Love 19

444 9 1
                                    

LOVE 19

ANICA'S POV: 

"Anica, gising na." narinig kong sabi ni Yana habang niyuyugyog pa ako. Nagising naman agad ako, hindi naman kasi ako mahirap gisingin. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko. Hindi din kasi agad ako nakatulog kagabi kakaisip sa mga nangyari. 

"Goodmorning Sis! Bangon na! Kain na tayo." sabi ni Yana. 

"'Morning. Susunod na lang ako Sis." sagot ko. 

"Oh sige." Lumabas na siya ng kwarto. 

In-on ko yung cellphone ko. In-off ko kasi kagabi dahil siguradong tatadtarin ako ng text at tawag ni Kyle. Pagbukas ko, may 50 plus akong message. Sabi na nga ba. Hindi ko na binasa, binura ko lahat. 

Binuksan ko yung Saved items. May folder dun na puro text ni Kyle ang laman. 

|Magiging orasan ako para sayo, laging pakanan at kailanman ay HINDI mangangaliwa. ^_^ Promise. I love you Babe. Muah!| 

|Goodmorning Babe. Maganda ka pa sa umaga. I love you so much!| 

|Hindi kita ipagpapalit, promise. I love you!| 

|I love you Anica. You're the most beautiful thing that happened in my life. :*| 

|Ikaw lang at ako habambuhay. That's a promise.| 

|Ikaw lang ang maganda sa paningin ko Babe. Kahit maghubad pa yang mga babaeng yan sa harap ko, di ko sila papatulan. Hehe. Promise!| 

Totoo nga. Promises are really made to be broken. Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa ng mga text niya dito. M-in-ark all ko at saka i-di-nelete. 

Bumangon na ako at naghilamos pagtapos ay bumaba na. Nakahanda na ang pagkain. Sina Tita at Tito kanina pa daw umalis. 

Pagtapos naming magbreakfast, naligo naman kami. Si Yana, dun naligo sa banyo sa kwarto niya at ako naman dun sa pinaka-banyo nila. 

Pinahiram niya muna ako ng uniform, tatlong pares naman kasi yung sa kanya. Nag-make-up ako nang araw na iyon dahil pakiramdam ko ang pangit ko dahil nga sa namamaga ang mata ko at may eyebags pa. Mukha akong zombie. Pi-no-nytail ko naman ang buhok ko at iniipit ko din yung clip na bigay ni Josh. Actually, simula nang ibigay niya yun lagi ko ng ginagamit. Ang ganda naman kasi. 

Sabay naming pumasok sina Prince at Philip. 

Nung nasa harapan na kami ng gate, naalala ko siya. Parang kailan lang, hinihintay niya ako dun at ihahatid sa classroom. Haayy.. 

Naglalakad na kami papunta sa building namin nang lapitan ako ni Kyle. Panira ng araw! 

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Pagkatingin ko sa kanya, naawa ako. Tulad ko namamaga din yung mga mata niya at mukha din siyang walang tulog. May pasa siya dahil sa mga suntok nina Philip kahapon. Bakit ba ako naaawa sa kanya?! Niloko nga niya ako eh. Psssh. Tama lang yan sa kanya! Manloloko! 

"Diba sabi ko wag ka ng magpapakita sa'min?!" sabi ni Philip na humarang pa sa harapan ko. 

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Tinulak niya si Philip paalis sa harapan ko. 

"Mag-usap tayo Anica.. Please.." pagmamakaawa niya. Hinawakan niya pa ako sa kamay pero inialis ko ang kamay niya sa kamay ko. 

"Tara na Anica." sabi ni Yana pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. 

"Layuan mo na si Ann! Kung ayaw mong masaktan ulit!" sigaw pa ni Philip kay Kyle. 

"Hindi ako natatakot sayo!" 

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon