Love 28

414 5 0
                                    

LOVE 28

KYLE'S POV: 

Sobrang gaan na ng pakiramdam ko ngayon dahil okay na kami ni Anica. Ang bait niya talaga. Magkaibigan na lang kami.. Masakit mang tanggapin hanggang doon na lang talaga kaming dalawa. Pero mas okay na yun! I'd rather be her friend than her nobody. Gaya nga ng sinabi ko sa kanya, hindi na ako umaasang magiging kami pa ulit. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko? Imposible na talaga. Isa pa, alam ko namang may bago ng nagpapasaya sa kanya. Bago nga ba? Noon pa lang 'ata mas napapasaya na siya ng lalaking yun. Sounds like a jealous boyfriend again. Psh. 

Nakita ko ngang kinantahan niya ang lalaking iyon sa harap ng maraming tao. Mukhang nagkakagustuhan na talaga silang dalawa. Damn! Ayoko na ngang isipin yun. Lalo lang akong nasasaktan. NAPAKAG*GO KO NAMAN KASI! I hate myself. Arggh! Ito pala ang tinatawag na magaan ang pakiramdam huh? T_____T 

"Kyle, sabay na tayong umuwi." boses ni Ivy. Hindi ko siya pinansin sa halip dire-diretso lang ako palabas ng classroom namin. Nung gabing naghiwalay kami ni Anica, tinapos ko na din kung anong meron sa aming dalawa pero ayaw niyang pumayag. Well, wala na akong magagawa sa bagay na yun. She's not my girlfriend anymore! Nag-sorry na rin naman ako sa kanya at sinabi kong magkalimutan na lang kami pero heto siya, lapit pa din ng lapit. Hindi niya daw kayang mawala ako sa buhay niya. 

Naramdaman ko na lang na humawak siya sa braso ko. 

"Kyle." tawag niya ulit. Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Nakangiti siya pero pansin ang lungkot sa mga mata niya. Napatitig ako sa kanya. Wala siyang make-up ngayon at nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Lumabas ang natural niyang ganda. Mas maganda talaga siya kapag walang make-up. 

Lalong lumapad yung pagkakangiti niya. Napansin 'atang nakatitig na ako sa kanya. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko pero muli niya iyong hinawakan. 

"Sabay na tayo Ky--" 

"--Ano ba?! Ba't ba ang kulit mo huh?!" Tila nagulat naman siya dahil sa pagsigaw ko. Napatingin pa nga yung ibang estudyante sa amin na napapadaan doon. 

"Kyle, w-wag ka namang ganyan." tila naluluhang sabi niya. Napaka-sensitive talaga. 

"Sinabi ko na sa'yo, wala na tayo. Wag mo ng ipilit yung gusto mo. Please, stay away from me." mahinahon kong sabi at tinalikuran ko na siya. 

"Yun ba talaga ang gusto mo?!" sigaw niya. Napapiyok pa siya. Humarap ako sa kanya. Umiiyak na siya. Naawa naman ako sa kanya. 

"Oo." matigas kong sabi. 

"Kung yun ang makapagpapasaya sa'yo, sige! Simula ngayon, lalayuan na kita." 

"Salamat." tugon ko naman. 

Pinagtitinginan na naman kami. Tuluyan na akong umalis doon. Nakaramdam naman ako ng guilt. Mabait naman si Ivy at sweet na girlfriend. She's not a cheater like me. He really deserve someone better at hindi ako yun. 

IVY'S POV: 

May mga bagay talaga na hindi natin akalaing magagawa natin dahil sa lintik na pag-ibig na yan! 

Ginawa ko naman ang lahat para mahalin niya ulit ako. Ibinigay ko ang lahat ng gusto niya. Akala ko sapat na yun pero hindi pa pala. Akala ko kapag naghiwalay na sila ng babaeng yun, magiging akin na siya ulit. Akin lang pero wala 'e.. Ako pa din ang talo. Ako pa din ang naiwan sa huli. Mga maling akala. 

"Sinabi ko na sa'yo, wala na tayo. Wag mo ng ipilit yung gusto mo. Please, stay away from me."

He keeps on pushing me away from him and it hurts. It hurts so much. 

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon