Love 34

351 2 0
                                    

Ilang buwan na naman ang lumipas bago ako nakapag-update. Hehehe. Pasensya na. Ang saya naman! :) 10,000 plus reads na 'to. :"> Salamat talaga sa lahat ng mga nagbabasa. Mwamwah! I love you all. 

I-congrats niyo naman ako dahil ako'y ga-graduate na sa college! Yehey! :)

Dedicate to her 'cause I'm loving Daniel too. :D

Here's my update! Enjoy guys!~ 

~~~

LOVE 34♡

MIKAYLA'S POV:

"Yana, tama na!" sigaw ni Anica na tila naiiyak na. 

Hindi ko talaga inaasahan na si Yana ang magsisimula ng sabunutan. Usually naman kasi, hindi niya pinapatulan ang mga ganung tao. Palaban naman siya pero sa salita at hindi sa paraang pisikalan. Yung tipong kapag inaway siya o kaming mga kaibigan niya ay nakikipagsagutan siya pero hindi umaabot sa puntong sasabunutan niya ito. Kadalasan yung mga nang-aaway ang nananakit agad. Pag si Yana kasi ang nagsalita, tatamaan ka talaga dahil totoo. Pero anong nangyari ngayon? Naubusan agad siya ng pasensya. 

"Princess, tumigil ka na please!" sabi ni Prince habang inaawat ito. 

Pinaglalayo nila yung dalawa pero ayaw pa ring bitawan ng mga ito ang buhok ng isa't-isa. 

Sina Prince, Anica at Josh ang umaawat kay Yana habang sina Austin at Philip naman ang tumutulong kay Rex sa pag-awat dun sa girlfriend(?) niya. 

Di na ako nakiawat, weak ako pagdating sa mga ganyang bagay. Baka mabalian pa ako ng buto. Charowt! Hehe. 

Dumami na ang mga estudyanteng nakikiususyo. Pag may nagsumbong, alam na kung saan dadalhin sina Yana. For the first time, kung sakali, madadala siya sa detention na alam kong ayaw na ayaw niyang mangyari. 

Nagulat ako nang biglang hablutin nung babae ang buhok ni Anica at sinabunutan rin ito. Bale, pareho na niyang hawak ang mga buhok nina Yana. Ang tangkad naman kasi ng babaeng 'to at ang lakas ah. 

"Tama na Cheska!!" sigaw ni Josh sabay mahigpit na hinawakan ang braso nung babae at pilit inalis ang kamay nito sa buhok ni Anica. 

Mukhang galit na siya. Ikaw ba naman, makita mong sinasaktan yung taong pinakamamahal mo.. Nakuuu! 

"Ches! Tama na yan! Halika na!" sigaw naman ni Rex dun sa girlfriend niya.. na Cheska pala ang pangalan. Sino ba siya? Bakit ganun na lang siya kung magsalita kay Anica? So mean. -.- Tas halata namang kaninang sinadya niyang bungguin ito. Psh. 

Kilala ko nga pala si Rex kasi classmate ko siya nung highschool. Close kami niyan, DATI. 

"Bitawan mo ang bestfriend ko!" gigil na gigil na sabi ni Yana na halatang nilalakasan pa ang pagsabunot kay Cheska. Di naman matinag ito. 

"Kailangan na nating kumilos." sabi ni Andrea na katabi ko lang. Ano kayang maitim na binabalak nito? 

May binulong siya kay Jenny, ang partner in crime niya. Tumango naman ito. Umalis sila sa tabi ko at lumapit kina Yana. Si Jenny pumwesto sa kanan at si Andrea naman sa kaliwa. Bigla nilang kinagat ang magkabilang braso ni Cheska. Hindi na ako nagulat sa ginawa nila. Hahaha. Mga baliw yan eh! :D 

"Ahhhhh! F*ck!" sigaw ni Cheska at agad siyang napabitiw sa pagkakasabunot sa dalawa. 

Tumigil na rin si Yana sa pagsabunot rito. Inayos na niya ang buhok niya. Kinamay lang, umayos na. Hehe. 

"Mga walang hiya kayo!" galit na sigaw ni Cheska habang hinihimas ang magkabilang braso. Lumapit naman si Rex sa kanya. 

Si Anica, tuluyan ng umiyak. Iyakin eh, parang ako lang. -.- Mga balat-sibuyas kami. :p Kanina pa nga lang, parang naluluha na siya. Sabihan ba naman siya nung babaeng yun ng mga ganung salita. Tss. So sensitive. 

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon