LOVE 14♡
Tanghali pa lang pinapunta na ako ni Yana sa kanila. Gusto daw niya siya yung mag-ayos sa akin. Pero pinapili niya ako sa mga dress niya, yun na lang daw ang suotin ko. Di ko carry na isuot yung mga dress ni Yana, puro sexy kasi. Mas gusto ko pa yung mga balloon style, parang princess ang dating at cute lang tingnan.
"Ehhh! Sige na Anica! Pili ka na lang sa mga dress ko, para maiba naman oh." pilit ni Yana.
"Sis naman. Di ko talaga carry yang mga dress mo."
"Carry mo yan! 'Kaw pa. Oh kung ayaw mong pumili, ako na lang ang pipili ng susuotin mo." Tiningnan-tingnan niya muna yung mga dress niya. After twenty seconds.. "Ito na lang! Bagay na bagay 'to sayo!" Kinuha ko yung damit at tiningnan.
"Seryoso ka? Ipapasuot mo 'to sa akin?" sabi ko. Isang black na fitted na dress iyon na hanggang kalahati lang yata ng hita ko. Ang masaklap eh, backless yun at pa-V ang cut ng neckline.
"Yeah!"
"Yana naman, ang iksi oh! Backless at makikita pa ang cleavage ko diyan."
"Eh malamang pa-V yan diba?"
"Yun na nga eh. Alam mo namang hindi ako nagsusuot ng ganyan tapos yan pa ipapasuot mo sa akin."
"Don't get me wrong. Hindi ko 'to pinapasuot sayo para makita yang cleavage mo. Haha. Ang sa akin lang, para maiba naman yang itsura mo. Cute to hot. Diba?"
"Cute to hot?" Wews! Ano ba namang pinag-iisip nitong si Yana?!
"Please.. Please.." Nagpuppy eyes pa siya. "Akala ko ba, bestfriends tayo?" Tsk. Di ko talaga matitiis 'to!
"Oh sige! Pero pag di ko nagustuhan, magpapalit ako."
"Okay Sis! Di ka magsisisi!" tuwang-tuwa na sabi niya.
Sinuot ko muna yung dress tapos siya yung nag-make-up sa akin. Eyeshadows, maskara, curlash, blush-on at super red lipstick.
Ikinulot niya yung buhok ko at itinali gamit ang taling may design na pulang bulaklak. Inilagay niya yung buhok ko sa harap.
After twenty minutes..
O__O - Mukha ko nang makita ko yung sarili ko sa salamin. Parang hindi ako eh!
"Ang ganda-ganda mo Sis!!" sabi ni Yana.
"Oo nga." sabi ko. Cute to hot talaga. Hahaha!
"I told you! Hindi ka magsisisi." nakangiti niyang sabi. "Itong black heels ang isuot mo." Iniabot niya sa'kin ang 3 inches na heels. Buti na lang at sanay akong mag-heels. Isinuot ko na iyon.
"Thank you Yana!" Niyakap ko siya.
"You're welcome Sis."
Nag-ayos na din siya at nagbihis. Isang fitted na tube style dress na kulay pula ang isinuot niya. Match na match talaga kami. Red and black. :D Ikinulot niya din ang buhok niya pero inilugay niya lang iyon. Ang ganda-ganda niya.
May kumatok. Pagbukas ko, yaya ni Yana. Si Manang Rose, simula pa pagkabata niya, siya na yung nag-aalaga sa kanya.
"Iha, nandyan na sina Prince."
"Sige po yaya, baba na po kami. Salamat po." sagot ni Yana.
"Sige." Bumaba na siya.
"Tara na Sis!"
"Nahihiya ako Yana. Okay lang ba talaga 'tong suot ko?"
"Okay na okay Sis! Don't be shy, you're beautiful."
"Thank you. Hehe. Pero nahihiya ako kasi kita 'to ohh!" Yumuko pa ako at inginuso yung cleavage ko.
"Ba't ka mahihiya? Eh yung iba nga nagpapalagay pa niyan. Pasalamat ka, nabiyayaan ka! Dali, Baba na tayo!"
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Anica, ang makilala kung sino ang secret admirer niya na nagtatago sa pangalang Mr. Simple. Ngunit ang "dakilang utusan" nito ang nakilala niya. Hindi niya nga akalaing magiging malapit sila sa isa't-isa. Isang simplen...