Love 7

587 12 1
                                    

LOVE 7

“Sana magustuhan 'to ni Kyle." Sabi ko habang inilalagay sa isang box ang cookies na hugis puso na ginawa ko. Sabado ngayon at nagba-bonding kami ni Yana. Bonding namin ang pagbe-bake pero mas magaling pa rin talaga si Yana. Sobrang sarap ng cream cheese brownies niya!

“Oo naman, magugustuhan niya yan. Baka makalimutan niya ang pangalan niya sa sobrang sarap niyan."

Napangiti ako. Nilagyan ko ng ribbon yung box na paglalagyan ko ng cookies. 

“Yan! Tapos na. Hindi na ako makapaghintay na ibigay 'to sa kanya bukas!”

"Minsan magdouble date naman tayo!"

"Sure! Sabihan ko si Kyle."

Kinabukasan ay nagkita kami ni Kyle. Sa bahay nila kami nagpunta. Nag-aya kasi siyang magswimming. First time kong pumunta sa kanila. Namangha ako sa laki ng kanilang bahay. Lalo akong namangha nang makapasok na kami sa loob. Halatang lahat ng gamit doon ay mamahalin.

Napatingin ako sa mga litratong naka-display doon. 

"Ito si Mama, si Papa at ito naman si Ate." Sabay turo niya sa picture.

Ang ganda pala talaga ng lahi niyo eh." Ngumiti naman siya.

Sabi niya sa akin kahapon ay madalas out of the country ang parents niya dahil sa mga business trip nito. Ang ate naman niya ay nasa Canada dahil ito ang nag-aasikaso ng business nila doon. Mga katulong lang ang kasama niya ngayon dito.

“Magbihis ka muna babe para makapag-swimming na tayo.” Sabi nita sa akin.

“Sige.” Hinatid niya ako sa may CR. Nagpalit ako ng shorts at pang-itaas na may spaghetti straps na dala ko.

“Tara na.” Sabi ko pagkalabas ng CR. Naiilang nga ako pero okay lang. Magswi-swimming naman kami.

Paglingon niya sa akin ay parang nagulat siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nilapitan niya ako at hinapit sa baywang. Namula naman ako sa paghawak niya sa akin.

“Bagay pala sa'yo ang mga ganyang damit. Sexy ng babe ko.” Sabi niya sabay halik pisngi ko.

“Salamat. Hehe.” 

“Tara na sa may pool.” Hinawakan niya ang kamay ko.

Ang laki ng pool nila!

Nagulat ako nang maghubad ng pang-itaas si Kyle. I'm speechless. Ang ganda ng katawan niya. Those muscles.. Those abs.. At talagang ang puti niya. Mas maputi pa siya sa akin.

“Swimming na tayo!” Aya niya.

Tara!"

Ang saya-saya ko. Ngayon lang ako naging malapit ng ganito sa isang lalaki.. Physically. Yung balat niyang dumidikit sa balat ko ay kakaiba para sa akin. Malamig ang tubig ngunit mainit ang kanyang katawan.

Kinuha niya yung camera niya at nagpicture kami. Nasa likod ko siya at nakahawak siya sa aking baywang.

"Say cheese!" Sabi niya.

"Cheese!"

Naiilang ako dahil may nararamdaman ako mula sa likod ko. Mygash.

"You're so pretty." Sabi niya nang tingnan namin ang mga picture. Amg ulo niya'y nasa balikat ko. Ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg nang magsalita siya at parang nagsitaasan ang mga balahibo ko.

"T-Thanks." Sabi ko.

"Okay ka lang?"

"Yes. Nilalamig lang ako. Hehe."

Iniharap niya ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Maya-maya'y humiwalay na rin siya pagkakayakap at tumitig sa aking mga mata.

"I love you babe." Sabi niya.

"I love you too!"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako. Naramdaman ko na lang ang malalambot niyang mga labi sa aking labi. It was my first kiss. Hindi ko alam kung paano iyon pero ng lumaon ay nakakatugon na rin ako at nakakasabay sa kanya. Awtomatikong napahawak ang dalawa kong kamay sa balikat niya. Lumalim ang halik niya. His tongue seek for entrance inside my mouth. Pinapasok ko naman iyon. Nakakaadik ang mga halik niya. Yung tipong ayoko ng matapos.

Pareho kaming humahabol ng hininga nang maghiwalay ang mga labi namin. Nagngitian kami. Naramdaman kong namumula ang pisngi ko. Napansin ko namang mas lalong pumula ang mga labi niya.

"Your lips is so addicting." Sabi niya. Mas namula pa ata ako nang dahil sa sinabi niya.

Umahon na kami at naupo sa gilid ng pool. Nakapulupot na naman ang braso niya sa baywang ko. Kinuha ko yung mangoe shake at uminom. Ganun rin siya.

"Are you happy?" Pagkuwa'y tanong niya.

"Sobra!"

"Good." Nakangiti niyang sabi.

“May ibibigay nga pala ako sa'yo.” Tumayo ako para kunin yung cookies sa bag kong nakapatong sa upuan. Iniabot ko sa kanya iyon at naupo ulit sa kanyang tabi. Binuksan naman agad niya ang kahon.

“Wow. Mukhang masarap ah.” Sabi niya nang mabuksan niya iyon. Kumuha siya ng isa at isinubo iyon. Ang sarap nga! Salamat babe." Sabay halik niya sa pisngi ko. Napangiti naman ako.

“Ang swerte ko talaga sa'yo. Maganda na, may talent pa sa baking.” Sabi niya pa sa akin.

“Ako din ang swerte ko sa'yo, gwapo na, macho pa!” Nagtawanan naman kaming dalawa.

Pagkauwi ko ng bahay ay hindi ko pa rin malimutan ang halik ni Kyle. Napahawak ako sa aking labi habang nakahiga na sa aking kami. Alas-otso pa lang ay nakahiga na ako dahil mas gusto kong sariwain at isipin ang halik niya. I miss his lips already.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon