Love 12

529 10 2
                                    

LOVE 12

Thank You Jelay dahil sa'yo nalaman ko 'tong wattpad. Love you.♥

~~~

ANICA'S POV:

Mag-iisang oras ko na namang hinihintay si Kyle. Sabi niya kasi babawi siya sa akin kaya mag-de-date daw kami. May meeting pa daw kasi sila pero saglit lang naman daw. Maya-maya'y pinuntahan ko na siya sa classroom niya pero ibang estudyante na ang nandoon. Nasalubong ko si Diana, classmate niya.

"Hi Diana!" Bati ko.

"Hello!" Nakangiti niyang sabi.

"Nakita mo ba si Kyle? Kanina ko pa kasi siya hinihintay. Eh sabi niya, may meeting daw kayo."

"Huh? Eh hindi nga siya um-attend sa meeting namin. Naiinis na nga yung leader namin, lagi kasi siyang wala. Saka kanina pa siya umalis. Kasama niya sina Ivy."

"Huh?! Saan daw pupunta?"

"Sa pagkakaalam ko mag-iinuman sila, birthday kasi ni Jude." Mag-iinuman? Kasama si Ivy.. Mukhang okay na talaga sila ah.

"Ahh.. Sige, salamat huh."

"Walang anuman. Uwi na ako. Bye!"

"Bye din." Sabi ko. 'Eto na naman siya.. Nalimutan na namang may date kami. Sana naman nagpaalam siya sa akin para hindi na ako naghintay.

Dumiretso ako sa gym. May practice sina Philip ngayon. Iniwan ko pa namang mag-isang nanonood doon si Yana.

YANA'S POV:

Nakita ko si Anica palapit sa'kin. Akala ko may lakad sila ni Kyle? Iniwan niya pa nga akong mag-isa dito pero naiintindihan ko naman siya. Nang makalapit na siya sa'kin, nakita ko agad yung lungkot sa mga mata niya. Mukhang may nangyari na namang hindi maganda.

"Oh, akala ko may date kayo ni Kyle?" sabi ko agad sa kanya nang makaupo na siya sa tabi ko.

"Hindi natuloy eh. Sabi nung classmate niya, may inuman daw kasama si Ivy. Birthday daw nung kaibigan ni Kyle eh." Napapiyok pa siya. Alam kong pinipigilan lang niyang umiyak.

"So you mean, hindi man lang siya nagpaalam sa'yo?" Tumango lang siya.

"Grabe naman siya! Ilang oras ka na naman ba niyang pinaghintay?!" Hindi siya sumagot. Kinakagat niya yung labi niya.

"Alam mo Sis, sobra na siya! Lagi ka na lang niyang ginaganyan. Saka yang Ivy na yan, madalas niyang kasama huh?! Hindi kaya nagkabalikan na sila?!"

"H-Hindi naman siguro. K-Kung nagkabalikan na sila, bakit hindi siya nakipagbreak sa akin?"

"Eh malamang tinu-two time ka!" Ang advance ng isip ko infairness! Pero may posibilidad na ganun nga eh. Bakit naman siya manlalamig kay Anica kung wala siyang nilalanding iba? Humanda yang Kyle na yan. Babantayan ko na ang mga kilos niya.

ANICA'S POV:

"Eh malamang tinu-two time ka!" sabi ni Yana. Isipin ko pa lang na hindi lang ako ang girlfriend niya, sobrang sakit na.

"Huwag kang mag-alala Sis! I'll find a way para malaman kung may kalokohan nga bang ginagawa yang Kyle na yan at pag nalaman kong meron nga, humanda siya."

Patuloy pa din ako sa pagkagat sa labi ko. Mukhang nagdudugo na nga, kakakagat ko.

Pumito yung coach nila Philip. "Five minutes break!" sigaw niya. Pagkatapos nun lumapit na sila sa amin.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon