Love 20

478 10 3
                                    

Para sa'yo ang Chapter na 'to! Salamat sa maraming vote! :">

~~~

LOVE 20

Pikit. Dilat. Pikit ulit. Dilat. Di ako namamalik-mata! Malayo pa lang kasi ako sa locker ko, natanaw ko ng may nakaipit dun. Hinila ko agad si Yana palapit dun. 

Sulat at bulaklak galing kay Mr. Simple! He's back! 

"Wow! Galing kay Mr. Simple?!" Tanong ni Yana. Tumango naman ako. 

"Yes! Nagparamdam ulit siya sa'yo!" Tuwang-tuwang sabi ni Yana. 

"Ang saya-saya ko!" 

"Naku Sis! Kung magkaka-boyfriend ka ulit, dapat si Mr. Simple na!" 

"Grabe Sis, boyfriend agad? Kaka-break lang oh." 

"Ano ka ba? Hindi ko naman sinabing mag-boyfriend ka kaagad. Ahh, buksan mo na yan! Basahin mo na! Dali!" Mas excited pa siya sa akin. Haha. Binuksan ko na iyon at binasa namin.

Dear Anica, 

Ikaw ba si Magda? Magdamag kasi kitang iniisip.ت 

Matagal man akong hindi nagparamdam sayo, hindi ka naman nawala sa isipan ko. Mas lalo kitang minahal Anica. Mahal na mahal na mahal. 

Alam kong nasasaktan ka ngayon pero wag kang mag-alala lilipas din yan. Nandito lang ako para sayo.

Malapit mo na akong makilala.ت 

Love, 

Mr. Simple 

"Yieeee! Ngiting-ngiti oh! Makikilala na niya si Mr. Simple!" 

"Excited na ako!" 

"Ako din!" 

"Tara na sa classroom." yaya ko sa kanya matapos kong makuha sa locker ko yung libro sa Management. 

BREAKTIME.

Kanina ko pa nararamdamang may nakatingin sa akin. Pagtingin ko sa kabilang lamesa, kinindatan ako nung lalaki. Yung lalaking mataba na sinabi ni Yana dati na baka siya si Mr. Simple. Hindi kaya siya talaga yun? 

"Ann, kanina ko pa napapansing tinitingnan ka nung mataba oh." sabi ni Philip. Tumingin naman sina Yana at Prince dun. Kinawayan pa sila nung lalaki. 

"Sis! Ngayon lang ulit natin siya nakita ah? Baka nga siya si Mr. Simple." sabi ni Yana. 

"Kilala niyo siya?" tanong ni Philip. 

"Hindi, dati kasi pinaghinalaan naming siya si Mr. Simple." 

"Hahaha!" 

"Oh, anong nakakatawa?" 

"Wala. I'm sure hindi siya si Mr. Simple." 

"Paano mo naman nalaman? Di mo nga yun kilala!" sabi ko. 

"Hehehe." Napatingin naman siya sa babaeng dumaan. Kung di ako nagkakamali, yun yung sinasabi niyang crush niya na nakilala niya nung Varsity Party. 

"Hi Jane!" ngiting-ngiti na bati niya. Tumingin naman yung babae na may dalang tray at huminto sa harapan namin.

"Hi!" nakangiti niyang sagot. Bahagya pang namula yung mga pisngi niya. She's pretty. Napaka-amo ng mukha niya.

"Hi Jane! I'm Anica, bestfriend ni Philip." 

"Hi! Nice to meet you." 

"Ako naman si Yana at ito naman si Prince, boyfriend ko." Ngumiti lang si Prince. 

"Hi sa inyo! Pasensya na, hindi ako makapag-shakehands sa inyo dahil sa dala ko." 

"Okay lang yun." sagot namin. 

"Dito ka na lang upo Jane!" sabi ni Philip. 

"Salamat na lang. Hinihintay kasi ako nung mga kaibigan ko dun." 

"Hatid na lang kita dun." Tumayo si Philip at kinuha yung dala ni Jane. 

"Sige, mauna na ako sa inyo." paalam ni Jane. 

"Sige." 

"Naku! In love na naman." sabi ko. 

"Tama ka diyan Sis!" segunda ni Yana. 

"Mukha namang gusto din siya nung babae." sabi ni Prince. 

"Tingin ko din." sabi ko. 

Nung uwian na namin, inaasahan ko na makikita ko ulit si Josh tapos yayakapin niya ulit ako tulad ng ginawa niya kahapon. Hehe. Pero hindi ko siya nakita. Nalungkot nga ako. Nakita ko sina Sandy, itatanong ko sana kaso hindi na lang. Nahihiya din kasi ako. 

Alas-dos ng hapon ako nakauwi sa bahay. Syempre, sinabi ko kay Mama na nagparamdam ulit si Mr. Simple. Tuwang-tuwa nga din siya. 

Inilagay ko yung sulat na bigay ni Mr. Simple sa pink na kahon. Dalawang kahon na nga yung mga sulat na ibinigay niya sa akin. Ang dami na. Tapos yung mga bulaklak na bigay niya, iniipit ko sa clear book at nilagyan ko ng date kung kailangan niya ibinigay. 

Binasa ko ulit yung mga dati niyang sulat. 

07-24-20**

Dear Anica, 

Nakita kita kahapon, sa Acquaintance Party. Ang ganda-ganda mo. Bagay na bagay sayo yung suot mong dress. Gusto kitang lapitan pero hindi ko magawa. May kasayaw kang lalaki, sana ako na lang yung kasayaw mo. Pero okay lang, darating din yung araw na makakasayaw kita.ت 

I love you so much. 

Mr. Simple 

°°° 

Ito naman yung pinaka-unang sulat na ibinigay niya sa akin. 

11-09-20**

Hi Miss Beautiful, 

Para kang bato sa langit. Tinamaan ako ngunit hindi nagalit, sa halip ako ay UMIBIG. 

Simula nang makita kita, hindi ka na nawala sa isip ko. Ano bang meron sayo at nagkakaganito ako? Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ka nakikita. I like you Anica. 

Mr. Simple 

°°°

Nung una, medyo na-corny-han talaga ako sa kanya. Di ko kasi talaga feel yung mga pick-up lines. Hehe. Pero nung lumaon na, natutuwa na ako. Kung siya hindi na-ku-kumpleto yung araw niya pag di ako nakikita, ako naman hindi na-ku-kumpleto ang araw ko pag hindi ako nakakatanggap ng sulat at bulaklak galing sa kanya.

11-10-2009

Dear Anica,

Kung naging trabaho lang ang kakaisip sayo, malamang mayaman na ako sa kaka-overtime ko.

Gusto kitang lapitan. Gusto kong magpakilala sayo pero hindi ko kaya. Kinakabahan kasi ako.

Your smile brightens up my day. I love you. I love you. I love you.

Mr. Simple

°°°

Yun naman yung pangalawang sulat niya sa akin. Natatawa ako kasi, sabi niya nung una gusto niya ako tapos biglang mahal na niya ako. Ang bilis! Hehe. Pero na-realize ko ngayon, wala naman sa kung gaano katagal yan. Ang pagkagusto sa tao, maaari talagang mapunta sa pag-ibig.

Si Mr. Simple at Josh, pareho sila.. Parehong mahilig sa pick-up lines. Pareho nila akong mahal.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon