"You're like the lyrics to my favorite song, hard to forget and always on my mind."
_____________________________________________________________________________
(Continuation)
LOVE 37♡
JOSHEN'S POV:
"Harlyn!" biglang sigaw ni Sandy. Napatingin naman ako doon.
Ngumiti si Harlyn sa amin. Ang ganda niya talaga kaya nga na-crush-an ko siya eh. Nakilala ko siya nung binentahan niya kami ng cookies nung nakaraang araw. HRM ang course niya. Simula nun, lagi na nila akong tinutukso sa kanya. Sabi nga nila Rex, ligawan ko na raw. Ayoko naman kasi crush ko lang siya. Hindi naman ako tulad ng ibang lalaki na porket crush nila, liligawan na agad nila. Gusto ko kasi kung manliligaw man ako, dun sa taong mahal ko talaga.
"Hi daw sabi ni Josh!" sigaw pa ni Sandy. Bahagya ko naman siyang siniko.
Kumaway naman si Harlyn, kumaway rin ako sa kanya. Medyo malayo kasi siya sa amin. Maya-maya'y lumiko na siya patungo sa isang pasilyo.
"Chicboy! May Harlyn na, may Anica pa." sabi ni Sandy.
"Crush ko lang naman si Harlyn eh."
"Eh si Anica?" tanong niya.
Napangiti ako. Just hearing her beautiful name makes me smile.
"Asus! Asus! What's with that smile huh? Kaw huh. Ayieee!"
Nginitian ko lang siya't inakbayan.
"Bilisan na natin. Baka ma-late na tayo."
"Ayieee! Tinamaan na siya ni kupido. Hahaha. Love at first sight ba dre?" sabi niya sabay tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.
"Wag nga Sandy!" natatawang sabi ko sabay layo ko sa kanya.
"Asus! Si Josh! Binata na! Bilog na ang utot. Hahaha." asar pa niya. Tumakbo na 'ko papunta sa classroom. Mangingiliti na naman yan eh. Ang kulit talaga. Hahaha! At di ko alam na may hugis pala ang utot at kung anong koneksyon nito sa pagbibinata. XD
Iba talaga ang tama ko kay Anica. Simula nang makita ko siya, hindi na siya nawala sa isip ko. Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito. Pag-ibig na kaya?
Parang di mabubuo ang araw ko nang di ko siya nakikita. Ahh.. Hindi. Hindi lang parang, dahil di talaga mabubuo ang araw ko nang di ko siya nakikita.
° ° °
SOPHOMORE YEAR.
Excited na excited akong pumasok. Paano, makikita ko na si crush! Buong summer, siya pa din ang nasa isip ko e.
"Tsk. Di ko nakita si crush." Yun lang! Tss. =.=
"Asus! Asus! Loyal na loyal ka na talaga sa crush mo Josh ah. Ibang level na yan dre!" sagot ni Sandy.
"Tinamaan na talaga ni Kupido. Haha." sabi naman ni Dan.
"Korak! Hahaha! Alam mo sabi nila, pag lumampas na raw sa limang buwan yung pagka-crush mo sa isang tao, di na yun crush. It's love! L-O-V-E. Loveeee!" - Sandy.
Love~
"Alam niyo, gustong-gusto ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kaso... Paano ba? Nahihiya ako eh." sabi ko sabay kamot sa ulo.
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Anica, ang makilala kung sino ang secret admirer niya na nagtatago sa pangalang Mr. Simple. Ngunit ang "dakilang utusan" nito ang nakilala niya. Hindi niya nga akalaing magiging malapit sila sa isa't-isa. Isang simplen...