LOVE 3♡
"Uy! Wait!" Tawag ko kay Mr. Moreno. Hinawakan ko pa siya sa braso. Palabas na siya ng gate. Buti na lang nakita ko siya.
"Oh, bakit?" Mas gwapo pala siya kapag naka-civilian. Kinuha ko sa bagpack ko 'yung sulat at iniabot sa kanya.
"Pakibigay naman kay Mr. Simple."
Kinuha naman niya iyon. Napangiti pa nga siya ng todo eh. Tuwang-tuwa huh?
"Oh sige. Salamat huh."
"Bakit ka naman nagpapasalamat? Hindi naman para sa'yo yan eh."
"Suplada ka din pala huh." Nag-smirk siya.
Cute! I'm starting to have a crush on this guy! Hahaha.
"Sa'yo lang! Kasi ayaw mo akong ipakilala kay Mr. Simple at ayaw mong sabihin ang tunay niyang pangalan."
Ngumiti lang siya.
"Uwi na ako. Bye!" Wala akong kasabay ngayon kasi nauna ng umalis si Yana. Nag-date sila ng boyfriend niyang si Prince.
"Saan ka ba dadaan?" Tanong niya.
"Pa-Sucat ako."
"Doon din ang daan ko. Sabay na tayo?"
Nag-isip muna ako bago sumagot.
"Oh sige." Dakilang utusan naman siya ni Mr. Simple eh. Hehe. At mukha naman siyang harmless. Pipilitin kong alamin ang tunay na pangalan ni Mr. Simple.
Nang nasa jeep kami, talagang kinulit ko siya. Haha. Inilibre pa nga niya ako ng pamasahe. Nakatipid pa ako. Hehe.
Pansin ko lang na yung mga babae ay napapatingin sa kanya. Hindi na ako nagtaka dahil sa totoo lang, ang lakas ng charisma niya. Kahit ata magsuot 'to ng sira-sirang damit, gwapo pa ring tingnan eh.
Sa huli, ay wala rin akong napala. Ayaw niya, talagang sabihin eh. Pati nga pangalan niya, hindi niya sinabi.
MR. SIMPLE'S POV:
Hi Mr. Simple,
Ang happiness hindi nagsisimula sa letter H, nagsisimula ito sa U. Hehe. Napapasaya mo talaga ako. Maraming-maraming salamat sa lahat ng bulaklak, sulat at effort. Alam mo, gustong-gusto na talaga kitang makilala eh. Inabangan nga kita kahapon sa locker room kaso 'yung 'dakilang utusan' mo 'yung naglagay ng sulat at bulaklak. Hehe. Sayang! Ano bang tunay mong pangalan? Di mo pa kasi sinasabi. Ayaw rin namang sabihin ng dakilang utusan mo. Haha. Pasensya na kung ganun ang tawag ko sa kanya kasi ayaw din niyang sabihin ang pangalan niya. Sana sa pasukan, makilala na kita!ت
Hanggang dito na lang! At sana maging masaya ang bakasyon mo. Ingat lagi.ت
Anica♡
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa natanggap kong sulat galing kay Anica. Gustong-gusto ko na din talagang magpakilala sa kanya, ang kaso inuunahan talaga ako ng takot. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Yes, I'm afraid of rejections. Ang torpe ko kasi talaga! Kaya nga never pa akong nagkaroon ng girlfriend. Kapag may nagugustuhan ako, idinadaan ko sa sulat lahat ng nararamdaman ko.
Dati, nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipagkita doon sa nililigawan ko sa sulat kaso nung makita niya ako, ewan ko ba, hindi niya ata ako type. Hahaha. Sabi niya, tumigil na raw ako kakasulat sa kanya. Tama na daw. Kaya mula noon, lalo akong na-torpe. Nawalan lalo ako ng kompiyansa sa sarili ko. Hanggang sa lumipas ang ilang taon at nakilala ko naman si Anica. Unang kita ko pa lang sa kanya, gusto ko na siya. May Can't-get-you-out-off-my-head thing. 24/7 siyang tumatakbo sa isipan ko. Pagod na siguro siya. Haha.
She's different. Siya yung tipong lalong gumaganda habang tumatagal. Simple, mahinhin at palangiti. Promise ko sa sarili ko, magpapakilala na ako sa birthday niya. At kung hindi niya ako magustuhan, eh move forward.
BSBA ang course ko. Isa akong working student. Sa isang coffee shop ako nag-ta-trabaho. Ako mismo ang nagdesisyon na magtrabaho para naman makatulong ako sa gastusin sa bahay. Ayaw nga sana ni Mama eh pero talagang desidido ako. Parehas na kasi kaming nasa college ng nag-iisa kong kapatid.
_____________________________________________________________________________
A/N: Hulaan niyo kung sino si Mr. Simple! 😁 Don't forget to vote! 😊
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Anica, ang makilala kung sino ang secret admirer niya na nagtatago sa pangalang Mr. Simple. Ngunit ang "dakilang utusan" nito ang nakilala niya. Hindi niya nga akalaing magiging malapit sila sa isa't-isa. Isang simplen...