nga." Sabi ko. Hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa kanya.

"Oo nga. Pwedeng model." Sabi naman ni Yana.

"Freelance model talaga siya." Sabi ni Andrea.

"Alam mo ba kung bakit sila nagbreak?" Echoserang tanong pa ni Yana.

"Di ko alam eh. Basta ang alam ko, si Ivy ang nakipagbreak."

Hindi na ako muling umimik pa. Nakakainis lang malaman ang mga bagay na ito sa ibang tao, sana kay Kyle ko na lang nalaman. Big deal sa akin eh. Saka nababahala ako na yung babae pa ang nakipagbreak kay Kyle. Paano kung mahal pa ni Kyle yung babae? Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako.

Araw ng linggo, nagkita kami ni Kyle. Syempre, secret lang. Sabi ko kay Mama, si Yana ang kasama ko. Nagpunta kami ng Mall. Nanood kami ng sine at binilhan niya ako ng mga bagong damit. Puro short shorts at sleeveless ang pinili niya para sa akin. Hindi naman ako makatanggi. Hindi ko masabing, hindi ako sanay magsuot ng ganun. Yung mga dress na binili niya ay kaya kong suotin pero yung short shorts? No way! Hindi naman sa pagmamayabang pero flawless naman ako, hindi nga lang ako maputi.

Pagkatapos naming kumain sa isang mamahaling restaurant ay umuwi na rin kami. Sabi pa nga niya, sa susunod daw naming date ay isuot ko iyon. Bakit ba gustong-gusto niya akong pagsuotin ng ganun? Gusto niya bang maging gaya ako ng ex niya?

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon