Love 17

474 9 0
                                    

LOVE 17

ANICA'S POV:

Alas-onse na ng umaga ako nagising. Buti na lang Sabado ngayon. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko. 15 missed calls galing lahat kay Kyle. 17 messages, halos galing din sa kanya. Yung iba galing kina Philip, Josh at Yana. Di ko na kasi natingnan kagabi. Inuna kong binasa yung galing kay Kyle.

|From: Babe'Kyle♥|

|Pmunta ka d2 ngayon. My pag-uusapan tau.|

Ngayong umaga lang yung text niya. Kinabahan naman ako bigla.

Binasa ko pa yung iba niyang text.

|SO, IKW PALA YUNG NKADATE NG MVP! MKHANG NKLIMUTAN MO NA AKO KYA DI MO SINASAGOT MGA TWAG KO! WELL, ENJOY!!!|

Grabe, all caps lock talaga. Galit na galit. Triple send pa yan. Tsk! Binasa ko din yung mga text niya bago yun.

|Sgutin mo nman yung twag ko kung wla kang load.|

|Txtbk babe.|

|Nnd2 na aq babe. Nasan ka?|

Yung oras na nagtext siya, nakaalis na kami nun sa school. Aish! Kainis! Problema na naman ito.

Matapos kong maghilamos at magmumog lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko sina Papa at Philip na naglalaro ng chess.

"Mate." sabi ni Papa.

"Wooah! Panalo ka na naman Tito. Hehe."

"Goodmorning 'Pa! Goodmorning Phil." Niyakap ko pa si Papa. Naupo ako sa upuan sa harap nila.

"Goodmorning Ann." sagot ni Philip.

"Goodmorning 'nak. Kumusta ang party niyo kagabi?"

"Okay naman po, nag-enjoy ako. Hehe."

"Mukha nga. Nag-date daw kayo ni Joshen ah." Nagkakilala sila nung birthday ni Phil at nagkwentuhan pa sila habang inihahanda namin yung surprise.

"Ahh.. Opo. Hehe. Date with the MVP po."

"Magaling pala talagang maglaro ng basketball yang si Joshen. Napaka-talented na bata talaga." Naks! Bilib na bilib si Papa kay Josh ah. "Oh ano may pag-asa ba siya sayo?" sabi pa ni Papa.

"Hindi niya naman po ako nililigawan. Hehe."

"Aba'y malay ko ba kung nagtapat na siya sayo? Alam mo kasi, napansin ko yung kakaiba niyang tingin sayo. Pakiramdam ko may gusto siya sayo." Opo Papa, nagtapat na nga po siya pero may boyfriend na po ako at mahal ko siya.

Di ko alam kung anong isasagot ko kaya ngumiti na lang ako.

"Naku 'Pa, napaka-sweet na bata ni Josh. Inihatid pa si Anica kagabi." sabi ni Mama na kakalabas lang mula sa kusina. Naka-apron pa siya.

"Kaya nga gusto ko ang batang yun eh. Napakasipag pa, pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para makatulong sa magulang niya. Bilib talaga ako sa kanya." Infairness huh, ang dami niya agad alam tungkol sa kanya.

"Nagkape nga kami nung mga co-employees ko nung nakaraan sa pinagtatrabahuhan niya, aba'y binigyan pa kami ng discount." sabi pa ni Papa. Binibida talaga si Josh. Haha.

"Mabait po talaga yun si Josh." sabi ni Philip.

"Sinabi mo pa. Kung magkaka-boyfriend si Anica, gusto ko yung tulad ni Josh." Wow naman. Botong-boto talaga!

"Ako 'Pa, si Josh ang gusto kong maging boyfriend niya." sabi naman ni Mama. Ano bang ipinakain ni Josh sa mga magulang ko at nakuha niya agad ang loob ng mga ito?! Eh isang beses lang namang pumunta si Josh sa amin.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon