Love 32

316 5 0
                                    

LOVE 32

ANICA'S POV: 

"Anica!" 

Napalingon ako sa tumawag sa napakaganda kong pangalan. Si Patrick pala. Nginitian ko siya. 

"Oh, bakit Pat?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. 

"Sabay na tayong mag-lunch." 

"Sige, sabay ka na sa'min. Tamang-tama, papunta na ako sa cafeteria. Tara!" 

"Hindi, sa labas tayo kakain. Tayong dalawa lang." Nginitian niya ako sabay hawak sa kamay ko. Hinigit agad niya ako palabas ng campus namin. Aba.. Aba.. Hindi pa nga ako pumapayag! 

"U-Uyy.. Teka lang Pat! Hinihintay ako nila Yana." Pinauna ko na kasi sila sa cafeteria para may upuan na agad kami. Dumaan pa kasi ako sa comfort room, nagbawas lang naman ako ng sama ng loob. Hihihi. 

Kasabay namin sina Andrea ngayong kumain. Ngayon nga lang sila ulit sumabay sa amin. Mas madalas kasi na sa labas sila kumakain, sa Jollibee. 

Huminto si Patrick sa paglalakad at tumingin sa akin. 

"May load ka?" tanong niya sa akin. 

"Oo. Bakit? Makiki-text ka?" 

"Hindi. I-text mo na lang si Yana na sa'kin ka na sumabay kumain. Okay? Let's go!" Hinila na ulit niya ako. Nagtatanong kung okay tapos hindi hihintayin ang sagot ko. (-_____-)" 

Huminto ulit siya sa paglalakad at humarap sa akin. 

"At saka nga pala, simula ngayong araw, sa akin ka na sasabay kumain kapag break time natin. Bawal tumanggi." sabay kindat. EH?! IH. OH. UH. 

___ 

Paparapapa.. Love ko 'to! :"> Gusto ko ng sundae, fries, chicken fillet, at Mcfloat! 

Dito ako dinala ni Patrick sa paborito kong foodchain restaurant. Sa Mcdo. Ang bangooo! Gutom na ako! (^oo^) 

Naghanap muna kami ng mauupuan bago um-order. Doon kami pumwesto sa tabi ng glass wall. 

"Babes, pakihawak muna 'tong bag ko, o-order lang ako." Inabot niya sa akin 'yung bag niya. 

Napakunot-noo ako. Tinawag na naman niya akong Babes. 

"Babes ka diyan!" sabi ko sabay kuha ko ng bag niya. Inilagay ko iyon sa upuan sa tabi ko. Nginitian niya lang ako. Pumunta na siya sa counter. Nyee! Di man lang tinanong kung anong gusto kong kainin. (- 3 -) 

Ayyy! I-te-text ko nga pala si Yana. Kinuha ko 'yung cellphone ko sa bag. May message na pala ako galing sa kanya at kay Andrea. 

|From: Sis'Yana.ü| 

|Sis! Nilamon ka na ba ng inodoro o 'yung inodoro ang nilamon mo. :D Ang tagal mooo. Gutom na kami. Maghugas kang mabuti huh! Haha.| 

|From: Andreaaa| 

|Bilisan mo na Nica! Gaano ba karami 'yang tinatae mo? Bwahaha! Wait ka namin ah! Naka-order na kami.| 

Kadiri 'tong mga babaeng 'to. Hindi ba sila nandidiri sa mga sinabi nila to think na may pagkain na sa harapan nila? Malamang hindi. (-_____-) Parang nawala ang gutom ko eh. 

Ni-reply-an ko si Yana. 

|To: Sis'Yana.ü| 

|Pcncia na Sis, ngaun q lng nbasa txt mo. Hindi na ako sa2bay sa inyong kumain. D2 aq sa Mcdo, ksama q c Pat. Pakisabi nlang sa kanila. Thanks! :)| 

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon