Love 5

646 13 4
                                    

LOVE 5

“Hindi na talaga nagparamdam si Mr. Simple sa'yo?” Tanong ni Yana.

Alas onse pa lang ay nandito na kami sa cafeteria. Ang aga kasi kaming pinalabas ni Ma'am. May oras talagang ganun siya, pag minsan naman overtime.

Hinihintay namin sina Philip at Prince. Sila na kasi ang nag-order ng pagkain namin. Naitext ko na rin si Kyle na nandito na ako at sabi niya, mauna na lang daw akong maglunch. Pumayag naman ako. Nagugutom na rin kasi ako. Hindi kasi ako nakapag-almusal dahil late na ako nagising.

Hindi na talaga. Mula nang maging kami ni Kyle." Sagot niya.

“Malamang nalaman nun na may boyfriend ka na. Secret admirer mo siya kaya inaalam niya ang mga nangyayari sa'yo. Malay mo, nakatingin siya sa'yo ngayong oras na ito."

We roamed our eyes around the cafeteria.

“Ayun oh, nakatingin sa'yo. Baka siya si Mr. Simple.” Inginuso pa ito ni Yana.

Isang maitim at napakatabang lalaki ang nakita ko. Hindi din matalunan ng pusa ang pagkaing nasa harapan nito. Nakatingin nga ito sa amin. Ngumiti pa ito nang mapansing nakatingin kami ni Yana sa kanya. Kumaway pa siya sa amin sabay kindat. Napatigil ako sa pagnguya ng spaghetti, nagkatinginan pa kami ni Yana.

“Ngumiti sa atin. Baka nga siya si Mr. Simple. OMG!” Sabi ni Yana.

“Praning ka talaga! Hindi naman siguro.” Natatawa kong sabi.

“Eh, paano kung siya nga talaga? Haha!”

“Kahit siya naman yun, wala na rin namang chance dahil may mahal na akong iba.” Ngiting-ngiti kong sabi.

"Eh paano kung malaman mong si Lee Min Ho pala si Mr. Simple, wala pa rin bang chance?"

"Uhm. Pag-isipan ko!" Sabay nagtawanan kaming dalawa.

"Baliw ka talaga! Biglang nagdalawang isip eh. Hahaha."

"Haler! Lee Min Ho yun eh! Haha."

"Napansin mo ba yung tingin sa'yo ni Austin mula nang maging kayo ni Kyle?"

"Pansin ko nga pero wala naman na akong pake." Classmate kasi namin si Austin kaya nga nahirapan talaga ako nun. Nahirapan akong kalimutan siya lalo na't lagi ko siyang nakikita. Ang hirap magmove on lalo na kung hindi naman naging kayo at nagkaroon lang kayo ng malanding ugnayan.

"Mukhang nagseselos eh."

"Akala siguro niya, forever na akong magpapakabaliw sa kanya. In his dreams!"

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon