Love 4

680 12 4
                                    

LOVE 4

ANICA'S POV:

Napatikwas ang kilay ko nang makita kong palapit si Kyle sa akin. Ayan na naman siya. Nakilala ko sya nung Acquaintance Party namin. Nung sayawan na, nilapitan niya ako tapos niyayang sumayaw. Syempre pumayag na ako, nakakahiya namang tumanggi. Ang gwapo pa naman. Habang nagsasayaw kami, kung anu-anong tinanong niya. Computer Science ang course niya. Nagulat ako nung sinabi niyang gusto niya ako. Hindi nga ako nakasagot eh. Kinuha niya yung cellphone number ko kaso di ko binigay. Mukhang playboy eh.

Nang sumunod na araw nakatanggap ako ng tawag sa isang unknown number. Sinagot ko naman. "I like you." Yan agad ang sagot nang nasa kabilang linya. Tinanong ko kung sino siya at sinabi niyang si Kyle siya. Ang kulit niya sobra! Text ng text, at tawag ng tawag. Di ko nga alam kung kanino niya nakuha ang cellphone number ko.

Gwapo siya, matangkad at maputi. Isa din siya sa mga dancer ng school namin. Ayokong maniwalang nagustuhan niya ako. Isa na naman 'tong "trip."

Binilisan ko na ang paglalakad ko papasok sa building namin pero maya-maya ay naramdaman ko na lang ang kamay niya sa braso ko.

"Wait Anica!" Tawag niya.

"Bakit ba?!" Paglingon ko bumungad sa akin ang isang bungkos ng pulang rosas.

"Flowers for you." Nakangiti niyang sabi.

"Para saan yan?" Nakakunot noo kong tanong.

"I love you that's why I'm giving you this. Sa ayaw mo't sa gusto mo, liligawan kita." Ewan.. Bigla akong kinilig sa sinabi niya.

Halos pagtinginan na kami ng mga estudyanteng napapadaan doon.

"Wow! Ang sweet naman!" Narinig kong sabi nung isang babae.

"Tanggapin mo na 'tong flowers oh. Please?" Kinuha ko naman iyon. Nakakahiya naman kasing tanggihan.

"S-Salamat."

"You're welcome! So, pwede na ba kitang i-date?"

"Pag-iisipan ko. Mauna na ako sayo, ma-le-late na ako."

"Sige. See you later." ngiting-ngiti na sabi niya.

Mabilis akong naglakad papuntang classroom.

***

"Naks! Kanino galing yan?" Tanong agad ni Yana sa akin pagdating ko sa classroom.

"Dun sa makulit na si Kyle!" Naupo ako sa tabi niya.

"Ang sweet naman niya!"

"Be wise. Gamitin ang isip, huwag laging puso." Sabi ni Philip, ang bestfriend kong lalaki. Kababata ko siya at magkapitbahay rin kaming dalawa.

"At dapat kilalanin mong mabuti bago mo sagutin." Sabi naman ni Prince. Closefriend ko din siya at ito ang boyfriend ni Yana. Two years na silang magkasintahan.

"Oo na po!"

"Just go with the flow Sis!" Sabi pa ni Yana.

"Only dead fish go with the flow!" Sabi ni Philip. Inirapan naman siya ni Yana.

Matiyaga akong sinuyo ni Kyle. Halos lagi na nga kaming magkasama at may mga bagay siyang ginagawa na talaga namang nakakapagpakilig sa akin. Isa siyang napaka-sweet na tao.

Bumigay na din ako. I found myself falling in love him. Alam ko namang kailangan ko ding bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na sumaya. Hindi na ako nagdalawang isip na sagutin siya. Siya ang first boyfriend ko.

Simula nang maging kami, hindi na nagparamdam si Mr. Simple. Hindi ko alam pero nalulungkot ako. Nag-promise pa naman siya na magpapakilala siya sa akin sa birthday ko. Tutupadin pa kaya niya yun? Sana. Kasi gusto ko pa din siyang makilala. Para naman di na ako laging nag-i-imagine kung anong itsura niya. Eh, sa tuwing ini-imagine ko ang mukha niya, mukha ni Mr. Moreno ang nakikita ko.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon