Chapter 41 : Start of Something New (part 2)

395 18 5
                                    

naka-ready na ang mga kapatid at magulang ni maris sa bandang harapan at hawak ang microphone at gitara, sila na lang ng ate nya ang hinihintay para sa gagawin nilang pagkanta.

"and now, let's give them a round of a plause... the Racal family!".. ang pahayag ng host.

palakpakan ang mga bisita at nagsimula ng tumugtog ng gitara ang papa henry ni maris.

kinanta nila ang paborito nilang kantahin kapag may bonding moment sila. ang Better together. sabay sabay silang kumakanta, at dito na napaiyak ng tuluyan si maris, hindi nya mapapantayan ang pagmamahal na ibinibigay ng pamilya nya sa kanya, ang todo suporta sa mga desisyon nya. at ngayon 18 na sya, alam nya na marami pang mga pangyayari ang kanyang tatahakin bilang isang dalaga, at hiling nya na sana sa susunod na handa na ang puso nya na magmahal ulit, ito na ang taong kanyang mamahalin habang buhay...

"palakpakan naman dyan!" sabi ng host sa mga bisita ng matapos na silang kumanta.

palakpakan ang mga tao habang pabalik naman sa kanilang table ang pamilya ni maris. tatayo na rin sana si maris dahil iniisip nya na tapos na ang programa.

"opps, maris... dyan ka lang muna" pigil ng host dito.

"huh" takang taka si maris na napatingin sa host. "tapos na di ba?," pabulong nitong sabi.

"nope.." sabi ng host na hawak ang microphone, nakangiti ito ng makahulugang ngiti.

biglang kinabahan si maris, may kung anong kabog ang naramdaman nya. parang biglang may lumabas na malilit na watusi sa dibdib nya at nag-uunahan itong magputukan.

"just seat again first" panimula ulit ng host.

"ano meron?" tanong ni loisa kina jane at joshua, lumilingap lingap sa bandang gawi ni maris.

"tapos na di ba?" sabi naman ni jane

"hindi pa daw eh" sabi ni joshua.

"baka may surprise c tito henry" sabi ni loisa sa dalawa. pero wala sya talagang idea sa nagyayari.

"hmmm... manolo, parang may na-sesense ako," nakangiting bulong ni nichole kay manolo, mahinang mahina ito, para hindi marinig ng mga katabi nito.

"ano"? tanong naman ni manolo na nakatingin kay nichole.

bumulong ulit si nichole at this time, tinakpan na ng kamay nya ang tenga ni manolo at may sinabi, biglang lumuwang ang pagkakangiti ni manolo at lalong naningkit ang mga mata nito.

biglang tumayo ulit si fourth at akmang aalis.

"oh bro, san ka na naman pupunta" tanong ni fifth sa kapatid.

"sa comfort room" sabi ni fourth 

"na naman", nagtatae ka ba?" asar na tanong ni fifth

hindi na pinansin ni fourth ang ka-kambal, need nyang umalis sa table nila agad-agad.

nagsimula nag nagsalita ang host.

"Maris, lingid sa kaalaman ng lahat, may isang pangyayari sa buhay mo habang nasa bulacan ka ang hinding hindi mo makakalimutan " panimula ng host. nagsimula na rin magbulungan ang mga tao sa paligid.

bigla naman namula ang pisngi ni maris,.. hindi nya alam kung ano ang nagyayari sa mga oras na'yon.

"may isang tao ang hindi sinasadyang nakasakit ng isang murang damdamin at ngayong araw na'to ang pinaka-hihintay nya upang humingi ng kapatawaran." sabi ng host

lalong kumabog ang dibdib ni maris, nakatingin sya sa host ng sinabi iyon, ngayon ay tumingin sya table ng pamilya nya, at halos lahat ay nakangiti sa kanya, lumingap lingap sya sa paligid, wala naman kakaiba sa mga tao na nandoon, tumingin sya sa gawi ng table nila loisa, blangko ang mukha ng best friend nya. naka-ngiti sila nichole at manolo, si fifth naman ay mukhang imbiyerna ang hitsura at si fourth...... asan nga pala si kuya fourth???

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon