Love 8

586 12 4
                                    

Thank you Chocoyey at nagustuhan mo ang story ko. Here's my update. Enjoy! :) Vote please.♥ 

~~~

LOVE 8

“Salamat sa ice cream Phil!” Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa classroom. Lumabas pa kami ng school para pumunta sa pinakamalapit na Dairy Queen. Nagcrave kasi ako. Ganito ako pag meron, dumarami ang cravings ko.

“You're welcome!”

The best talaga ang ice cream na ito, ang sarap.

“Uy Brod!” Narinig kong sabi ni Philip.

Pagtingin ko sa harap ay nakita ko si Mr. Moreno. Naalala ko tuloy si Mr. Simple. Na-miss ko yung pagpapadala niya ng bulaklak at sulat. Teka? Bakit ko ba siya iniisip? May boyfriend na kaya ako. Teka ulit! Magkakilala si Philip at Mr. Moreno?

“Oh, Brod.” Nag-manly greeting sila.

“Nga pala, Josh si Anica Fornales. Anica si Joshen Moreno.”

Wow. Moreno ang apelyido niya?! Tama lang pala na tinawag ko siyang Mr. Moreno. Hehe. Nakakatuwa. Nag-re-reflect yung apelyido niya sa kulay ng balat niya. So cute!

“Hi Anica!” Nakangiti niyang sabi. Ang cute niya talagang ngumiti.

“Hi! Long time no see! Magkakilala pala kayo ni Philip?”

“Magkakilala na pala kayo?” Tanong ni Philip.

“Oo. Remember, yung kinukwento ko sa inyo na nag-abot ng bulaklak at sulat nung Valentines day na galing kay Mr. Simple? Siya yun.”

“Akalain mo nga naman. Ikaw pala yun Brod. Sino ba yung Mr. Simple na yun?”

“Sekretong malupit Brod.” Nakangiti pa din niyang sabi.

“Hanggang ngayon ba naman? Secret pa din?” Napanguso ako.

“Oo naman.”

“Kumusta na siya?”

“Ayun, broken hearted. Hindi makakain, hindi makatulog. May boyfriend ka na daw kasi. Haha.”

"Teka, tutuparin ba niya yung promise niya na magpapakilala siya sa birthday ko?”

“Gusto mo pa rin siyang makilala?”

“Oo naman.”

“Bakit?”

“Gusto ko lang.”

“Malabo ng magpakilala siya sa'yo. Baka mainlove ka pa sa kanya at iwan mo yung boyfriend mo. Hahaha!” Tumingin na siya kay Philip. “Kita na lang tayo sa practice Brod.”

“Sige.”

“Mauna na ako Anica.”

“Okay.” Dinilaan ko siya pagtalikod niya.

“Para kang bata Anica.” Natatawang sabi ni Philip.

“Hehe. Phil, matagal na ba kayong magkakilala ni Joshen?”

“Yep, since first year.”

“So, close kayo?”

“Oo.”

“Are you sure na hindi mo kilala si Mr. Simple?”

PHILIP'S POV:

“Are you sure na hindi mo kilala si Mr. Simple?” Tanong ni Anica.

Kinabahan ako bigla. Ang tagal ko na kasing inililihim sa kanya ang tungkol kay Mr. Simple. I know him. Kilalang-kilala ko siya. Sabi ko nga sa kanya, tutulungan ko siya kay Anica kaso ayaw eh. Magpapakilala naman daw siya at siya na ang bahala sa lahat. Ayun! Nagka-boyfriend si Anica. Nagsisi tuloy siya. Ewan ko ba sa kanya, kay Anica lang siya nagkaganun. Ang torpe eh.

“Oo. Hindi ko siya kilala. Hindi naman naikukwento ni Josh.”

“Okay sabi mo eh.” Pero parang di siya naniniwala sa sinabi ko.

___________________________________________________________________________

A/N: Akalain niyo yun, kilala pala ni Philip si Mr. Simple pero sino nga kaya siya?! Pasensya na at maiksi. Tapos na ang exam namin kaya madalas na akong mag-a-update.♥

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon